You are on page 1of 1

Takda 4

Inutusan na ni Don Fernando si Don Diego para kunin ang Ibong Adarna nang malaman niya na hindi
nakabalik si Don Pedro. Naglakbay siya sa lahat ng parang, gubat, bundok at ilog. Kagaya ni Don Pedro,
nagdala rin siya ng kabayo ngunit pagkatapos ng limang buwan, ito’y namatay rin. Nakarating din si Don
Diego sa Bundok Tabor at takipsilim na nang makaabot niya ang Piedras Platas. Tulad ni Don Pedro, nagtataka
si Don Diego kung bakit walang ibon dumapo sa puno sa dami-daming ibon na lumilipad sa langit. Ang Ibong
Adarna ay dumating din at kumanta siya ulit ng pitong kanta habang nagbibihis ng pitong beses. Sa pagkaaliw
ni Don Diego, siya’y nakatulog. Ang Ibong Adarna ay nagbawas at si Don Diego’y napatakan rin at siya rin
naging bato. Ang mga karanasan ni Don Pedro ay halos pareho lang kay Don Diego.

You might also like