You are on page 1of 7

Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIK)

Panimulang Pagtataya
SY 2022-2023

Inihanda ni:

EVELYN R. PAGUIGAN
Subject Teacher

Nasuri at itinama ni:

ROSA D. UANAN
Master Teacher II

:
Inaprubahan ni:

MARILOU P. MACAPALLAG
Principal III

Pangalan: _________________________________________ Score


Baitang/Seskyon: ___________________________
Petsa:_____________________________________
Patnubayan nawa kayo ng Maykapal upang maayos at matagumpay ninyong maisagawa ang
panimulang pagtataya na ito. 

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwderno ang titik
ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang lumilinang na maisatitik ang
nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao?
A. pakikinig B. pagbasa C. pagsulat D. pagsasalita

2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy na dahilan kung bakit
nagsusulat ang tao?
A. libangan B. pagtugon sa trabaho C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang

3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat dahil lubos na pinatataas
nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan?
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na naranasan ng mga mag-aaral
mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school?
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng pagsasanay mo sa akademikong pagsulat?
A. pananaliksik B. pamanahung papel C. paggawa ng sanaysay
D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga kalagayan. Pagka- tapos,
punuan ang mga patlang ng angkop na mga salita upang makum- pleto ang diwa ng bawat
sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

6. Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na antas ng pagsulat. Kaya
naman kailangan ni Kyle na magsanay sa pagsulat ng_______________.
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat

7. Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng impormasyon, mag-


organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin. Patunay lamang
ito na may kasanayan siya sa_____________.
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

8. Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang __________ ay itinuturing din na
pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat.
A. pananaliksik B. akademikong pagsulat C. teknikal na pagsulat
D. pamanahunang papel

Page 2 of 7
9. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya,
sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na bahagi ng
__________________.
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

10. Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay nagbigay na ang
guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.
Kaugnay nito, ang pahayag na _________ ay HINDI tumutugon sa maaaring sabihin ng guro tungkol
sa akademikong pagsulat.
A. higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat
B. ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat
C. ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat
D. pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

11. Isa sa ipinagmamalaki ni Vernice bilang doktor ay ang kahusayan niya sa pagsulat ng medical
report. Anong anyo ng akademikong pagsulat mahusay si Vernice?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

12. Ibinigay na kasunduan ng guro para sa susunod na araw ng klase ang pagsulat ng tula. Anong
anyo ng akademikong pagsulat ang tula?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

13. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang may kinalaman sa pagsulat ng balita, editorial, lathalain at
iba pa?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Dyornalistik na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

14. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na maaaring piksiyon, bunga ng malikot na imahinasyon o
kathang – isip lamang ng manunulat o di kaya naman ay hindi piksiyon na batay sa mga tunay na
pangyayari.
A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

5. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na may kaugnayan sa isang tiyak na propesyon o larangan.
A. Malikhaing Pagsulat B. Reperensiyal na Pagsulat C. Teknikal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

16. Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naatasan ang mga mag-aaral na
sumulat ng tula na bibigkasin sa panimulang palantuntunan. Anong anyo ng akademikong pagsulat
ang tula?
A. Malikhain B. Propesyonal C. Dyornalistik D. Teknikal

17. Dahil sa pagkalat ng COVID19, bumuo ng naratibong ulat si Dra. Vernice Gabriele hinggil sa
kanyang mga naging pasyente simula nang kumalat ang pandemic. Anong anyo ito ng akademikong
pagsulat?
Page 3 of 7
A. Malikhain B. Propesyonal C. Dyornalistik D. Teknikal

18. Magkahalong tuwa at pangamba ang nadama ni EJ nang mabasa niya ang balita sa pahayagan
tungkol sa General Community Quarantine sa Metro Manila. Anong anyo ng akademikong pagsulat
ang balita?
A. Teknikal B. Malikhain C. Propesyonal D. Dyornalistik

19. Bumili ng bagong kompyuter si Zedric. Hindi niya alam kung paano ito gagamitin, laking tuwa niya
nang mabasa ang kalakip na manwal sa paggamit ng kompyuter. Anong anyo ng sulatin ang
manwal?
A. Teknikal B. Malikhain C. Propesyonal D. Dyornalistik

20. Sa pagpapatupad ng “Bayanihan To Heal as One Act” kaugnay ng COVID19, isa ang pulis na si
Sarhento Percie sa nakahuli ng mga residenteng lumabag dito. Pagdating sa presinto, kaagad niyang
ginawan ito ng police report. Nagpapatunay ito na taglay ng pulis ang kasanayan sa pagsulat ng
__________na anyo ng akademikong pagsulat?

A. teknikal B. malikhain C. propesyonal D. dyornalistik

21. Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin ay ang pangongopya at
walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor ng mga konseptong iyong kinuha. Dahil dito, maaari
kang patawan ng parusang:

A. Libelo B. Slander C. Forgery D. Plagiarism

22. Para maiwasan ang anumang uri ng kasalanan sa hindi pagkilala sa tunay na awtor o may ideya
sa orihinal na konsepto, alin sa mga anyo ng sulatin ang dapat na isaalang-alang?

