You are on page 1of 11

Bago mag 1872, Pag-aalsa laban sa Espanya

- Gabriela Silang - 1763


- Palaris Revolt - 1765
- Tamblot revolt – 1622

• Hindi magkakasama, rason kung bakit sila natatalo ng Colonizers

Pag aalsa ng mga sinaunang Pilipino ay may oryentasyon sa Relihiyon, 17th na siglo, mga
Babaylan o Anak ng Babaylan (Parang gusto nila bumalik sa orihinal na Relihiyon)
- Bancao sa Leyte 1622
- Sumuroy sa Samar 1650
- Tapar sa Panay 1663

1841, Hermano Pule (Apolinario de la Cruz) taga Tayabas – ‘Cofradia de San Jose’ sa Tayabas,
laganap sa buong timog katagalugan

Kumilos ang mga Prayle para usigin ang mga ito dahil nakita na pwede maging
kakumpentensya

Nanalo sa ilang mga laban ngunit naubos din silang lahat. Pinugutan ng ulo at pinag parte-parte
ang katawan ni Hermano Pule

2 taon makalipas, nag-alsa (revolt) ang Rehiminyentong Tayabas. Alam ang nangyari kay
Hermano Pule. Inatake nila ang Fort Santiago (Enero 19-20, 1843) sumisigaw na
“Independensiya”.

Dito palang ay makikita na may Aspirasyon na tayong putulin ang ugnayan sa Espanya. Ayon
sa mga nakitang dokumento na may kaugnayan kay Hermano Pule ay isang Pari,

Pedro Pelaez (Padre Pedro Sebastian Pelaez) isa sa mga pioneer ng ‘Sekularisasyon’. “Gusto
kong mabigyan ng kapangyarihan ang sarili ko” konektado sa sekularisasyon ng parokya na
dapat hawak ng mga paring sekular;

Na ikokonekta natin kina Bancao, Sumuroy, Tapar, Hermano Pule, at tatawid sa GomBurZa.

1868, La Gloriosa (Glorious Revolution) sa Espanya, bumagsak ang monarkiya at pinalitan ng


pamahalaang republika. Nagpadala ng mga liberal na gobernador-heneral sa mga kolonya gaya
ng Pilipinas ipinadala si;

Carlos Maria de la Torre, sa loob ng dalawang taon (1869-1871). May mga pagbabago na na
inilunsad. Ginawa niya ang makakaya para makuha ang loob ng mga liberal at mga
progresibong mga uri ng tao sa Pilipinas. Kasama ang mga pari, abugado at ilang mga
negosyante.

Kaya lang pagkatapos ng dalawang taon bumagsak ang republika ng Espanya at bumalik uli
ang monarkiya (Amadeo I of Spain). Ang liberal at konserbatibo ay nakabatay sa kung anong
klase ng gobernador-heneral ang ipinadala ng Espanya. Pagdating ng panahon pinadala si;
Rafael de Izquierdo. Napakahigpit at hindi niya masyado gusto ang mga liberal. Dito nagkaroon
ng problema kasi, si Carlos Maria de la Torre ay nagpakita ng pagbubukas ng kaisipan.
Pinayuhan niya si Izquierdo na kanyang kapalit na ang balanse sa pagitan ng mga sekular, mga
lokal na pari at mga prayle na nagmimisyon dito galing Espanya. Nakita niya ang mga ganitong
problema na mananatili pa rin hanggang sa bagong administrasyon.

19th na siglo, nagkaroon ng pagpapalit ng gobyerno at dahil dyan nagkaapekto sa mga polisiya
sa Pilipinas.

Mexico (Acapulco) – Philippines (Manila)

Isa na dito ang Kalakalang Galyon (Galleon Trade). Na dati ay monopolyo lang ng Espanya.
Tayo ay pinamumunuan kasi ng Espanya sa pamamagitan ng Mexico (1565-1815). Nang
lumaya ang Mexico, naputol ang Kalakalang Galyon. nag bukas tayo sa World Trade noong
1834.

1869 mayroon nang bapor(steam engine). Binuksan ang daan sa Egypt, mula Mediterranean
Sea papuntang Indian Ocean hanggang Pilipinas. Sa pagbubukas ng Suez Canal, nagbigay
daan ito sa mabilisang pagpasok ng pananaw o ideya.

