You are on page 1of 3

Ang Patuloy na Pakikibaka ng mga Babaeng Manggagawa

Mr. Speaker, tumatayo ako ngayon sa isang tanong na personal at sama-


samang pribilehiyo habang tinatanong ko ang bawat isa-natatamasa na ba
ng bawat babae at mamamayang Pilipino ang kaniyang sosyal, ekonomiko,
at sibil na karapatan?
Mahigit isang siglo po ang nakaraan mula nang tumindig para sa kanilang
pundamental na karapatan ang mga kababaihang sosyalista sa Amerika.
Ngayong taon na gugunitain ang International Women's Day, ay patuloy pa
ring nakikibaka ang mga kababaihan para sa trabaho, nakabubuhay na
sahod, ligtas na kondisyon sa paggawa, hustisyang panlipunan, at paglaya
sa lahat ng uri at porma ng opresyon, karahasan, at pananamantala.
Mula noon hanggang ngayon, ang Araw ng mga Kababaihan ay paggunita sa
nananatiling umaalab na laban sa patriyarka at imper- yalistang matindi
ang pagpapahirap sa atin.
Mr. Speaker, ako ay may dalawang anak at pinalaki ko ang aking mga anak
bilang isang guro sa Matematika sa loob ng 25 taon. Alam ko po ang hirap
na pinagdadaanan ng mga manggagawang ina. Sa kabila ng mga
konstitusyonal na probisyon, mga batas, at iba't ibang regulasyon ay
nananatiling mahirap ang kalagayan ng kababaihan sa kaniyang araw-
araw na pagbabanat ng buto.
Ang Seksiyon 14, Artikulo II ng ating kasalukuyang Saligang Batas ay
inuutusan ang Estado kilalanin ang tungkulin ng mga babae sa
pagtataguyod ng bansa at upang siguruhin ang pundamental na pag-
kakapantay-pantay ng babae at lalaki sa harap ng batas. Napakaganda po
ng probisyong ito ngunit nakalulungkot na nananatiling laganap pa rin ang
diskriminasyon sa pag-eempleyo.

Hindi pa rin nasusunod ng gobyerno ang iniaatas ng Saligang Batas ayon sa


Seksiyon 11 at 14, ng Artikulo XIII na pagtiyak ng kaligtasan at
pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihang manggagawa. Kalunos-
lunos ang hinaharap ng mga kababaihang manggagawa. Kabilang na rito
ang mga babaeng kawani sa pamahalaan na sa kasalukuyan ay pina-
payagang makinabang ng 60 araw lamang ng bayad na maternity leave,
normal na panganganak o caesarean. Mas pinili ng Estado na pondohan
ang PhilHealth at gawing pribado ang mga ospital kaysa tustusan ang
kanilang operasyon sa makakayanang health care.
At ang nakakapag-aalala ay ang kawalan ng seguridad sa trabaho ng halos
600,000 na empleyado ng pamahalaan na nasa ilalim ng job order/contract
of service. Ang mga ito ay ang ating mga anak na babae, kapatid, at ina na
kinukulangan ng benepisyo at patuloy na humaharap sa kawalan ng
katiyakan kung sila ay makapagbibigay pa o hindi ng pagkain sa mesa sa
bawat pagtatapos ng kanilang kontrata.
Change is coming – lyan po ang inaabangan nating lahat, ang mga
makabuluhan at makabayang pagbabagong ipinangako ng Pangulo, Subalit
sa walong buwan ng kaniyang pagka-pangulo, marami pa ring konkretong
hakbang upang bigyang-pansin ang pundamental na pro- blema ng bansa
tulad ng laganap na kahirapan dahil sa malawakang kawalan ng lupa,
kawalan ng trabaho, kontrol ng mga dayuhan sa ekonomiya at mga
mapagsamantalang opisyal. Ang 2017 national budget ay pagpapatuloy ng
anti-poor neoliberal na polisiya na nakukulangan ang mga Pilipinong ina at
ang kanilang anak upang magkaroon ng may kalidad ng serbisyong
panlipunan, tulad ng edukasyon, pabahay, at pangangalaga sa kalusugan.
Bilang mga guro, alam ko kaya nating harapin ang malaking gawaing ito,
upang hubugin ang kaisipan ng mga kabataan, upang itaas ang
pagkakaalam, bumuo at pakilusin ang mga tao patungo sa demokratikong
karapatan. Ang lahat ng mga babaeng manggagawa ay kailangang
manatiling umaasa. Naniniwala tayo sa kasabihang, "Ang lugar ng isang
babae ay sa pakikibaka." Bilang unang pangulo ng ACT-NCR, ang
pinakamalaking unyon ng mga guro sa publikong sektor ng Pilipinas,
naniniwala akong ang mga kababaihang manggagawa ay hindi lamang
nakikibaka sa pagkakapantay-pantay ng mga lalaki, higit sa lahat tayo ay
instrumento sa pagkakaroon ng TUNAY na pagbabago na ibig nating
makita, isang lipunan kung saan ang katarungan at kapayapaan ay
magtatagumpay para sa lahat ng mga Pilipino.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ayon kay Kinatawan Casto, ano ang patuloy na pakikibaka ng mga
manggagawang kababaihan? Ano naman ang dalawang bagay na
nagpapahirap sa atin?
2. Anong probisyon sa ating kasalukuyang Saligang Batas ang nag-
uutos na, “Siguruhin ang pundamental na pagkakapantay-pantay ng
babae at lalaki sa harap ng batas?”
3. Sa iyong palagay, ang “endo” o “end of contract” ba ay kawalan ng
katarungang panlipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Sa bandang huli ng talumpati ni Kinatawan Castro, ano ang
tinatanaw niya para sa mga manggagawang kababaihan? Sa palagay
mo ba ay maaari mo itong maisakatapuran? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

You might also like