You are on page 1of 8

1st Quarter sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)

Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

I. Panimulang Nilalaman

I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Nauunawaan ang kahulugan ng abstrak

B. Pamantayang Pagaganap
Naipaghahambing ang mga uri ng abstrak.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

II. Nilalaman:
PAGSULAT NG ABSTRAK
1st Quarter sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

Tala ng gawain 2

Panuto: Paghambingin ang ibat-ibang Abstrak Gamitin ang


mga sumusunod na kahon para sa inyong paghahambing

IMPORMATIBO DESKRIPTIBO KRITIKAL


1st Quarter sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

Konsepto ng Aralin

TALAKAYIN NATIN:
Nakasulat ka na ba ng isang abstrak ng isang pananaliksik? O nakapagbasa ka
na ba nito sa mga journal ng pananaliksik?
Kung Oo ang sagot mo sa dalawang tanong, tiyak na nagkaroon ka na ng ideya
hinggil sa nilalaman ng isang papel-pananaliksik sa pamamagitan ng abstrak. O kung
ikaw mismo ang gumawa ng isang pananaliksik at nagsulat mismo ng abstrak, tiyak na
naikahon mo ang mahahalagang ideya ng iyong pananaliksik sa abstrak niyon.
A. KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK
Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis,
rebyu, o katitikan ng komperensya. Maaari rin itong maging buod ng ano mang
malalalimang pagsusuri ng iba't ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang
madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag
ding sinopsis o presi ng ibang publikasyon ang abstrak.
Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing
panimulang bahagi ng ano mang akademikong papel. Ginagawa itong lagusan ng isang
papel sa isang copyright, patent o trademark application. Tumutukoy ito sa pagkuha ng
eksklusibong karapatan o pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o
imbensyon. Itinuturing ang pananaliksik na isang intelektwal na pagmamay-ari at sa
pamamagitan ng copyright ay naiiwasan ang paglabag sa karapatan sa pagmamay-ari
ng isang may-akda. Nagagamit din ang abstrak sa indexing ng mga pananaliksik sa
iba't ibang akademikong displina upang makita ang lawak at lalim ng mga pag-aaral sa
iba't ibang larangan na nailathala na sa mga akademikong journal.
Gumagamit ng abstrak ang akademikong papel upang madaling maipaunawa
ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Maaari itong tumindig bilang isang
hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel. Kadalasang ginagamit ang Abstrak ng
iba't ibang organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng
papel, workshop o panel discussion. Gayon din, karamihan ng online database ng mga
pananaliksik sa internet ay naglalaman lamang ng abstrak sa halip na buong
transkripsyon ng pananaliksik. Madalas na kailangang bayaran ang publisher's fee bago
mabasa ang kabuuan ng mga artikulo.
Maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng
pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo ng mga siyentipikong
papel upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal
na diskusyon ng pagsusuri at interpretasyon ng datos.
B. MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

Sa kabuuan, nilalayon ng isang mahusay na abstrakang "maibenta" omaipaki na


ituloy oili ng gd ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o
pagbil kitang maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang aghahanap o
pagbili ng buong kopya nito.

May tatlong uri ng abstrak: Imoormatibo. Deskriptibo at Kritikal. IDinabatay sa


Kahingian ng isang akademikong iournal kung anong uri ng abstrak ang kailangang
gawain para sa iba't ibang pananaliksik. Pinakakaraniwan ang isang impormaibong
Abstrak. Hindi ito kasing-haba ne kritikal na abstrak ngunit hindi rin naman kasing- ng
deskriptibong abstrak. Ang isang IMPORMATIBONG ABSTRAK ay naglalaman na ng
nalos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik.
Maaari na itong makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa lalamanin
ng pananaliksik.

Taglay ng isang impormatibong abstrak ang sumusunod na nilalaman:

1. Motibasyon. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang


mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang maipakita sa
bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.

2. Suliranin. Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin


o tanong ng pananaliksik.

