You are on page 1of 4

Learning Area MAPEH - Health Grade Level 5

W1 Quarter Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Gateway Drugs


II. MOST ESSENTIAL Naipaliliwanag ang konsepto ng gateway drugs (caffeine, tobacco, at alcohol)
LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE Konsepto ng Gateway Drugs
CONTENT
IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 5 minuto “Huwag mo nang subukan, iyan ay bawal”
Panimula Bihira sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng

heroin o cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway drugs. Unang hakbang sa


paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga
gateway drugs tulad ng mga pagkaing may caffeine, tobacco at alcohol.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay

maipapaliwanag ang konsepto ng gateway drugs.


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagmasdan ang mga larawan. Ano ang

mapapansin mo sa bawat isa? Isulat ang salitang Go…Go! kung dapat mong
tangkilikin at No…No! kung dapat iwasan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Paggamit ng e-cigarette 2. Pag-inom ng alak at paninigarilyo

3. Paggamit ng ipinagbabawal na 4. Pagkonsulta sa doktor


gamot
IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities
Timeframe
B. Development 10mins Ang gateway drugs ay anumang gamot (caffeine, tobacco at alcohol)
Pagpapaunlad na ang paggamit ay nagiging daan sa pagkagumon o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot (cocaine o heroine). 1 Ang gateway drugs ay
itinuturing din na recreational drugs at legal ito sa kahit anumang bansa
mundo.2
1
http://www.merriam-webster.com/dictionary/gateway%20drug
2
http://www.slideshare.net/sbishop2/b13-use-and-abuse-of-drugs

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (/) ang mga
produktong maituturing na gateway drugs.
1. beer 6. vodka
2. coffee 7. energy drink
3. chocolate drink 8. rum
4. sigarilyo 9. tabako
5. gin 10. Tsaa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang mga produktong makikita sa larawan. Piliin ang
mga produktong may sangkap na caffeine, tobacco o alcohol. Pangkatin ang mga ito ayon sa
sangkap na taglay at ilagay sa iyong sagutang papel.

kape
soda

wine sigarilyo
IV. LEARNING PHASES Suggested Learning Activities
Timeframe

gin beer

Caffeine Tobacco Alcohol

C. Engagement 10mins Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ayusin ang mga letra sa loob ng panaklong
Pakikipagpalihan upang makabuo ng salita ayon sa inilalarawan ng parirala o pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ______________ (icenfaef)ay nakapagdudulot ng karagdagang

enerhiya subalit kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa


kalusugan.
2. Ang sigarilyo ay may _________________ (ktioinan) na
nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan.
3. Ang alcohol ay inuming may ___________(eahntlo)
4. Ang ______________ (aepk) ay may mataas na sangkap ng caffeine.
5. Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang
______________ (akaobt).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pag-aralan at suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga
tanong sa iyong sagutang papel.

Energy Drink

1. Ano-ano ang mga produktong nakikita sa larawan?


2. Saan karaniwang mabibili ang mga produkto sa larawan?
3. Kailan karaniwang kinokonsumo ang mga produktong ito?
4. Ano ang pagkakatulad ng mga produktong ito?
IV. LEARNING Suggested Learning Activities
PHASES Timeframe
D. Assimilation 10mins Ang paggamit ng gateway drugs ng isang miyembro ng pamilya ay hindi
Paglalapat nangangahulugan na siya ay magiging drug addict pagdating ng araw.
Kinakailangan lamang na magkaroon ng kasiguruhan na alam ng inyong
kapamilya ang panganib na dulot nito. Kadalasan, ang pagiging
problemado ang nagiging dahilan ng paggamit ng gateway drugs.
Maiiwasan ito kung mayroong miyembro ng pamilya na palaging handang
tumulong at makinig.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ipahayag ang iyong saloobin sa

pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa iyong sagutang papel.


Sang-ayon ka ba na legal ang pagbibili sa mga gateway drugs sa mga

tindahan at supermarkets? Bakit?

V. ASSESSMENT 5 mins Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ng mga tanong sa iyong sagutang
(Learning Activity Sheets for papel.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks 1. Ano ang gateway drugs?
3 and 6)
2. Anu-anong produkto ang itinuturing na gateway drugs?
3. Paano natututo ang indibidwal na gumamit ng gateway drugs?
4. Ano ang maaaring panganib na dulot ng gateway drugs?
5. Paano maiiwasan an paggamit ng gateway drugs?
VI. REFLECTION Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________.

Nababatid ko na________________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________.

Prepared by: Melba Ilagan Mercado Checked by: Reginal Grafil / Arthur M. Julian

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like