You are on page 1of 2

PAGSULAT NG SINTESIS

Layunin:
Sa pag-uulat na ito, maaasahan nating matatamo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Mabigyang kahulugan ang sintesis
2. Maipaliwanag ang mga anyo, uri, katangian, at mga hakbang sa pagsulat
ng sintesis;

SINTESIS
 Ito ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay
put together o combine.
 Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan na dalawa o higit pang mga akda o
sulatin.
 Ito ay pagpapaikli mula sa iba't ibang sanggunian. Layunin nitong makabuo ng
bagong kaalaman at maaari itong maglaman ng opinyon ng manunulat.
 Ang mga pinagsamang impormasyon ay maingat na pinili mula sa ibat iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng mga tekstong pinag-aralan.
 Ang pag sulat ng sentisis ay pinaglalaanan ng panahon dahil hindi ito madaling
gawin. Sakatunanayan pinag aaralan ng manunulat kung paano ang magiging
presentasyon ng kaniyang sentisis na isusulat na nang sa gayon ay maiangkop ito sa
nilalaman ng uri ng akademikong sulatin na kaniyang binubuo.

2 ANYO NG SINTESIS:
1. EXPLANATORY SYNTHESIS:
Isang sulating naglalayong yulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan
ang mga bagay na tinatalakay.

2. ARGUMENTATIVE SYNTHESIS:
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
MGA URI NG SINTESIS:
1. BACKGROUND SYNTHESIS
Nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang
paksa. Nakaayos ayon sa tema at hindi sa sanggunian.
2. THESIS-DRIVEN SYNTHESIS
Malos katulad lamand to ng backaround synthesis ngunit magkalba lamang sila ng
pagkatuon. Ito ay nangangailangan ng malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng
sulatin.
3. SYNTHESIS FOR THE LITERATURE
Ito ay pagbabaliktanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature tungkol sa paksa. Ito
ay tumutuon sa mga literaturang ginagamit sa isang pananaliksik

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:


1. Nag-uulat na tamang impormasyon mula sa maa sanggunian at gumagamit ng Ibat
ibang estruktura at pahayag.
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita and mga
impormasyong nagmumula sa iba't ibang sangguniang ginagamit.
3. Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang aka at napaialalim nito ang
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.
4. Isa itong pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita
5. Layunin nito ay ang makakuha ng importante ngunit maikling sulatin na kumkatawan
sa kabuuan ng ibinuod.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:


•Linawin ang layunin ng pagsulat.
•Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin ang mabuti ang mga ito
•Buuin ang tesis ng sulatin.
•Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
•Isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang simula, gitna, at wakas.

You might also like