You are on page 1of 24

SHS

Malikhaing Pagsulat
IkalawangMarkahan – Modyul11:
Ang Dula: Tauhan, Tagpuan at Banghay

GOVERNMENT PROPERTY | NOT FOR SALE


Malikhaing Pagsulat- Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 11: Ang Dula: Tauhan, Tagpuan at Banghay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ayon sa Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176, “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman,kailangang humingi ng pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahaging materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Writer:
Editors:
Reviewers:
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team: Elias A. Alicaya, Ed.D., OIC-Schools Division Superintendent
Gregorio T. Mueco, OIC-ASDS In-Charge of CID
Lorena S. Walangsumbat, Ed.D., CID Chief
Jee-Ann O. Borines, LRM Supervisor
Juanito A. Merle, Ed.D., EPS In-Charge
Rejulios M. Villenes, PSDS In-Charge
Joe Angelo L. Basco, LRM PDO II

Printed in the Philippines by SDO QUEZON


Department of Education – Region IV - CALABARZON - SDO QUEZON
Office Address: Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon
Telefax: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321
E-mail Address: quezon@deped.gov.ph

2
11
Malikhaing Pagsulat

Ikalawang Markahan –
Modyul11:

Ang Dula: Tauhan,


Tagpuan at Banghay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy,

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Malikhaing Pagsulat, Baitang 11 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul11ukol sa Ang Dula: Tauhan, Tagpuan at
Banghay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Malikhaing Pagsulat, Baitang 11 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul11 ukol saAng Dula: Tauhan, Tagpuan at Banghay.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya moito!

iii
Alamin

Sa naunang aralin ay nabatid mo ang kaligirang pangkasaysayan ng dula sa


Pilipinas. Sa bahaging ito ng aralin ay tatalakayin ang unang dalawang elemento
ng dula: ang tauhan at tagpuan. Tutukuyin din ang mga elementong dapat
isaalang – alang sa sa pagbubuo ng tauhan.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mag – aaral ay:

1. Nakabubuo ng tauhan, tagpuan at banghay ng iisahing yugtong dula; at


2. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagtatanghal batay sa inaasahang
kalalabasan ng binuong iskrip.

Subukin

Gawain A:
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa patlang.

______1. Tawag sa mga taong nagpapagalaw sa paksa ng dula.


a. aktor c. tagapagpaganap
b. mandudula d. Tauhan
______2. Ito ang tawag sa pangunahing tauhan sa isang dula, dahilan kung bakit
may kuwento ang dula, sa kaniya nakapokus ang mga pangyayari at
siya rin ang dahilan ng mga pangyayari.
a. aktor c. tagapagpaganap
b. mandudula d. Tauhan
______3. Ito ang tawag sa pangunahing tauhan sa isang dula, dahilan kung bakit
may kuwento ang dula, sa kaniya nakapokus ang mga pangyayari at
siya rin ang dahilan ng mga pangyayari.
a. ganapan c. tagpuan
b. milieu d. sitwasyon

1
______4. Ito ang sistematikong pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa
dula.
a. banghay c. tunggalian
b. iskrip d. sitwasyon
______5. Piliin sa mga pahayag ang hindi nabibilang sa konsepto ng banghay.
a. Sa pamamagitan ng banghay, maitatakda ng mandudula ang
magiging takbo ng istorya para sa dula.
b. Ang banghay ay maituturing na kalsada na maghahatid sa iyo mula
sa lugar na kinatatayuan mo, makikita mo dito ang lahat nang mga
madadaanan mo hanggang sa marating mo ang pupuntahan.
c. Nagmumula sa konsepto ang banghay.
d. Ang banghay ay isinusulat sa anyong patalata lamang.

Gawain B:

Magtala nang nakilala mong tauhan mula sa mga dulang iyong nabasa o
napanood.

Tauhan Pamagat ng Dula May Akda

1.

2.

3.

4.

5.

Mula sa iyong mga itinala, alin ang pinakatumatak sa iyo? Tukuyin kung
sino ang gumanap bilang pangunahing tauhan. Ano ang paksa o ideya ng dula?
Saan at kailan naganap ang kuwento ng dula?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2
Aralin
Ang Dula: Tauhan, Tagpuan at Banghay
11

Ang isang dula ay maituturing na matagumpay kung ito ay maitatanghal at


sa pagtatanghal ay napakahalaga ng magiging papel ng mga tauhan, tagpuan na
iikutan ng kuwento at banghay ng kuwento. Sa araling ito ay iyong mababatid ang
kahulugan at kahalagahan ng tauhan, tagpuan at banghay sa isang dula.

