You are on page 1of 18

NOT

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Module 2


Ang Pagbuo ng Posisyon Tungkol
sa mga Isyung may Kinalaman sa
Paninindigan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan- Modyul 2: Ang Pagbuo ng Posisyon Tungkol sa mga Isyung
may Kinalaman sa Paninindigan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga


Kaalaman
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan - Module 2
Ang Pagbuo ng Posisyon Tungkol
sa mga Isyung may Kinalaman sa
Paninindigan

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


pablikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.


.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Pahina

Cover Page

Cover Page

Title Page

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita

Alamin 1

Subukin 1-2

Balikan 2

Tuklasin 3

Suriin 3-4

Pagyamanin 4

Isaisip 5

Isagawa 5

Tayahin 6

Karagdagang Gawain 7

Susi sa Pagwawasto 7-8

Sanggunian 9
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Isyung Moral Tungkol sa
Buhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Mga Isyung Moral Tungkol sa
Buhay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
Subukin
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
Balikan
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
Suriin
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
Isaisip
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
Isagawa
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Aralin Ang Pagbuo ng Posisyon
1 Tungkol sa mga Isyung may
Kinalaman sa Paninindigan

Sa modyul na ito ay inaasahang maipapamalas mo ang mga pamantayan sa


pagkatuto at mga kasanayanng pampagkatuto:

1.2 Napatunayan na: ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman
sa paninindigan ng tao sa pagmamahal niya sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan
upang mapatibay ang ating pagkilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan at
kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.

Subukin

Siguro sa puntong ito mas malawak na ang iyong kaalaman sa paninindigan sa


buhay. Bawat isa sa atin ay dapat bigyang halaga ang buhay. Ito ay biyaya na ating
tinatamasa. At iisa lang ito. Ngayon, patunayan natin ang mga posisyon tungkol sa mga
isyung may kinalaman sa paninindigan ng tao sa pagmamahal sa buhay.

Panuto: Ang tseklist na ito ay isang paraan kung paano mo masusukat ang antas ng
pagsasaalang – alang mo sa kaagraduhan ng buhay. Lagyan ng tsek (/) kung gaano mo
kadalas ito naisasagawa.

Gawain Madalas Paminsan-mi Hindi


nsan
1. Hindi ko binagyang pansin ang mga bisyong
makasisira sa aking katawan.

2. Alam kong mayroong Diyos na nagbibigay


–kahulugan sa buhay.
3. Nag-aaral ako ng mabuti.

1
4. Sinisikap kong mapanatli ang aking
pakikipag-ugnayan sa kaibigan kahit na may
pandemya
5. Pinapakita ko na meron akong natutunan
upang maging maunald ang aking sarili
6. Naipapadama ko ng maayos ang aking
saloobin.
7. Natutulog ako ng walong oras sa gabi.
8. Anak ako ng Diyos kaya naniniwala akong
hindi niya ako pababayaan.
9. Iniiwasan ko ang ma stress upang hindi ako
mag-alala.
10. Binabantayan ko ang mga salitang aking
binibitiwan upang hindi ako makasakit ng
damdamin ng iba.
11. Inilulugar ko ang aking sarili sa iba’t ibang
sitwasyon.
12. Inilalayo ko ang aking sarili sa masamang
impluwensiya
13. Gumagamit ng teknolohiya na naayon sa
hustong paggamit.
14. Iniiwasan kong manghusga sa aking
kapwa tao
15. Pinahahalagahan ko ang aking pagkatao.

Balikan

Malaki ang mai-ambag ng pitong susi ng prsnipyo sa buhay. Ito ay gabay


para sa atin, upang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay. At mapanatili ang
paninindigan sa pagmamahal sa buhay.

Kung papipiliin ka sa pitong susi ng prinsipyo alin dito ang pinakamahalaga? Bakit

Tuklasin

2
Panuto:
1. Kapanayamin mo ang miyembro ng iyong pamilya.
2. Kunin ang kanilang opinyon ukol sa mga tanong na nasa talaan.

Pangalan:
Edad: Kasarian:
Tanong Sagot
1. Bakit sagrado ang buhay ng tao?
2. Paano mapanatili ang kasagraduahan
ng buhay ng tao?
3. Paano pahahalagahan ang buhay ng
indibidwal?