Mga liberal na pag-iisip o mga pilosopiya galing Europa


- Voltaire
- French Revolution
- American Revolution
- Jean-Jaques Rousseau
- John Locke

Ang daming pumasok na mga liberal na ideya na ayaw na ayaw ng mga prayle na
nagpapahiwatig sa atin na may karapatan pala tayo na tratuhin nang pantay ng mga Espanyol.
Sa panahong ito apat na lang ang kolonya ng Espanya
- Cuba
- Puerto Rico
- Guam
- Philippines
Nag-iisip ang mga progresibong katutubo ng Pilipinas na ang dami ng nagbago na mga
pananaw sa Europa ngunit sa ating bansa ay wala pa.

Noong una meron tayong mga Babaylan, pagdating ng panahon lumipat ang paggalang ng mga
Pilipino sa mga Prayle.

Marcelo H. del Pilar, mayroong La Soberania Monacal o monastikal supremacy sa Pilipinas.

Nananatili lamang ng 3 taon ang mga alcades mayor, gobernador-heneral. Ang mga prayle sa
isang bayan ay nanatili ng 40 taon p higit pa.

Nagkakaroon ng kapangyarihan ang mga Prayle dahil sa kanila nagpapa kumpisal ang mga tao
alam niya ang mga sikreto at may ilang nakitang umabuso sa kapangyarihang ito.

Sa panahon na ito, mababa ang tingin nila sa ating mga Pilipino. Indio tayo at sila ang
nagbibigay sa atin ng kultura.

Tinulungan tayo ngunit, may mga masamang polisiya.


- Polo y Servicio
- Bandala
- Encomienda System
- Hacienda System

Nagkaroon ng mga hacienda ang mga Prayle. Pwedeng pagkakitaan iyon, nagkakaroon din sila
ng kapangyarihang pinansyal at politikal.

Dumami ang mga tulisan, bandido at taong labas para maghanap ng hustisya para makabawi
sa mga Prayle. Marami silang nakamkam na lupain sa Cavite at marami din ang nawalan ng
tirahan. Tinawag na ‘La Madre de los Ladrones’ o ina ng mga magnanakaw ang Cavite dahil sa
dami ng hindi kumikilala sa batas.

Dr. Isagani Medina, napatunayan niya sa kanyang pag-aaral (Cavite Before the Revolution) na
maraming mga “lawless elements” sa Cavite dahil sa pagkamkam ng mga Prayle sa mga
lupain. Napilitan sila na lumaban sa sistema ng pamahalaan.

Padre Mariano Gomez, taga Santa Cruz, Maynila na nadestino sa Cavite bilang kura paroko sa
Bacoor (tumagal ng 48 na taon). Nakilala bilang Community Worker. Malapit sa mga tao,
nagpatayo ng mga kalsada, pinabuti ang serbisyo sa mga tao at ekonomiya sa asinan

Binibigyan niya kapag may humihingi ng kapital para sa magsimula ng asinan. Mga kwento na
bukas loob siya na tumulong. Kaya napamahal siya sa Bacoor. Nakilala din bilang
tagapamagitan ng mga lumaban sa batas tulad ni Luis Parang na namundok dahil sa
nakamkam sa kanyang lupa. Umakyat siya sa bundok para kausapin si Luis na makipag-ayos,
at nagtagumpay siya. Dahil dito nabawasan ang mga tulisan sa Cavite.

Padre Jacinto Zamora, gusto ng kanyang ina na maging abogado siya ngunit mas gusto nya na
maging isang pari. Taga Pandacan, Maynila. Magkaklase sila ni Padre Burgos at sabay kumuha
ng pagsusulit para maging pari noong 1863/1864. Pangatlo sa pinakamataas.

35 taong gulang at 7 ang natapos na kurso at 2 dito ay doktorado. Nag-aral silang tatlo sa
Colegio de San Juan de Letran tapos nag-aral sa UST. Tapos kailangan uli mag-aral sa
seminaryo ng Maynila para sa pagpapari.

Noong bakante ang parokya ng Ermita nagsumite si Padre Gomez ng aplikasyon pero hindi siya
nakuha dahil sa mas bata siya sa isang kandidato. Nakuha niya ang Bacoor. Hindi natukoy
kung ano ang etnisidad niya pero ayon sa last will niya siya ay higit 70 taon na. Kinilala na
katuwang siya ni Padre Pelaez.

Si Padre Jacinto Zamora ay kalapit lang ng edad ni Burgos. Marami siyang pinaglingkuran na
parokya(Batangas, Pasig, Marikina etc.)