Balikan

Gawain A.
Sa pamamagitan ng networking dayagram, ipakilala ang pangunahing
tauhan sa akdang “Igba”.Tukuyin ang kanyang mga katangian. Maaaring
magdagdag ng guhit ng katangian at dayagram kung kinakailangan.

katangian

katangian
katangian

Pangunahing katangian
katangian Tauhan

katangian
katangian

katangian

3
Naging makatotohanan ba ang pagganap ng pangunahing tauhan sa akdang
“Igba” batay sa kanyang katangian? at sa paksa o ideya ng dula? Patunayan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain B.
Itala ang mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod – sunod mula sa
dulang “Igba”. Pag – ugnayin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbuo ng
pangungusap o maikling talata.

Pangyayari 5.

Pangyayari 4.

Pangyayari 3.

Pangyayari 2.
Pangyayari 1.

Paalala sa mga Guro

Ipaliwanag sa mga mag – aaral ang mga panuto kung kinakailangan


upang matamo ang produktibong talakayan. Gabayan ang mag –
aaral sa pagtalakay sa mga aralin upang magkaroon sila ng mas
malawak at malalim na pang – unawa. Bigyang halaga ang opinyon
ng mag – aaral batay sa kanilang pagkaunawa ngunit hinihiling din
na bigyang – pansin ang kawastuhan nito.

4
Tuklasin

Gawain A.
INDIBIDWAL NA GAWAIN:
IDETALYE MO!

Ipakilala ang iyong matalik na kaibigan sa pamamagitan ng pagpuno sa


hinihingi sa talahanayan. Lahat ng ilalagay sa talahanayan ay impormasyon sa
iyong kaibigan.

Pangalan
Palayaw/Alias
Edad
Tirahan
Pisikal na anyo
Kaligiran/personal na kasaysayan
(katayuan niya sa buhay)
Paano siya kumilos
Ano ang kanyang ugali?
Mayroon ba siyang mannerism? Ano
ito?
Mga salitang madalas niyang sabihin o
ekspresiyong madalas na nababanggit
Iba pang pagkakakilanlan na hindi
nabanggit sa itaas
Saan at paano kayo nagkakilala?
Ilarawan ang lugar kung saan kayo
nagkita?
Ilarawan ang una ninyong pagkikita
Ilarawan ang emosyon mo/ninyo sa
naging una ninyong pagkikita
Kung bibigyan mo siya ng ibang
katawagan, ano ang ibibigay mo sa
kanya?
(hal. dalaga, binata, anghel, aklat atbp)

IPAKILALA MO!

Kung ang iyong kaibigan ay gagawin mong pangunahing tauhan sa iyong


susulating dula, ano ang karakter na gusto mong ibigay sa kanya? Bakit?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
IKUWENTO MO!

Ikuwento mo sa pamamagitan ng isang maikling talata ang naging una


ninyong pagkikita, ano ang pinagdaanan ninyo bilang magkaibigan tulad ng
masasaya at maging malulungkot na pangyayari at ano – ano pa ang mga ninanais
mo para sa inyong pagiging magkaibigan ngayon at sa darating na panahon.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

INDIBIDWAL NA GAWAIN:
Ipakilala ang iyong matalik na kaibigan sa pamamagitan ng pagpuno sa
hinihingi sa talahanayan.

Pangalan

Palayaw

Edad

Tirahan

Pisikal na anyo

Kaligiran/personal na kasaysayan
(katayuan niya sa buhay)

Paano siya kumilos?

Ano ang kanyang ugali?

Mayroon ba siyang mannerism?


Ano ito?

Mga salitang madalas niyang


sabihin o ekspresiyong madalas
na nababanggit.

Iba pang pagkakakilanlan na


hindi nabanggit sa itaas.

Saan at paano kayo nagkakilala?