Suriin

Ang buhay ng tao ay sagrado. Ang katauhan ng isang tao ay may ispiritu na siyang
nagpabanal nito. Kadalasan ginagamit ito bilang argumento sa mga isyu laban sa mga hindi
kanais-nais na ginagawa sa katawan ng isang tao. Bakit mas mataas ang pagpapahalagang
ibinibigay sa buhay ng tao ikumpara sa ibang nilalang, May mas mahalagang dahilan ba ito?

Ayon sa Biblia, ang kabanalan ng buhay ay maiuugnay sa kapangyarihan ng Diyos


bilang Dakilang Manlilikha. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Ang kahulugan nito
ay ang tao ay may katangian na gaya ng sa Poong Maykapal. Ang Espiitu na pinaniniwalaan
nating nasa loob ng katawan ang ipinagkaiba ng tao sa hayop at sa ibang nilikha ng Diyos.
Binigyan niya tayo ng kakayahang mag-isip, pumili, magdesisyon at makisama. Lahat ng tao
ay pantay-pantay sa kakayahang ito.

“Ang buhay ng tao ay napakahalaga; ito ay obra ng Diyos na giawa sa sarili Niyang
imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang.”
Sabi ni Papa Francis ng Roma. Ang pahayag niyang ito ay tumutukoy sa dignidad ng tao
mula sa Diyos. Ito ay likas sa tao, taglay ng lahat ng tao. Dahil dito lahat ng tao ay
karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.

Ang dignidad ang maliwanag na batayan kung bakit obligasyon ng tao ang igalang
ang sariling buhay at ang buhay ng kaniyang kapwa. Ngunit may iilan na hindi naisasapuso
at napaninindigan na sagrado ang buhayat nararapat iton pangalagaan.

Ang buhay ay sagrado, sa pananaw ng lahat ng relihiyon. Ito ay bigay ng Diyos.


Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay
indikasyonng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.

3
Pagyamanin

Sa bawat bilang, lagyan ng smiley ( ) ang kolum kung sinusunod mo ang


isinasaad sa bawat pahayag at sad face ( ) ang katabing kolum kung hindi.

Ang paninindigan ng Tao sa Pagmamahal niya sa Sinusunod Hindi ko


Buhay ko Sinusunod
1. Pinanatili kung malusog ang aking katawan.
2. Matulog sa gabi ng pito hanggang walong oras.
3. Hindi inaabuso ang katawan.
4. Hindi nagbibisyo ng kahit ano.
5. Sumusunod sa mga alituntunin.
6. Lumalayo sa mga stressful na gawain.
7. May pagmamalasakit sa kapwa.
8. Maging magalang kanino man.
9. Sinusunod kung gabay ang mga utos ng Dios.
10. Nakikinig sa magulang.

Sagutin Mo:
1. Kumusta? Naging maayos ba ang iyong pagsagot? Oo o hindi? Bakit?
2. Bakit mahalaga na sundin mo ang mga paninindigan sa pagmamahal sa
buhay?
3. Makakatulong ba ang mga ito upang mapatibay ang iyong paninindigan?
Ipaliwanag.

Isaisip

Mula sa mga naging gawain at nabasa na sanaysay, natuklasan mo ang mga


batayan ng pagpapahalaga sa buhay. Isulat ang mga ito sa loob ng kahon.

Ang mga batayan ng pagpapahalaga sa buhay ay ang mga sumusunod:

4
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________

Isagawa

Siguro marami kanang napagtanto sa mga aralin at gawain na natapos.


Inaanyayahan kitang magnilay. Batay sa iyong natutunan sa aralin na ito, tukuyin mo
ang iyong mga naging reyalisasyon.

Ang aking mga natutunan:

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________

Tayahin

Panuto: Ang tseklist na ito ay isang paraan kung paano mo masusukat ang antas ng
pagsasaalang – alang mo sa kaagraduhan ng buhay. Lagyan ng tsek (/) kung gaano mo
kadalas ito naisasagawa.

Gawain Madalas Paminsan- Hindi Katwiran


minsan
1. Hindi ko binagyang pansin ang mga
bisyong makasisira sa aking katawan.