A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat


D. Reperensiyal na Pagsulat

23. Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o mismong mga pangungusap (verbatim) ng
hanguang detalye, nararapat lamang na

A. Isama ang awtor at petsa ng sulatin.


B. Lagyan lamang ng panipi (quotaion mark) ang siping pahayag.
C. magkaltas ng ilang hindi mahahalagang salita.
D. sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na teksto.

24. Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng mahahalagang impormasyon para lamang maibilang
mo ito sa iyong akademikong pagsulat. Taglay mo ang katangiang

A. kritikal. B. matapat. C. matiyaga. D. sistematiko.

25. Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong isinusulat, may pagtitimbang o walang
biased, at obhetibo sa lahat ng pagkakataon. Taglay mo ang katangiang

A. maingat. B. kritikal. C. matiyaga. D. sistematiko.

Page 4 of 7
26. Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga wikang kailangang sagipin sa iba’t
ibang panig ng arkipelago. Kaya naman, nagsasagawa sila ng pananaliksik sa pamamagitan ng
personal na pagtungo sa mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin ang native speaker ng
partikular na wika. Taglay nila ang katangiang

A. maingat B. matapat C. matiyaga D. sistematiko

27. Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo, reporter ng GMA7 sa pagkalap ng mga
datos at impormasyon sa tiyak na panahon at pagkakataon. Alin sa mga sumusunod na katangian ng
mananaliksik ang ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?
A. Maingat B. Matapat C. Matiyaga D. Sistematiko

28. Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David San Juan ng De La Salle University, lagi
niyang binabanggit ang orihinal na mga awtor at manunulat ng isang partikular na konsepto o ideya.
Anong katangian ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?

A. Maingat B. Matapat C. Matiyaga D. Sistematiko

29. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi ng mga tala
ang________________
A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon.
B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.
C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.
D. lahat ng nabanggit

30. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at pagsulat ng mga


akademikong tala maliban sa______________.

A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw.


B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap.
C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor.
D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.

31. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.


A. Abstrak B. Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom

32. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at i-post sa social
media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng lagom
ang puwede niyang gawin?

A. Abstrak B. Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom

33. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

A. Abstrak B. Bionote C. sinopsis D. Paglalagom

34. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?
A. Abstrak B. Bionote C. Sinopsis D. Paglalagom

Page 5 of 7
35. Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
Nangangahulugan lamang ito na______?
A. dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda.
B. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.
C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
D. pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa.

36. Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit
ang_____?
A. sariling salita B. salita ng awtor C. salita ng kahit sino D. salita ng awtor at
sariling salita

37. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?
A. pagbuo ng balangkas B. Pagbasa sa buong seleksiyon o akda
C. Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal
D. Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng paglalagom na
sinopsis?

A. Basahin ang buong seleksiyon o akda. B. Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.


C. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.
D. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

39. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng sinopsis o buod?

A. Para mapadali ang pagbasa ng isang pananaliksik.


B. Para makasunod sa pagbabago ng lipunan.
C. Para maayos na maipakilala ang sarili sa social network.
D. Para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling raan.

40. Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango
ang orihinal na sipi ng akda.

A. sanggunian B. aklat C. awtor D. lagom

41. Nais gumawa ni Rency ng buod ng binasang kuwento, anong paglalagom ang maaari niyang
gawin?
A. sinopsis o buod B. paglalagom C. bionote D. abstrak

42. Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Riza habang nasa ilalim ng Community
Quarantine ang bansa. Nais niyang sumulat ng pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng
lagom ang dapat niyang gawin?

A. sinopsis o buod B. paglalagom C. bionote D. abstrak

43. Ang lagom ay ang ______________na bersiyon ng sulatin.


A. payak B. pinaikli C. pinahaba D. teknikal

44. Ang sinopsis ay uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga tekstong ______________?
Page 6 of 7
A. naratibo B. diskriptibo C. impormatibo D. argumentatibo

45. Sa pagsulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang akda gamit ang sariling _______?
A. akda B. salita C. pananaw D. pagsusuri

46. Obhetibo ang pagsulat ng sinopsis, kaya nangangahulugan itong__________ang pagsulat?

A. hindi ginagamitan ng sariling pananaw B. malikhain at masining


C. may pananagutan D. may obligasyon

47. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?

A. Basahin ang buong akda. B. Sumulat habang nagbabasa.


C. Magbalangkas habang nagbabasa. D. Suriin ang pangunahing kaisipan.

48. Huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango ang orihinal na sipi ng
akda.
A. sanggunian B. aklat C. awtor D. lagom

49. Gumamit ng mga ___________sa paghabi ng mga pangyayari lalo kung ang sinopsis ay binubuo
ng dalawa o higit pang talata.
A. pangngalan B. pang-ugnay C. pandiwa D. pang-uri

50. Bakit mahalagang basahin ang buong seleksiyon ng akda bago bumuo ng sinopsis o buod?

A. upang makapagbalangkas
B. upang walang makalimutan sa isusulat
C. upang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito
D. para matiyak kung gaano kahaba ang susulating sinopsis

Page 7 of 7

You might also like