Ilarawan ang lugar kung saan


kayo nagkita

6
Ilarawan ang una ninyong
pagkikita

Ilarawan ang emosyon mo/ninyo


sa naging una ninyong pagkikita

Kung bibigyan mo siya ng ibang


katawagan, ano ang ibibigay mo
sa kanya?
(hal. dalaga, binata, anghel, aklat
atbp)

Kung ang iyong kaibigan ay gagawin mong pangunahing tauhan sa iyong


susulating dula, ano ang karakter na gusto mong ibigay sa kanya? Bakit?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin

Paglikha ng Tauhan

Maaaring iniisip mong mahirap ang mag – isip o magbigay ng paksa o ideya
para sa isang dula. Ngunit alam mo ba na maaari kang makakuha nito kahit saan.
Maaaring makuha mo ito sa iyong paligid, pang araw – araw na sitwasyong iyong
nasasaksihan, mga balita sa radyo at telebisyong iyong naririnig. Pwede ring
manggaling sa iyong napakalawak na imahinasyon o sa iyong simpleng mga
pangarap. Kung kaya’t maaari itong batay sa totoong pangyayari o pwede rin
namang kababalaghan at pantastiko.

Pwedeng maging tauhan ang lahat. Halimbawa, sa mga kuwentong


pambata, ginagamit na tauhan ang mga kulisap, hayop, o mga simpleng bagay na
maaaring makapagbigay aliw sa mga bata. Hindi lamang tao ang pwedeng gawing
tauhan sa isang dula. Maaari mong gawing tauhan ang kahit anong bagay, lugar o
maging pangyayari. Depende na sa kakayahan at lawak ng imahinasyon ng isang
manunulat.

7
Ang bilang ng tauhan sa isang dula ay nakadepende sa haba nito, kung ang
dula ay may iisahing yugto lamang, mas maganda na isa hanggang tatlo lamang
ang tauhan.
Ang bawat tauhan ay nararapat lamang na magkaroon ng kanyang
pagkakakilanlan tulad ng pangalan at iba pang impormasyon tulad ng edad,
palayaw, tirahan, trabaho, kaniyang mga hilig o paborito, kanyang pangarap at iba
pang gusto mo na sa palagay mo ay kailangan para sa papel na ibibigay mo sa
kaniya sa dula.

Bilang isang manunulat, marapat lamang na malinaw sa kaniya ang


magiging pangunahing tauhan sa dulang kaniyang gagawin maging tao, hayop,
bagay o pangyayari man ang kaniyang nais. Ngunit anoman ang piliin ng
manunulat ng isang dula ay napakahalaga na kilalang kilala niya ang kaniyang
gagawing tauhan. Ibig sabihin, anoman ang mapili mong tauhan dapat na ang
kilos o galaw nito ay alam na alam mo, maging kung paano ito mag – isip,
magsalita, at mga karanasang maaaring naranasan, nararanasan o mararanasan.
May mga paraan upang mabuo ang katauhan ng tauhan, pangunahin man
siya o hindi, bida man siya o kontrabida, kailangang may kasaysayan siyang
pinagmumulan at mga katangiang tumutulong upang maging isa siyang buong tao
sa dula anoman ang papel niya.1

Ang Dalawang Tauhan


Ang bawat kuwento ay laging may kakaibang emosyong inihahatid sa mga
mambabasa, tagapakinig o manonood. Maging sa aklat, radyo, telebisyon at teatro
malaking papel ang ginagampanan ng mga tauhan. Sila ang nagbibigay buhay sa
damdamin ng isang manunulat.
Sa panonood natin ng dula o teleserye, pantelebisyon man o hindi, malimit
na nadadala ang ating emosyon ng kung ano ang ating pinanonood. Naaawa tayo
kay Cardo at nagagalit tayo kay Madam Lily ng “Ang Probinsiyano”. Natutuwatayo
sa karakter ni Santino ngunit namumuhi tayo kay Meyor Enrique sa “May Bukas
Pa”. Nanggigigil tayo sa mga madrastang umaapi kina Cinderella, Rapunzel at
Snow White at matindi naman ang pagka-awa nating nadarama sa tatlo at sa
marami pang mga palabas na kinagigiliwan natin.
Walang pagkakaiba ang hatid na emosyon ng dulang iyong binabasa o
pinanonood. Sa isang dula ay mayroong dalawang tauhan: ang protagonista at ang
antagonista.
Ang protagonista/bida ang dahilan kung bakit may dula. Sa kaniya
nakapokus ang mga pangyayari at siya ang dahilan ng mga pangyayari.

