You are on page 1of 1

Paglalakbay ni Don Juan

Si Don Juan ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana.Naglakabay upang mahanap ang Ibong Adarna para gumaling
ang kanilang ama.Naunang maglakabay ang kanyang dalawang kapatid
ngunit noong hindi na sila nakabalik ay naglakbay siya para hanapin ang
mga ito at para mahanap ang Ibong Adarna.

Naglakbay siya ng ilang buwan bago makarating sa bundok tabor.

Habang siya ay naglalakbay ay may nadaanan siyang Matandang Ermitanyo na


humingi sakanya ng pagkain.Binigyan nya ito ng tinapay, bilang kapalit ay
tinulungan niya ito para muhuli ang Ibong Adarna.Binigyan ng Ermitanyo si Don
Juan ng Kutsilyo, Dayap , at Gintong Sintas para mahuli ang Ibong Adarna.

Binalaan rin si Don Juan tungkol sa pitong awit ng Ibong Adarna.Sa bawat awit ng
Ibong Adarna ay sinusugatan ni Don Juan ang kaniyang sarili at nilalagyan ng
dayap para maiwasan ang makatulog.Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno
ng Piedras Platas.

Agad itong hinuli ni Don Juan gamit ang Gintong Sintas.Binuhusan niya ng tubig
ang bato sa ilalim ng puno tulad ng iniutos ng Ermitanyo. Ang dalawang bato ay
ang kapatid ni Don Juan na si Don Pedro at Don Diego.Sila ay nagging tao
muli.Nainggit ang magkakapatid kay Don Juan dahil siya ang nakahuli sa Ibong
Adarna kaya nagplano sila na gulpihin siya at kunin ang maguuwi nito sa kanilang
kaharian.ginulpi ni Don Diego si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna at umuwi sa
kaharian nila.Pagdating nila ay hindi na umawit ang ibon.Nakita si Don Juan ng
Ermitanyo at pinagaling ito. Matapos gumaling ay bumalik siya sa kaharian nila.
Pagdating ni Don Juan ay nagsimula na muling umawit ang ibon at gumaling na
ang kanilang ama.

You might also like