You are on page 1of 22

Ang Pag-aaklas ng mga

Cavitenyo
 Ang kamatayan nina Padre Jose Burgos, Padre
Mariano Gomez, at Padre Jacinto Zamora
noong 1872 ang nagtulak sa unang anyo ng
nasyunalismo, na tinipon ang mga liberal
reformist ng Pilipinas upang ipabatid ang
inaasahan pagkilos na ipinararating tungo sa
pagiging malayang nasyon.
 Walang Plaridel, Jaena,
Sancianco, o mga matatapang
at mapagbigay na kolonyang
Filipino ang makikilala sa
Europa.
 Maaaringsi Rizal ay isa nang
Heswita at imbis na maisulat
ang Noli Me Tangere bilang
pagsalungat sa lipunang
ginagalawan.
 Itong mga mithiin at hangad ay
lumantad sa ginta ng alitan dahil sa
karapatan ng mga Filipinong paring
sekular sa kani-kanilang parokya
 Tinatawag ito na alitang intrachurch
na kung saan lalong tumindi at
sumidhi sa iba’t ibang lipi o lahi at
kalaunan sa nasyon.
 Angmga paring regular
ay yaong mga galing sa
mga orden o tinatawag
na korporasyon tulad ng
mga San Agustin,
Heswita at mga Recoleto.
 Ang mga paring sekular
naman ay binubuo ng mga
mestiso, “indio” at kriyolyo
(creolle).
MGA PARING SEKULAR

VERSUS

MGA PARING REGULAR


 Isa sa dahilan ng alitan ng
dalawang sektor ay ang pagiging
malakas ng mga paring regular o
orden, sapagkat pinapaburan sila
ng Espanya at nagmamay-ari sila
ng mga hacienda.
 Isa pang nagpatindi sa alitan ng
dalawang grupo ang pagbabalik
ng mga Heswitang pinaalis sa
Pilipinas noong 1768.
 Masigasig na hiningi ulit ng Regular
na mga pari ang kanilang mga
parokya sa Mindanao at
pansamantalang hinawakan ng mga
Recoleto.
 Hiningi rin ng mga Regular na mga
pari ang kanilang dating mga parokya
sa Maynila na hawak ng mga paring
sekular.
 Sa maikling salita, nawalan ng parokya
ang mga paring sekular.
 Ito ay naging patunay sa isyu ng
diskriminasyon laban sa mga
paring sekular at nagtulak sa mga
unang anyo ng nasyonalismo.
 Nagsimula rin ang pagpasok ng
mga Kastila sa Maguindanao
bilang reaksyon sa puwersang
Muslim.
 Nahati ang kalinangan ng
Maguindanao.
 Ang ilan ay nanatiling totoo sa
kanilang kalinangan habang ang
iba naman ay nais na
magpasaKastila.
 Si Datu Udto ang pinuno ng mga
laban sa mga Kastila.
 Ang grupo naman ni Sultan
Mohammad Diamarol ng Jolo ay
nakibagay sa mga Kastila.
 Ang pagpapaallis ng mga Heswita
noong 1768 at ang matunog na
pagbagsak ng mainit na balak sa
pagtangkang palitan ang mga
relihiyusong pari ng parokya ng
minadaling pag-ordina at mga hindi
karapat-dapat na paring secular ay
nakabuo ng apat na order of friars.
Augustinians

Order of
Dominicans Franciscans
Friars

Recoletos
 Mas sigurado at di natitinag ang kani-
kanilang posisyon kaysa sa dati bilang
tanging inaasahan ng bawat simbahan ng
Pilipinas.
 Ang Filipino clergy ay nagsimulang tumaas
ang mga pamantayan sa mga panahong ito
lalo na sa larangang pang-intelektwal at
moral na pamantayan.
 Father Pedro Pelaez – Kastilang ipinanganak
sa Pilipinas na nahirang bilang Vicar Capitular
at pansamantalang pinamahalaan ang
Archdiocese ng Manila noong pumanaw si
Archbishop Jose Aranguren noong 1861.
 Ang kahirapan ay lalong naging
talamak pagkaraan ng pagbabalik ng
mga Heswita sa Pilipinas noong 1859.
 Ang Filipino clergy ay nagkaroon na
lamang ng maliit o kaunting pag-asa
na maging paring tagapaglingkod ng
simbahan, ang isinisigaw nilang
katungkulan ay naging maayos ngunit
si Pelaez ay namatay sa pagguho ng
Manila Cathedral noong nagkaroon ng
lindol.
 Si Padre Jose Burgos, mag-aaral ni Pelaez,
ang pumalit sa pamumuno noong ika-20
ng Enero, 1872.
 Isang pag-aaklas ang nasira ng sundalong
Filipino sa pagawaan ng sandata sa Cavite.
 Inaresto ng kinauukulan ang lahat ng mga
nasabing kabilang o kasali sa mga liberal o
left wing.
 Siyam (9) na Filipinong pari at labintatlong
(13) abogado at negosyante ang ipinatapon
sa Marianas Islands
 Sina Padre Burgos, Gomez at Zamora
ay naparusahan ng kamatayan noong
ika-17 ng Pebrero, 1872 sa
pamamagitan ng Garrote nang dahil
sa pag-aaklas o rebelyon.
 Ang resulta ng pag-aaklas ng mga
Cavitenyo ay nagsanhi ng matagalan
at mahalagang epekto sa sitwasyon ng
Pilipinas, lalo na kung saan ang mga
prayle o pari ay konektado.
 Ang pag-aalsa sa Cavite ay hindi isang
simpleng pag-aaklas lamang kundi
isang planong rebolusyong
paghihiwalay.
 Hindi nagtagumpay ang rebolusyon
dahil sa depeksyon ng mga tropang
Pilipino.
 Ang mga nasa likod nito ay sina
Izquierdo, de los Reyes at Paraiso.
 Kahit na sentensiyado, naibaba pa rin
ni Izquierdo ang sentensiya dahil
pinalalabas na sila ay kapwa niya
Mason.
 Ang pangunahing nagpasimuno ng
pag-aaklas ay sina Zaldua at Sgt.
Lamadrid.
 Ang tatlong paring binitay ay wala
namang kinalaman sa pag-aaklas.
 Ang mga pari, abogado at mga
negosyanteng ipinatapon sa Marianas
island ay wala ring kinalaman dito.
 Ang mga pahayag ni Antonio Regidor
na may mga pangalan, mga
kaganapan at sanhi ng pag-aalsa na
binanggit ay hindi naman kapani-
paniwala.
 Ang pagtanggol/ pag-alis ng
eksempyon sa mga manggagawang
arsenal sa pagbabayad ng buwis at
sapilitang pagtatrabaho ay hindi
naman ang hudyat sa pag-aaklas.
 Hindi nakiisa ang mga manggagawang
arsenal at tauhan ng naval sa pag-
aaklas.

You might also like