You are on page 1of 2

Yana Mari Reyes

Filipino
7-Canva

Buod ng Ibong Adarna


Sa kaharian ng Berbanya nakatira ang maginoo at hinahangaan na si Haring Fernando
at kanyang maganda at mabait na asawa na si Reyna Valeriana.biniyayaan sila ng
tatlong anak,si Don Pedro,Don Diego at ang bunso si Don Juan.
Isang gabi nanaginip si Haring Fernando na pinatay at itinapon sa balon ang kanyang
paboritong anak na si Don Juan,ito’y kanyang dinamdam kaya sya ay di na makatulog.
Nakaraan ang ilang araw at nag patawag na ng mediko at sinabi ng mediko na ang mag
papatulog dito ay kanta ng Ibong adarna na matatagpuan sa bundok ng tabor puno ng
Piedras platas.
Inutusan na ng hari ang mga anak na pumunta sa bundok ng tabor,si Don Pedro ang
unang naglakbay at naka sakay sya sa kabayo. Tatlong buwan ang nakalipas nakita na
nya ang bundok ng tabor sa hindi inaasahan namatay ang kaniyang sinasakyan ng
kabayo kaya nilakad nalng nya papunta sa puno ng Piedras platas. nang sya ay
nakarating sa sobrang pagod sya ay nag pahinga muna sumapit ang gabi dumating na
ang ibong Adarna ito ay kumanta at bago matulog ito ay nag babawas nung ito ay
nagbawas sakto natapatan si Don Pedro kaya ito’y naging batong buhay at hindi na
nakabalik.
Si Don Diego ang pangalawang inatasan para hanapin ang ibon at kapatid,makalipas
ang limang buwan namatay ang kaniyang kabayo kaya sya ay nag lakad papuntang
Piedras Platas. sumapit ang gabi at sya namahinga ilang minuto ang lumipas ang ibon
ay dumating na ito ulit ay kumanta,pag katapos kumanta ito ay dumumi,sa di inaasahan
napatakan si Don Diegokaya sya ay naging batong buhay katulad ni Don Pedro.

You might also like