1
Fanny A. Garcia at Rowena P. Festin, Malikhaing Pagsulat. Unang Edisyon (Quezon City: Rex Book Store,
2017), 155.

8
Magtatagumpay ba siya? Mabibigo? Ngunit hindi magiging kapanapanabik ng
isang panoorin kung walang katunggali o kalaban ang diba, ito ay ang
antagonista/kontrabida. Siya ang manggugulo sa protagonista. Bibigyan niya ng
suliranin ang bida upang mapilitan itong lumaban o iligtas ang kaniyang sarili.2
Kung ang bida ay maaaring hindi tao gayundin ang kontrabida. Pwede
gamitin ng isang manunulat ang kahit anong bagay, pangyayari, hayop, sitwasyon
at iba pa bilang kontrabida. Katulad ng isang sirena na nagagalit sa tunay na
napupusuan ng isang binatang taong kanyang naiibigan, isang delubyo na
nagdulot ng pagkasira ng buhay ng kapalaran ng isang tao, maaaring isang gadget
na sumisira sa pangarap ng isang kabataan o di kaya naman ay mismongpag –
iisip ng isang tao na nagtutulak sa kanya na kumilos ng hindi wasto.

Ang Tagpuan
Ang mundong sinasakop ng tauhan sa isang dula at ang mundong kanyang
ginagalawanay tinatawag natagpuan, ang panahon at lugar na ginaganapan ng
dula. Ang lugar at panahon ay milieu, ito ang mundong umiinog sa buhay ng
tauhan. Nakapaloob dito ang kultura, lipunan, pulitika, relihiyon at sitwasyon na
nagpapakilala sa diwa ng isang tauhan. Mahalaga ito na sa simula pa lamang ng
pagbuo ng banghay ng isang dula ay batid na ng isang manunulat ang panahon at
lugar na iikotan ng kuwento. Dito nakaangkla ang tauhang gagamitin sa isang
dula. Sa malikhaing pag-iisip ng isang manunulat, makikita niya ang hangganan
ng lipunang lilibutin, panahong papasyalan, at sitwasyong sasakupin ng tauhan.
Hindi maaaring paghiwalayin ang panahon at lugar sa pagbuo ng dula. Ang
dula ay dapat nasa panahon. Ang sitwasyong napapanahon ang magdidikta kung
paano kikilos ang tauhan sa isang dula. Kung kaya napakahalaga na kilala at alam
ng isang manunulat kung paano kumilos, mag–isip at magsalita ang mga tauhan
na kanyang gagamitin.
Kung paano isinusulat ang tagpuan ay simple lamang. Kadalasang ito ay
nakasulat ng pahilis at nasa loob ng panaklong. May mga akdang nakasulat
mismo ang salitang “tagpuan”, mayroon ding maikli at mayroon namang mahaba o
detalyado.

Nandito ang ilang halimbawa ng pagkakasulat ng tagpuan.


MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA (Dionisio S. Salazar)
Panahon: Kasalukuyan

Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila


Oras: Takipsilim

2
Garcia at Festin, 156.

9
BULAWAN (salin ni Glecy Atienza)
(Sa gitna ng entablado ay makikita ang isang set na maaaring maging balon,
istasyon ng radio at entablado sa rally. Sa bandang kanan naman, makikita ang
isang set na maaaring maging bato, riser at tangkeng panggiyera).3

Ang Banghay
Ang Banghay ay sistematikong pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari
sa dula. Nakatuon ang banghay sa protagonista o bida. Mayroong tatlong bahagi
ang banghay ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.

Sa dulang may iisahing yugto, kailangan lamang ay isang banghay sapagkat


ito ay maikli lamang.
Banghay rin ang tawag sa kung ano ang mangyayari sa dula at ang
pagkakasunod–sunod ng pangyayari. Maihahalintulad ito sa isang paglalakbay, sa
simula ng pag–alis, mga karanasang daranasin, mga pangyayaring masasaksihan
hanggang sa marating ang paroroonan. Ito ang magiging gabay sa tatahakin ng
dula upang hindi maligaw ang kuwento.