Jose Burgos, sikat din dahil nagtuturo siya noon para maimpluwensihan ang mga kabataan.
Naging estudyante niya si Paciano RIzal. Sa Maynila naglilingkod at kilalang liberal, at
sumasama sa piging nitong si Carlos de la Torre. Mas kilala siya ng tao kaysa kay Zamora.

Mula Vigan, Ilocos. Kastila ang kanyang mga magulang at may kapatid na dalawang babae.
Nang maging ulila, ipanadala siya sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral. Hawak ni Padre
Burgos ang pinakaimportanteng simbahan sa sangkaKristiyanuhan sa Pilipinas(Manila
Cathedral).

Makikita na meron na talagang mga sekular na pari dahil sa tatlong pari.

1850s-60s nagkakabawian na kukunin uli ang mga sekular na parokya ng orden.

Sa panahong ito mainit na isyu na ang sekularisasyon. Nanguna si Padre Pelaez sa kumpanya
ng mga kaparian na dapat iwanan na ng mga Prayle ang mga parokya. Kasi yon talaga ay
dapat trabaho na ng mga paring sekular.

Ayaw pakawalan ng mga Prayle ang mga parokya dahil sa pribilehiyo na kanilang natatamasa.
Council of Trent, dapat may hatian ng mga trabaho. Para sa paring regular ay pagmimisyon o
“conversion” ang kanilang trabaho samantala ang mga sekular na pari naman ang
magpapatakbo ng parokya. At dahil konti pa ang mga sekular na pari sila na muna ang
namahala.

Paring Regular, “Fraile” o ‘Brother’. Galing sa salitang “regla” o “reglas” o reglamentos (nakatali
sa mga tuntunin). Nagmula sa Espanya. May sariling Religious Order, hindi puma pailalim sa
mga Bishop.

Dominicans, Agustinians, Recollects, Franciscans Vows;


- Vow of poverty
- Vow of celibacy
- Vow of obedience to the head of the Religious Order for Jesuits, 4th vow
- Vow of obedience to the Pope

Sekular na Pari, puma pailalim sa BIshop. Nagmula sa;


- Insulares/Creoles
- Mestizos - Indios - etc.

Patronato Real o Royal Patronage


- Nagkakaisa ang gobyerno, estado, at simbahan. - Kailangang suportado ang isat-isa.

1768, nagkaaway ang Pope(Clement XIII) at Hari ng Espanya(Charles III of Spain).


Napag-initan ang mga Jesuits dahil sa kanilang ika-4 na vow. Pinatalsik ang mga Jesuits sa
Pilipinas at ang kanilang mga parokya ay nakuha ng mga Rekoletos at ang mga parokya naman
ng Rekoletos ay nakuha ng mga sekular na pari.

1859, makalipas ang 9 na dekada, bumalik ang mga Jesuits. Binawi ang mga parokya nila na
nakuha ng Rekoletos at nabawi din ang mga hawak na parokya ng mga sekular. Dahil dito
umigting ang pagpapalawak sa sekularisasyon. Ito na ang panahon para sa mga Pilipinong pari.

Hindi naging komportable ang mga prayle dito dahil kailangan nila na iwan ang mga parokya
para sa mga sekular na pari.

Laganap ang Racism na tinatawag natin na “limpieza de sangre” na nangangahulugang “Purity


of Blood”. Iniisip ng mga Espanyol na sila ang Superior.

Matindi din ang paghihinala ng mga Prayle sa mga paring sekular na baka nagpaplano ng
rebolusyon. Nanyari din kasi ito sa Mexico (1810) na pinamunuan din ng isang pari(Padre
Miguel Hidalgo). At ng 1821 nakalaya na ang Mexico.
Maraming lumahok sa sekularisasyon pero ang pinaka sentral ay si Padre Pelaez. Naging guro
siya ng marami tulad ni Burgos.

Namatay siya biglaan dahil sa lindol noong 1863, nadaganan siya sa Manila Cathedral. Pero
ipinagpatuloy parin ng mga sekular na pari ang kanilang laban.

Bago pa mag 1872, mayroon nang kilusan sina Padre Gomes, Zamora at iba pa kasama ang
mga negosyante, abogado at mamamahayag. Na tinawag na;

Comite de Reformadores, magsusulong ng mga kailangang reporma para umunlad ang


Pilipinas. Nagkaroon sila ng mga tagasunod sa UST

Batay sa mga nagawa ni Padre Burgos, itinuturing na isa siya mga unang antropologo sa
Pilipinas. Ayon sa mga tala na sinisiyasat niya sa sinaunang kulturang Pilipino aspeto. Na
gagawin nila Rizal, Isabelo de los Reyes pagdating sa kilusang propaganda.

