You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
Division of Davao del Sur

INAWAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL-TIBOLO EXTENSION


Tibolo, Sta. Cruz,Davao del Sur
S.Y. 2019-2020

ACTIVITY DESIGN SA FILIPINO

I. BALANGKAS
PAMAGAT: Buwan ng Wika 2019
TEMA: “WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO”
PETSA: August 29, 2019
II. RASYONALE
Ang Buwan ng Wika ay tradisyunal ng idinaraos taon-taon mula
ika-1 hanggang ika-30 ng buwan ng Agosto alinsunod sa itinakdang
proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong
ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Filipino”. Iginugunita ito
upang ipaalala sa atin ang kabuluhan, kahalagahan at pagmamahal sa
ating sariling wika ang pagpapahalaga sa ating kultura at ang
pagkakakilanlan ng lahing Pilipino.
III. LAYUNIN
a. Bilang pagpapatupad ng proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
b. Paibayuhin ang kamalayang pangwika ng ating mga mag-
aaral.
c. Hikayatin ang mga mag-aaral na pahalagahan ang wikang
pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga
gawain kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng wika.
IV. KALAHOK
Pinangungunahan ng mga guro sa Filipino sa ilalim ng
pamamatnubay ng tagapamahala ng paaralan at ng lahat ng mga
guro at mga mag-aaral ng asignaturang Filipino.
V. MATERYALES AT KAGAMITAN
Papakinabangan at gagamitin sa pagdiriwang at aktibidades ang
mga sumusunod:
 Paaralan
 Tarpaulins
 Office supplies (para sa dokumentasyon, attendance at iba pa.)
 Camera (para sa dokumentasyon)
 Sound System (para sa programa at mga gawain)

VI. MEKANIKS
Alinsunod sa mga layuning nakasaad may iba’t ibang gawain
ang inihanda sa mga mag-aaral sa araw ng selebrasyon ng Buwan ng
Wika.
1. Magkakaroon ng isang panimulang programa na magaganap sa
umaga. Ito ay sa pamamaraan ng pormal na pagsisimula ng
gawain kasama ang mga mag-aaral ng Filipino at ng mga guro.

2. Ang gawaing ito ay gugunitain sa pamamagitan ng pormal na


programa, iba’t ibang paligsahan at pagpapakita ng talento ng
mga mag-aaral.

VI. KINAKAILANGANG PAMBADYET

EXPENSE CATEGORY COST ESTIMATES FUND SOURCES


SNACKS P 100.00 PTA
(For the judges)
TARPAULINS P 300.00 PTA
OFFICE SUPPLIES P 100.00 PTA

Prepared by: Noted by:

CRIS AERALI M. SOLON CLARISIL G. BERMEJO


Filipino Coordinator Head Teacher III

Recommending Approval by:

ABDUL PATTA U. KAMDON


District Supervisor-Sta. Cruz North

Approved by:
MARCELA A. SACAY
Secondary Principal I

You might also like