3. Pagdulog at Pamamaraan. llalahad ng isang mahusay na abstrak kung


paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang mga
impormasyon at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa
metodolohiya ng pag-aaral.

4. Resulta. Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sd


pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik.

5. Kongklusyon. Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon 6


pananaliksik batay sa mga natuklasan.

Ang DESKRIPTIBONG ABSTRAK naman ay mas maikli (kadalasang nasa 100


salita lamang) kaysa sa impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit sa 0 salita).
Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolonlya ginamit at
saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resuid at mga naging
rekomendasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi buo ang impormasyong artikulo ibinigay
tungkol sa pananaliksik, mas lalong kailangang basahin ang sahin ang buong artikul.
Ang KRITIKAL NA ABSTRAK naman ang pinakamahabang uri ng abstrak
Impormatibong abstrak, binibigyang-ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at
katumpakan ng isang pananaliksik.

Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya


ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailangan ding gustuhin
niyang mapalalim pa ang nauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa sa buong
pananaliksik.

Pansinin ang kasunod na halimbawang abstrak ng isang historikal na


pananaliksik ni Analyn B. Muñoz na Ang mga Pakikibaka ng mga Ayta noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig: Isang Panimulang kasaysayan ng nailathala sa Ikalawang Tomo
(2015) ng Hasaan Journal.

ABSTRAK

Ang mga Ayta ay kadalasang itinuturing na "minoridad lamang" kasama ng mga


katutubong pangkat sa bansa. Isang trahedyang maituturing na wala silang nasusulat
na kasaysayan. Kung mayroon man, ang mga ito ay naisulat ng mga kolonisador kaya't
ang pananaw ay maka-kanluran. Subalit, may positibong mensaheng mapupulot mula
sa halos kawalan ng presensya nila sa mga talang kolonyal. Hindi sila naabot ng mga
banyagang mananalaysay dahil hindi sila napasailalim sa kapangyarihang kolonyal.
Ang kabundukan bilang likas na tahanan ang naging likas na depensa rin nila mula sa
banta ng kolonyalismo, partikular na noong panahon ng Hapon. Kaugnay nito, layunin
ng pananaliksik na talakayin ang papel ng mga Ayta noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, partikular ang pakikibakang gerilya sa Bulubunduking Zambales. Gamit na
batis ang mga naisulat ng mga Amerikanong gerilya at ilang panayam sa mga buhay na
gerilyang Ayta, nakatuon ito sa malaking impluwensya ng kanilang kultura sa
pakikibaka ng mga gerilyang Amerikano. Binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng
mga Ayta sa pagtatagumpay ng laban sa mga Hapon at sa pambansang pagkilos ng
mga gerilya.
KALIKASAN AT BAHAGI
1st Quarter NG ABSTRAK
sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

 Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin


ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng
papel.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

 Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-


alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito:
Layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon,
rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak
na isusulat.

 Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga


pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling
salita.

 Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan


sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap,
tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon, magdagdag
ng mahahalagang impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga
salita at iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.

 I-proofread ang pinal na kopya.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK

 Binubuo ng 200-250 salita

 Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa


sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon.

 Kompleto ang mga bahagi

 Walang impormasyon hindi nabanggit sa papel

 Nauunawaan ang pangkalahatang target ng mambabasa.


1st Quarter sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

MGA DAPAT TANDAAN:


PAGSULAT NG ABSTRAK
A. KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

B. MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

 IMPORMATIBONG ABSTRAK

1. Motibasyon

2. Suliranin

3. Pagdulog at Pamamaraan

4. Resulta

5. Kongklusyon

 DESKRIPTIBONG ABSTRAK

 KRITIKAL NA ABSTRAK

C . KALIKASAN AT BAHAGI NG ABSTRAK

 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

D. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK


1st Quarter sa Filipino sa Piling Larangan(Akademik)
Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

Week 4
Aralin: PAGSULAT NG ABSTRAK

Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat ang abstrak?

2.Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak?

You might also like