Nagmumula sa konsepto ang banghay, kumbaga sa halaman, bago ito


lumago ay magsisimula muna sa isang buto.Ito ang konsepto, mula dito uusbong
ang sibol na siya namang banghay. Ito ay lalago upang mabuo ang iskrip para sa
dula. Ang iskrip naman ang kaluluwa ng isang dula. Hindi maitatanghal ang isang
dula kung wala ito. Tinatawag itong kaluluwa dahil nasa iskrip ang diyalogo ng
mga tauhang gaganap sa dula, maging ang ayos ng entablado, direksyon, at ang
kabuuang daloy ng dula. Ang banghay ay maaaring patalata, o pwede rin namang
magkakasunod na pangungusap.4

Ito ay ang pasalaysay na pagkakasunod–sunod ng mga pangyayari sa dula.


Isinasalaysay ng isang mandudula ang mga kilos at pangyayaring inilalarawan sa
dula. Karaniwang halimbawa ng isang banghay ay ganito. Matapat na umibig ang
isang dilag sa kasuyong mahirap. Ayaw ng mga magulang. Ipinaglaban ng dalaga
ang kanyang pag–ibig hanggang sa sila ay mapahinuhod. Ang unang bahagi ay
naglalarawan ng wagas na pag–iibigan ng magkasintahan. Ang ikalawa ay ang
tunggaliang balakid sa pag–iibigan at ang huli ay ang kalutasan ng mga suliranin.
May mga dula ring nagpapakita ng higit sa isang suliranin o tunggalian.5
Narito ang isang halimbawa o bahagi kung saan makikita ang pinag-
uusapang banghay.

3
Garcia at Festin, 157.
4
Garcia at Festin, 164.
5
“Masining na Komposisyon IV: Patnubay sa Pagsulat sa Hayskul,” Bucu A.V., et. Al, akses Mayo 12, 2020,
http://google.com.ph

10
Konsepto:kaibigan1 - ang matalik mong kaibigan na humihingi sa iyo ng tulong
upang makapagtapat ng kanyang damdamin sa isa pa inyong kaibigan.

kaibigan2 – ang gustong pagtapatan ng damdamin ni kaibigan1.

Lihim kang may pagtingin kay kaibigan1. Nagkaunawaan ang dalawa


mong kaibigang sina kaibigan 1 at kaibigan 2 ngunit sa kabila noon,
ikaw ay nagdurusa at may panghihinayang.

Paano mo ngayon bubuuin ang istorya? Ano–ano ang mga hakbang na


gagawin mo? Magkakaroon ba ng hangganan ang nadarama? Maaari ring
maipagpatuloy mo pa ito? Sino ang magsasama sa bandang huli?
Sa pagbuo mo ng banghay, may iba’t ibang suliranin kahaharapin ang iyong
bida hanggang sa magkaroon ng katuparan ang kanyang minimithi o tuluyan ng
sumuko sa nadarama. Maaari rin naman na kahantungan ay hindi inaasahan sa
mga tauhan.

Pagyamanin

Gawain A.
PANUTO: Ibigay ang hinihinging kasagutan sa sumusunod na gawain.

A. Upang higit na makilala ang tauhan, tagpuan at banghay, isulat sa


patlang ang mga kaisipang tumutukoy sa kahulugan at katuturan ng
mga sumusunod. Maaaring magdagdag ng guhit kung kinakailangan.

KAHULUGAN AT KATUTURAN

TAUHAN TAGPUAN BANGHAY

_______________________ _______________________ _______________________

_______________________ _______________________ _______________________


_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________

11
Isaisip

B. Pagkaraan mong tukoyin ang kahulugan at katuturan ng tauhan, tagpuan


at banghay sa pagsulat ng dula. Sagutan at talakayin mo naman ang mga
sumusunod.

1. Ano ang mga dapat isaalang – alang sa pagbubuo ng tauhan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay isang manunulat, gaano kahalaga saiyo na dapat ay


kilalang – kilala mo ang iyong binubuong tauhan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Magkaugnay ba ang tauhan at tagpuan? Patunayan.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Nararapat ba na ang banghay ng isang dula ay may malinaw na


pagkakaugnay sa tauhan at tagpuan ng isang dula? Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Balikan mo ang iyong ginawang profile para sa iyong matalik na kaibigan.


