You are on page 1of 21

ANG PAG-ALSA SA CAVITE

GOMBURZA
GOMBURZA
 Ang Gomburza ay isang daglat – o pinagsama-samang
piniling mga bahagi ng pangalan – para sa tatlong martir na
paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Apolonio
Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng
garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17,
1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng
pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
GAROTE
 Ang garote ay isang sandata, na karaniwang tumutukoy sa
isang hinahawakan ng kamay na ligatura, panali o pamigkis
na tanikala, lubid, bupanda (bandana), alambre o
pamansing na ginagamit sa pagsakal ng isang tao. Ito ang
kasangkapang ginamit upang parusahan ang tatlong
Pilipinong martir na nakikilala bilang Gomburza.
Ginarote ng mga Kastila sina Padre Burgos,
Gomez at Zamora.

 Ang ibig bang sabihin nito’y


mabigat ang kanilang kasalanan?
 Noong 1767, , ipinag-utos ni Arsobispo Basilio
Sancho de San Justa, sa tulong ni Gobernador
Heneral Jose Raon, ang sekularisasyon
(pagtatalaga ng mga paring Pilipino sa mga
simbahan) sa mga bakanteng parokya. Ito ay para
masubaybayan ng pamahalaan ang mga kaparian
sa mga simbahan na noon ay tinutulan ng mga
paring Kastila na ayaw sumunod sa mga itinatakda
ng batas.
Ang pagkawala ng mga paring Heswita noong
1768 ay nagbunga ng kakulangan ng kaparian sa
mga simbahan kaya’t patuloy na ipinatupad ni
Gobernador-Heneral Simon de Anda (1770-
1776) ang sekularisasyon sa mga simbahan.
Ipinag-utos din ng kaharian noong 1774 ang
sekularisasyon para sa mga bakanteng parokya.
 Pagkalipas ng dalawang taon, muli naming
pinatigil ang sekularisasyon sa dahilang kulang pa
sa pag-aaral ang mga katutubo, na hindi naman
tinuturuan ng mga paring Kastila na nagnanais na
ang mga Pilipino ay manatiling tagapaglingkod
lamang sa simbahan.
 Muling ipinakipaglaban ng mga paring Kastila ang
kanilang pagbabalik sa mga simbahan para
mapaalis ang mga Pilipino. Noong 1804, muling
nagtalaga ng mga paring Kastila sa mga simbahan
ang Gobernador Heneral na si Aguilar.
GOMBURZA
 Samantala, isang sedula royal (ay isang uri ng
dokumento ng identipikasyon o pagkakakilanlan, o
pambuwis) naman ang dumating mula sa Espanya
noong Hulyo 18, 1826 na nag-uutos na muling
ibalik ang mga prayle sa Pilipinas upang
pamunuan ang mga simbahan. Subali't dahil
umabot na rin ng 50 taon ang paninilbihan ng mga
paring Pilipino, tinutulan nila ang muling
pamumuno ng mga paring Kastila sa Pilipinas.
 Nang makabalik ang mga Heswita sa Pilipinas
noong 1859, ang mga ito ang muling humawak sa
mga simbahan sa Maynila at Cavite. Idineklara ng
mga prayle na di pa karapat-dapat ang mga paring
Pilipino upang humalili sa mga simbahan dahil sa
malaking kakulangan sa kakayanan ng mga ito.
Heswita
 Noong 1868, nang dumating si Gobernador-
Heneral Carlos Maria de la Torre sa Pilipinas,
hinikayat niya ang mga Pilipino na bumalangkas
ng mga repormang makapagsasaayos ng
kabuhayan ng mga Pilipino. Ang mga paring
sekular na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at
Jacinto Zamora (GOMBURZA) ang nanguna sa
kampanya para sa sekularisasyon ng simbahan.
 Ang mga ito rin ang nagtanggol sa mga paring
sekular na pinaratangang mga lahing walang
kakayanan sa pangangasiwa ng mga simbahan.
Pinaratangan din ng mga prayle na ang mga
Pilipinong pari ay di sumusunod sa mga
kagustuhan ng Espanya. Subali't noong 1871, nang
palitan ni Rafael de Izquierdo si Carlos Maria
de la Torre, naganap ang muling pagluluklok sa
mga simbahan ng mga paring Kastila.
 Samantala, noong Enero 20, 1872, isang sarhento
na nagngangalang La Madrid ang namuno sa pag-
aalsa sa Fort San Felipe sa Cavite. Ang pag-aalsa
ay lumusob sa mga arsenal at nakapatay ng mga
sundalong Kastila maging ang namumuno sa San
Felipe. Kinabukasan nalupig ng mga Kastila ang
pag-aalsa dahil sa tulong ng mga pwersa mula sa
Maynila. Inakala ni Izquierdo na ang pag-aalsa ay
paghahanap na ng kalayaan ng mga Pilipino.
 Subali't ang pag-aalsa ay dahil sa pagliit ng
sweldo ng mga sundalo sa ginawang pagkansela
sa hindi pagbabayad ng tributo at pwersahang
paggawa. Namatay ang 41 Pilipino sa mga nag-
alsa, 71 naman ang naparusahang makulong nang
mahabang panahon at 13 ang nahatulan.
 Noong Enero 21, ipinadakip ni Izquierdo sina
Padre Gomez (edad 72), Burgos (35) at Zamora
(36) kabilang ang 55 Pilipinong propesyonal mula
sa mga prominenteng pamilya. Ang tatlong pari ay
naging akusado sa pamumuno sa pag-aaklas ng
Cavite at naparusahan ng garote.
 Hindi isinapubliko ang paglilitis, at ang
paghuhusga ay base lamang sa mga haka-haka
nang nagbigay ng mga testimonya. Wala ring
katibayan na ang mga pari ay talagang sangkot sa
pag aalsa subali't ang kanilang kamatayan ay
naganap noong Pebrero 17, 1872.
Pagpatay sa GOMBURZA
 Ang iba pang mga sangkot sa pag-aalsa ay
ipinatapon sa ibang bansa na kung saan doon na
rin sila namatay. Ang pagkamatay ng tatlong pari
ang naging mitsa ng pag-aalab ng puso't isipan ng
mga Pilipino upang lalong magalit sa mga
Kastilang mananakop.
Sagutin Natin!
 Ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod?
1. Garote
2. daglat
3. Sekularisasyon
4. GOMBURZA
5. Sedula royal

You might also like