Balikan sina Lapu-Lapu, mga Bagani at Babaylan para makita na hindi totoo ang mga sinasabi
ng mga Espanyol na hindi magaling ang mga Pilipino.

Kaya yung mga estudyante sa UST nagkaroon ng “demonstration of 1869” sila ay nagpakalat
ng mga polyeto sa mga silid -aralan na ang sinasabi ay; “Hindi karapat dapat sa mga indio ang
mainsulto, o tumanggap ng insulto mula sa inyong mga propesor namin sapagkat kung
bubuksan ninyo ang mga aklat ng kasaysayan, makikita ninyo na karapat-dapat kaming
respetuhin”.

Kung iisipin, hindi talaga kahirapan ang problema ng Pilipinas. Maraming Indio ang yumaman
dahil sa pagtatapos ng Kalakalang Galyon kaya nakapag-aral ang mga Indio pati sa UST. Ang
pinaka problema ay ang maliit na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Indio.

Nabagabag ngayon ang mga Espanyol at tinukoy ang mga Pinuno. Sinabi na may kinalaman si
Padre Burgos diyan kasi idolo nila si Burgos.

Ilan sa mga kabataang ito ay kabilang sa magiging kilusang propaganda na sina;


- Maximo Paterno
- Paciano Rizal
- Felipe Buencamino
- Ambrosio RIanzares Bautista (nagbasa ng Declaration Independence)

Isa ito sa pinakaunang kilusan ng mga mag-aaral sa Pilipinas na kung saan nasangkot si Padre
Burgos at pinag suspetsahan.
Nanguna si Burgos sa isyung sekularisasyon kasama si Gomes na hiling nila na dapat iluklok
na ang mga Pilipinong sekular.

Si Padre Burgos naman ay kasama ni Zamora sa Manila Cathedral. Kastila ang larawan ni
Burgos pero naghihikayat niya ang kapwa niya criollo, Pilipino, Chinese mestizo na dapat
maiwasto na ang sitwasyon at itigil na ang diskriminasyon.

Sa panahong ito iniisip na ng mga Pilipino na sobra na. Ang sapilitang paggawa at saka, buwis,
pang-aapi ay napakarahas.

Para makuha ni de la Torre ang loob ng mga Pilipino, nagkaroon ng mga pagbabago sa
pribilehiyo at benepisyo. Pero si Izquierdo ay may kamay na bakal, tinanggal niya ang mga
pribilehiyo.

Maraming nainis sa sitwasyon, pati malalaking tao ay tingin nila ay hindi gumagana ang
kolonyal na sistema. Kailangan na magkaroon ng aksyon dito. Kaya may mga
makapangyarihan na nagplano..

Cavite Mutiny(Enero 20, 1872), Fort San Felipe sa Cavite City. Ayon sa mga batis ang dahilan
talaga nito ay reaksyon ng mga manggagawa doon sa pagtanggal ng pribilehiyo.
Mga sundalo sila sa Cavite arsenal na nawalan ng pribilehiyo at nagsiklab ang kanilang mga
damdamin. Pinamunuan ito ni Sarhento La Madrid. Sundalo lang na pag-aalsa hindi kasama
ang mga sibilyan.

Nagtagumpay sila at nahawakan nila ang lugar ngunit natalo din nung napalibutan na yung
lugar. May ilan na hindi kabilang sa pag-aalsa ang naaresto. Samantala, sumuko na ang mga
nag–aalsa, paglabas nila ay pinagbabaril sila kahit na sumuko na.

Akala ng iba tulad ni Padro de Tavera na ang pag-aalsa sa Cavite ay lokal na pangyayari
lamang pero, ayon sa pag-aaral ni Fr. John Schumacher, isang Jesuit na historian, meron pala
na mas malaking conspiracy na magaganap. Plano na pabagsakin ang buong gobyerno. Ito ay
pinondohan ng mga Pilipinong liberal.

May natanggap na sulat si Izquierdo na nagkukwento tungkol sa planong ito. Nalaman na sina
Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes at Enrique Paraiso ay mga mason. Sila ang utak sa
dokumento. Inaresto sila at ipinatapon sa Marianas, Guam.

Lumipat ang paninisi sa tatlong pari.