5
2. Alam kong mayroong Diyos na
nagbibigay –kahulugan sa buhay.
3. Nag-aaral ako ng mabuti.
4. Sinisikap kong mapanatli ang aking
pakikipag-ugnayan sa kaibigan kahit na
may pandemya
5. Pinapakita ko na meron akong
natutunan upang maging maunald ang
aking sarili
6. Naipapadama ko ng maayos ang
aking saloobin.
7. Natutulog ako ng walong oras sa
gabi.
8. Anak ako ng Diyos kaya naniniwala
akong hindi niya ako pababayaan.
9. Iniiwasan ko ang ma stress upang
hindi ako mag-alala.
10. Binabantayan ko ang mga salitang
aking binibitiwan upang hindi ako
makasakit ng damdamin ng iba.
11. Inilulugar ko ang aking sarili sa
iba’t ibang sitwasyon.
12. Inilalayo ko ang aking sarili sa
masamang impluwensiya
13. Gumagamit ng teknolohiya na
naayon sa hustong paggamit.
14. Iniiwasan kong manghusga sa
aking kapwa tao
15. Pinahahalagahan ko ang aking
pagkatao.

Karagdagang Gawain

,
Gumawa ng sariling pahayag tungkol sa kasagraduhan ng buhay?

6
Susi sa Pagwawasto

Subukin
Sa bahaging ito, tanggapin ng guro ang anumang sagot ng mga mag-aaral. Kung sakaling
mayroon silang maling kaisipan at pakahulugan sa iba’t ibang isyu sa buhay at mali ang
kanilang opinion tungkol sa mga ito. Ito ay itatama ng guro.

Rubric para sa Isagawa


Kraytirya 4 3 2 1
Pag-unawa ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahihinuha ang Nahinuha ang
konsepto konsepto nang konsepto nang konsepto ngunit konsepto sa
hindi may kaunting kailangan ng paggabay ng
ginagabayan ng paggabay ng labis na guro sa
guro guro paggabay ng kabuuan nito
guro.
Pagpapaliwanag Malinaw na May isang May dalawang May tatlong
ng konsepto naipaliwanag konsepto na konsepto na konsepto na
ang lahat ng hindi malinaw na hindi hindi
mahahalagang naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
konsepto
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan Malayong-mala
malinaw ang maayos at ang pagkakabuo yo ang
pagkakabuo at malinaw ang at pagkakalahad konsepto na
pagkakalahad pagkakabuo at nabuo at
pagkakalahd nailahad

Rubric para sa Isaisip

Kraytirya 5 4 3
Paraan ng May matatag na istilo May maayos na istilo Naipahayag ang kaisipan
Pagsusulat sa pagsulat sa pagsulat
Pagkaunawa May pagkaunawa sa May katamtamang May maliit na
pagpapahalaga sa pagkaunawa sa pagkaunawa sa
buhay pagapapahalaga sa pagpapahalaga sa buhay
buhay
Pagkamalika-hai Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang
n pagkamalik- pagkamalik- hain pagkamalik-hain
Hain sa kabuuan ngunit hindi gaanong
nakapukaw ng pansin

7
Rubric para sa Karagdagang Gawain
Kraytirya 5 4 3
Organisasyon Mahusay na Maayos ang Masyadong marami at
inorganisa. Ang pagkalapat ng maligoy ang daloy ng
pagkakaayos at nilalaman at ang impormasyon
istruktura ng impormasyon ay
impormasyon ay dumadaloy nang
mapanghikayat at maayos
dumadaloy nang
maayos
Nilalaman Makahulugan at puno May mga larawan na May maraming
ng impormasyon ang hindi maipaliwanag larawan na ginamit na
pagkakalahad ng ang tunay na hindi maipaliwanag
nilalaman. kahulugan ang tunay na
kahulugan
Pagkamalikhain Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang
pagkamalikhain sa pagkamalikhain ngunit pagkamalikhain.
kabuuan at tunay na hindi gaanong
nakapupukaw ng nakapupukaw ng
pansin. pansin

Sanggunian
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/business'>Business vector
created by macrovector_official - www.freepik.com</a>
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
<a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/celebration'>Celebration vector
created by freepik - www.freepik.com</a>
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
<a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/background'>Background
vector created by freepik - www.freepik.com</a>
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
<a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/logo'>Logo vector created by
macrovector - www.freepik.com</a>
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
<a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/celebration'>Celebration vector
created by freepik - www.freepik.com</a>

8
Freepik “Free Vectors. Nakuha sa internet June 20, 2020.
<a href='https://www.freepik.com/free-photos-vectors/banner'>Banner vector created
by freepik - www.freepik.com</a>
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Gabay sa
Pagtuturo sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig
City:
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Modyul para sa
Mag-aaral sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig
City:
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa
Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig
City: Awtor

You might also like