Punan ang kahon sa ibaba upang magsilbing outline para sa bubuoin mong
dula para sa iyong kaibigan. Bigyan mo ng dalawang karakter ang iyong kaibigan.
Sa unang kuwento, ibigay mo sa kanya ang karakter ng isang bida at sa ikalawang
kuwento ay bilang isa namang kontrabida. Maaari mong gamitin bilang tauhan ang
kahit ano maging tao, bagay, hayop o pangyayari.

12
Kumpletohin Mo!

MATALIK KONG KAIBIGAN - SINO SIYA?


UNANG KUWENTO IKALAWANG KUWENTO
Pangalan ng kaibigan mo bilang bida Pangalan ng kaibigan mo bilang
kontrabida

Sino ang kanyang kontrabida? Sino ang kanyang bida?

Ano ang karakter na gagampanan ng Ano ang karakterna gagampanan ng


bida? kontrabida?

Ano ang karakterna gagampanan ng Ano ang karakterna gagampanan ng


kontrabida? bida?

Ano at saan ang tagpuan? Ano at saan ang tagpuan?

Ano ang konsepto ng iyong kuwento? Ano ang konsepto ng iyong kuwento?

Ibigay ang banghay ng iyong kuwento. Ibigay ang banghay ng iyong kuwento.

Tayahin

Ang dula ay maaaring kuwento ng araw – araw na pangyayari at karanasan


ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan o kaya ay sitwasyong nagaganap na
maaaring ilapat hindi lamang sa tao kundi sa hayop, bagay, pangyayari at iba pa.
Sa iba’t – ibang pakahulugan at depinisyon ng dula ay mababatid natin na ito ay
paglalarawan ng mga totoong pangyayari sa buhay ng tao at sa paligid na kanyang
ginagalawan.
Subukan mong tumingin sa iyong paligid, magmasid at bigyang – pansin
ang mga pangyayari o sitwasyon dito. Halimbawa, matandang lalaking nakamasid
sa sikat ng araw, batang nagpapalipad ng saranggola, mga mag – aaral na nag –

13
uumpukan, binata at dalagang nag – uusap, aso at pusang naglalaro, hihip ng
hangin na nagpapasayaw sa sanga ng puno at marami pang iba.

Mula sa iyong mga napagmasdan ay bumuo ng konsepto. Halimbawa:Isang


matandang lalaki ang nakatanaw sa sikat ng araw. Binabalikan sa kanyang isip
ang mga araw na nagdaan. Kinausap niya ang kanyang batang apong lalaki. Nais
niyang baguhin ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Paano niya ito gagawin?

KONSEPTO 1.

KONSEPTO 2.

KONSEPTO 3.

Gamiting batayan ang rubriks sa ibaba.

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nangangailangang


Paghusayin
Pagkakabuo ng
konsepto at
banghay
Kaangkupan ng
tauhan
Kawastuhan ng
tagpuan

14
Karagdagang Gawain

Mula sa konseptong binuo sa Tayahin, gumawa ng protagonista at


antagonista gayundin ang tagpuan. Idetalye ang karakter na gagampanan ng
bawat tauhan.

KONSEPTO

PROTAGONISTA ____________________ ANTAGONISTA_______________________


Karakter na gagampanan: Karakter na gagampanan:

TAGPUAN

Banghay

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin
Gawain A.

1. d
2. b
3. b
4. a
5. d

Gawain B.
Malaya sa bahaging ito ang gurong tagapagpadaloy na suriin at kilalanin
ang input ng mga mag – aaral sa kadahilanang maaaring magkaroon ng
pagkakaiba – iba ng input ang mga mag – aaral.

16
Sanggunian

Libro

Garcia, Fanny A., and Rowena P. Festin. Malikhaing Pagsulat. Unang Edisyon.
QuezonCity. Rex Book Store. 2017.
Website
Bucu, A. V., et.al. Masining na Komposisyon IV: Patnubay sa Pagsulat sa Hayskul.

Akses Mayo 12, 2020. http://google.com.ph.

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region IV - CALABARZON - SDO QUEZON


Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon

Telefax: (042) 784-0366, (042) 784-0164, (042) 784-0391, (042) 784-0321

Email Address: quezon@deped.gov.ph

You might also like