Base sa teorya ni Fr. Schumacher na itong si Izquierdo ay isa ding mason ng nakita niya na
kapwa mason ang utak sa pag-aalsa, ipinatapon niya lamang sila.
Meron nagsabi na sa nag-alsa sa Cavite na may nagbayad sa kanila na pari na si Jose Burgos.
Ang pangalan ng nagdawit ay Francisco Zaldua pero bumaligtad din siya at sinabi na gumawa
lang siya ng kwento. At ito na ang naging batayan para maaresto ang tatlong pari na konektado
sa sekularisasyon. Walang dokumentong lumilitaw na nagpapatunay na sila ang Utak sa pag-
aalsa sa Cavite.

72 taong gulang na si Gomes nung arestuhin. Pinoprotektahan siya ng mga tao pero sinabi niya
sa mga tao na “hayaan niyo babalik rin ako” “wag kayong mag-alala, babalik rin ako”.

35 naman si Burgos at 36 si Zamora na naaresto sa Manila Cathedral.

May nagsasabi naman na ibang Zamora ang hinahanap pero may nakita daw silang sulat na sa
papel na “dalhin ang bala at pulbura”. Salitang tanda raw ito ng pera na ginagamit sa sugal.
Nadamay siya pero totoo na may kaugnayan din siya sa sekularisasyon kaya maituturing parin
siya na bayani.

DInala ang tatlong pari sa Fort Santiago bago bitayin sa Bagumbayan(Luneta).

Samantala si Zaldua ay isang saksi din. Sinabi niya na mensahero lamang siya ni Burgos,
ginawa niya ito para makaligtas sa hatol kaso bitay din ang hinatol sa kanya.

Wala pang isang buwan, tapos na ang militar na paglilitis. Nakapagtataka na hindi pa rin
natatagpuan hanggang ngayon ang mga dokumento sa paglilitis. Nahatulan sila na mamatay

Nilapitan ni Izquierdo ang Archbishop ng Maynila na si Melton Martinez at sinabi na hindi dapat
mamatay ang mga pari ng nakahabito kasi sila ay mga erehe, taksil, Traysiyon e, rebelyon.
Kailangan hubaran sila ng habito. Ngunit, hindi pumayag ang Archbishop sabi niya naIsusuot pa
rin nila ang kanilang mga habito kapag sila ay ibinitay at sinabi din na “patutunugin ang
kampana para sa kanila. Ibig sabihin nito ay naniniwala siya na inosente ang tatlo. Kung
naniniwala siya na hindi inosente ang tatlo malamang ay susundin niya ang uto ng gobernador-
heneral.

Isang araw bago sila bitayin, inilipat sila sa kwartel ng mga Espanyol sa Bagumbayan(Nakatayo
sa Japanese Garden ng Rizal Park, Luneta). Ikinulong sila dito at may nakarinig sa kanilang
mga huling salita. Sabi ni Gomez “pumili na kayo ng pari na pagkukumpisalan ninyo, iyong
huling kumpisalan”. ”Kahit piliin niyong pari ay iyong pinakamatindi naming kaaway na pari para
malaman nila kung gaano kalinis ang aming budhi”.

Kung totoo na sinabi niya ang mga ito, makikita na iyong sinabi ng historyador na si Dr. Luis
Camara Dery na ang mga paring ito ay may mga nakaalitang mga prayle. Lalo na si Burgos na
nagdiin sa mga Prayle.
May paniniwala din na binanggit ni Burgos sa kanyang mga bisita na “pumunta kayo sa mga
museo at aklatan sa ibang bansa upang malaman ninyo kung sino ang inyong mga ninuno”
parang sinabi niya na “maging mabuting Pilipino, pero isang edukadong Pilipino”. Hindi natin
malalaman yung katotohanan ng pahayag niya pero hindi na yon katakataka kung nanggaling
man sa kaniya yon dahil sumasalamin din ito sa mga naunang pahayag niya, “Tuklasin mo ang
kasaysayan para makilala mong hindi ka bobo”.

