ADM AP10 Q3 Week2

You might also like

You are on page 1of 12

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Gender Roles sa Pilipinas at sa Iba’t Ibang
Bahagi ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Gender Roles sa Pilipinas at sa Iba’t Ibang Bahagi ng
Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Noemi A. Eleccion
Editor: Gng. Anna Marie B. Puno

Tagasuri: Gng Flora T. Virtudazo


Gng. Barbara Comendador
G. Elmer V. Omila
G. Vernon P. Batabat

Tagaguhit:

Tagapamahala: Bianito Dagatan


Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Gender Roles sa Pilipinas at sa Iba’t Ibang
Bahagi ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Gender Roles sa Pilipinas at sa Iba’t Ibang Bahagi ng
Daigdig.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21
siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Gender Roles sa Pilipinas at sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

ii
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

3
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag- aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t ibang
panahon, at ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Makatutulong ang mga
kaalaman na makukuha mo sa araling ito upang lubos na maunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa katayuan ng lalaki at babae sa ating lipunan.
Inaasahan na maipaliliwanag ng mag-aaral kung paano maisusulong ang
pangtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang tao bilang kasapi
ng pamayanan?
Sana matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo. Ang Aralin 1 ay
tungkol sa Gender Roles sa Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon, at ang Gender Roles sa Iba’t
Ibang Bahagi ng Daigdig.. Ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:
A. Gender Roles sa Pilipinas
B. Gender Roles sa iba’t Ibang Lipunan sa Mundo

4
Aralin
Gender Roles sa Pilipinas
1
Ang mga datos pang- kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon
maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng
lalaki. Sa katunayan, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandalling
makita niya itong kasama ang ibang lalaki.
Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay- pantay sa Pilipinas. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

TUKLASIN

A. Gender Roles sa Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon


Ang mga kababaihan sa sinaunang panahon ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
timawa ngunit sila ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Bilang patunay nito, ang mga babae ay
itinatago sa mata ng publiko ( o binukot). Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdadalaga.
Bago dumating ang mga Espanyol sa ating bansa, ang lalaki ay pinayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawa sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki. Ito ay ayon sa Boxer Codex na nagpapakita na mas Malaki
ang Karapatan na timatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
Sa Panahon ng Pag-aalsa, may mga Pilipina na nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni
Gabriela Silang at Marina Dizon.
Sa pagdating ng mga Amerikano dumating din sa ating bansa ang ideya ng kalayaan,
Karapatan, at pagkakapantay-pantay. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para
sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
Dumating ang mga Hapones at sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan ang mga
kababaihan sa pakikipaglaban. Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang
isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga
babae.

B. Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo

1. Africa at Kanlurang Asya


Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga
miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang
mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Sa bansang Saudi Arabia
pinagbabawalan ang mga kababaihan sa pagboto at pagmamaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napigilan sapagkat may ilang bansa na hindi
pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap
sa malaking banta ng pang-aabuso.

1
May mga bansa rin sa Africa at Kanlurang Asya na may naiuulat na biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM), o ang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan nang walang
anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang
bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Ang ganitong gawain ay maituturing na
paglabag sa karapatang pantao.
Sa bahagi ng South Africa may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.

Suriin
Gawain 1. Gender Timeline
Natunghayan mo sa iyong nabasang teksto ang papel ng mga babae at lalaki sa iba’t ibang
yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Itala mo ito sa talahanayan.
Lalaki Panahon Babae
Panahong Pre- kolonyal

Panahon ng Espanyol

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapones

Kasalukuyang Panahon

Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong panahon ng ating kasaysayan lubos na naaabuso ang mga karapatan ng
kababaihan? Pangatwiranan.
2. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na Karapatan sa kababaihan at
kalalakihan? Bakit?
3. Nakakaapekto ba ang gampanin/ katayuan ng babae at lalaki sa lipunan/ pamayanan?
Pangatwiranan.

Isaisip
Binabati kita! Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo
na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na nauunawaan mo ang mga
konsepto at kaalamang dapat maikintal sa isipan mo na ang layunin ng modyul na ito. Tapusin
mo ang mga nakalaang gawain, kayang-kaya mo!

2
Gawain 2. Dugtungan mo ang mga sumusunod na kaisipan.
1. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa , ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
2. Sa mga rehiyon ng , mahigpit ang lipunan para sa mga babae
lalo na sa miyembro ng LGBT.
3. Ang ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan nang walang anumang benepisyong medikal.
4. Sa , may mga Pilipina na nagpakita na kanilang
kabayanihan gaya nina Gabriela Silang at Marina Dizon.
5. Sa pagdating ng mga _, dumating din sa ating bansa ang ideya ng
kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay.

Isagawa

Gawain 3. Magtanong- Tanong


Magsagawa ng survey sa inyong pamayanan. Hingin ang kanilang opinyon kung ano
ang kanilang pananaw o ano sa palagay nila ang kontribusyon ng mga babae at lalaki sa
kanilang komunidad. Gawing gabay ang kasunod na pormat:

Kontribusyon ng Sagot 1 Sagot 2 Sagot 3


mga Kasarian sa
aking Komunidad
Lalaki
Babae

Aking Komento

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo pinili ang mga taong iyong nakapanayam?
2. Ano ang napansin mo sa kanilang sagot? Pantay ba ang kanilang pagtingin sa
kontribusyon ng mga kasarian? Ipaliwanag.

Tayahin
Gawain 4. Basahin ang mga pahayag at bilugan ang titik ng inyong wastong sagot.
1. Batay sa datos ng World Health Organization, may 125 milyong kababaihan (bata at
matatanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay makasal
2. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandalling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na Karapatan ang lalaki at babae
3
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinapakita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
3. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat ng New
Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga,
matulungin, at mapayapa samantalang ang mga Tchambuli ay _.
A. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin.
B. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo at bayolente.
C. Babae ang nagdodomina at naghahanap ng pagkain, samantalang lalaki ay abala sa
pag- aayos sa sarili at mahilig sa kwento.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento, samantalang, ang
kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
4. Sa anong bansa sa Kanlurang Asya pinagbawalan ang mga kababaihan na magmaneho
ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki?
A. Syria B. Saudi Arabia C. Lebanon D. Oman
5. Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng
gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral
dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan.
B.Ang mga kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod sa Diyos.
C. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan ay kabahagi ng mga
kalalakihan sa paglaban sa mga kalaban.
D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa Karapatan
ng mga kababaihan tulad ng Magna Carta for Women.
________ E. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay maging kabilang sa pinakamataas na
uri o timawa ay pagmamay-ari ng lalaki.

4
Susi sa Pagwawasto

Isaisip
1. Boxer Codex
2. Africa at Kanlurang Asya
3. Female Genetal Mutilation
4. Panaho ng Pag-aalsa
5. Amerikano

Tayahin
1. D
2. D
3. D
4. B
5. 3 2 4 5 1
Sanggunian

2017. Araling Panlipunan 10 Materyal Pansanay, Learners Module. Pasig


City: Department of Education.

Sarenas, Diana Lyn R. 2017. Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City: SIBS
Publishing House, Incorporated.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground

Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like