Padre Jose Apolonio Burgos y Garcia


February 9, 1837
Vigan, Ilocos Sur
Jose Burgos, Florencia Garcia

Colegio de San Juan de Letran


- Bachelor of Arts
University of Santo Tomas
- Bachelor of Philosophy (1855)
- Bachelor of Sacred Theology (1859)
- Licentiate In Sacred Theology (1860)
- Licentiate in Philosophy (1862)
- Bachelor of Canon Law (1866)
- Doctor of Sacred Theology (1868)
- Licentiate in Canon Law (1868)
- Doctor of Philosophy
- Doctor of Canon Law (1871)

Padre Mariano Gomes de los Angeles


August 2, 1799
Santa Cruz, Manila
Alejandro Francisco Gomes, Martina Custodia (de los Angeles)

Colegio de San Juan de Letran


- Bachelor of Sacred Theology (1815)
University of Santo Tomas
- Bachelor of Canon Law (1818)
- Bachelor of Sacred Theology (1823)

Padre Jacinto Zamora y del Rosario


August 14, 1835
Pandacan, Manila
Venancio Zamora, Hilaria del Rosario

Colegio de San Juan de Letran


- Bachelor of Arts
University of Santo Tomas
- Bachelor in Both Laws (Canon and Civil Law, 1859)
- Doctor of Canon Law (ongoing by time of death)

Pebrero 17, 1872 sa Bagumbayan. Maraming tao ang interesado sa pagbitay sa tatlong pari.

Garrote, may bakal sa leeg tapos may turnilyo at unti-unting hihigpitan hanggang mabali ang
gulugod.

Si Zaldua ang unang binitay

Pangalawa ay si Padre Gomes, Parang handa na siya base sa mga paglalarawan. Hinarap niya
ang kamatayan ng kalmado.

Pangatlo ay si Padre Zamora, mukhang nasiraan na ng bait. Nung inilagay siya sa garrote sabi
sa ilang mga tala ay tahimik lang siya, tulala, nabaliw na dahil don sa mangyayari sa kanya.

Panghuli ay si Padre Burgos, umiiyak. Sabi ni Propesor Ambeth Ocampo, umiiyak siya dahil
hindi naman dahil sa mamamatay siya. Sa pag-iyak niya tinatanong niya na bakit siya
mamamatay, wala naman siyang kinalaman doon. Parang walang sense yung pagkamatay
niya.
Iniisip ng marami na nanghihinayang siya sa buhay niya.

Tumunog din ang kampana para magbigay respeto sa tatlong pari. Hindi alam kung saan dinala
ang labi nila pero buti nalang natuklasan na dinala ang labi nila sa Paco Cemetery. Sa ngayon
may makikita tayo na spot doon kung saan nakalibing ang tatlo.

Base sa isinulat ni Emilio Jacinto ng K.K.K. Anak ng Bayan, mayroong sanaysay si Andres
Bonifacio ang nangyari sa tatlong pari ay ginawang password sa kilusan. Sinabi din sa
sanaysay na ipinaghihiganti nila ang pagkamatay ng tatlong pari.

Ayon sa historyador na si Teodoro Agoncillo, nagsabi siya na wala pang kasaysayan ang
Pilipinas bago ang taon na 1872. Ipinaparating niya dito na kung hindi nangyari ang 1872 hindi
magkakaroon ng damdaming makabayan ang mga Pilipino.
Bago ang panahon na ito hindi magkakabuklod ang mga Pilipino. Naging inspirasyon ito sa
pagsulong ng nasyonalismo katulad nila Rizal, Bonifacio atbp.

Bagaman tama naman, marami din nagsasabi na hindi dapat i-sentro sa 1872. Kung kaya
pumatay ng gobyerno ng pari, ibig sabihin lang nito na may problema sa sistema.

May sinulat ang isang Pranses na si Edmund Plauchut sa araw ng pagbitay na talang lumuhod
at nagdadasal ang mga Pilipino lalo na nung oras na ni Burgos na bitayin.

Mula ng bitayin tahimik na ang mga Pilipino at nangahas nalang na magbanggit nito ay si Jose
Rizal sa kaniyang El Filibusterismo.

Magkalapit ang magkapatid na Pepe at Paciano kaya hindi malayo na naimpluwensyahan ni


Paciano si Pepe.

Naging konektado ang mga pangyayari. Kung wala ang GomBurZa, hindi magkakaroon ng
bagong henerasyon na gagawa ng Kilusang Propaganda.

Filipino Reformists
- Jose Rizal
- Marcel H. del Pilar
- Mariano Ponce
- Graciano Lopez Jaena

Nahuli si Rizal tapos itinayo ang Katipunan ni Bonifacio at nagkaroon ng Himagsikan ang mga
Pilipino.

Nabuo ang kahalagahan ng pagbubuo ng bansa noong 1872. Nagkaroon ng Nationalists Sense
ang mga Pilipino.

Ang mga pari ay nagsilbing Inspirasyon sa Kilusang Propaganda at mga Katipuneros, hanggang
sa ideklara ang kalayaan ng Pilipinas (1898).

You might also like