You are on page 1of 2

Ang Gumburza ay tumutukoy sa tatlong paring martir na sina; Padre Jose Burgos, Padre Mariano

Gomez at Padre Jacinto Zamora. Si Padre Mariano Gomez ay ipinanganak noong Agosto 2, 1799 nin
Alejndro Francisco at Martina Custodia. Siya ay nag aral sa Colegio de San Juan de Letran, at nag tapos
ng theology sa University of Santo Tomas. Matapos ng kanyang pag aaral ay nag silbi siya bilang kura
paroko sa Bacoor Cavite. Siya rin ng nag tatag ng pahayagang La Verdad kung saan nag lalaman o
ipinappakita dito ang hindi magandang lagay ng bansa sa panahon ng mga Kastila. Ang sumunod naman
ay si Jose Burgos, siya ay ipinanganak noong February 9, 1837 sa Vigan Ilocos Sur ng isang Kastila na si
Don Jose Tiburcio Burgos at Florencia Garcia. Sa tatlong paring martir y siya ang natatangi dahil sa
knyng mga natapos at siya rin ay nakapag tapos ng dalawang titulo sa pagka Doctor mula sa Colegio de
San Juan de Letran at University of Santo Tomas. Siy y nag silbi rin bilang isang kur paroko sa Cathedral
ng Maynila. Ang panghuli naman ay si Jacinto Zamora, siya ay ipinanganak noong August 14, 1835 nina
Venancio Zamora at Hilaria Del Rosario.Nag tapos siya ng Bachelor of Canon at Civil Laws sa
University of Santo Tomas, at nag silbi rin siya bilang kura paroko sa Marikina.

Ang tatlong paring martir ay binitay ng mga kastila noong 1872 sa Bagumbayan ng mga
kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pag papabagsak na bung ng 1872 Cavite Muntiy.
Unang binitay ay si Padre Mariano Gomez na siyang pinaka matanda sa tatlong pari. Pangalawa naman
ay si Jacinto Zamora, kinahiligan niya ang pag lalaro ng baraha. Siya ay nadawit sa rebelyon sa Cavite
noong 1872 dahil sa kanyng imbitasyon na kanyang pinadala sa kanyang mga kaibigan na nag sasaad ng
"Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition." dahil sa pag akalang si
Zamora ay naghihikayat sa ibang mamamayan na mag rebelde. Ngunit ito y isa lamang imbitasyon o
paanyaya sakanyang mga kaibigan na sila ay mg lalaro ng baraha at ang powder at ammunition
aynangangahulugang sila ay magdala ng maraming pera para sakanilang laro. Ang huli namang pintay at
pinakabata sakanila ay si Padre Jose Burgos, ang kanyang kamatayan ang pinaka madula sa lahat. Isa na
rito ang detalye sa kanyang kamatayan nung siya y tumayo at sumigaw na wala siyang anumang
kasalanan. Noong Enero 1872 dalawang dang filipino na nag tatrabaho sa Cavite arsenal ang nag taguyod
ng pag aalsa, lban sa pag babawal ng pamahalaan ng Espanya sa kanilang exemption mula sa pag
babayad ng buwis.

Ang pag alsa sa Cavite at epekto ng pagbitay sa tatlong pari sa mga Pilipino. Nadawit ang tatlong
pari sa pag aalsa na nangyari s Cavite noong 1872. Ang pag aalsa ay nag ugat sa paniningil ng
pamahalaang kolonyal ng Espanya ng karagdagang tributo. Sila ay pinatay sa pamamagitn ng garote sa
Bagumbayan noong 1872. Ang pag aalsa sa Cavite ay humantong sa pag uusap na ang Gumburza daw ay
sinasabing utak ng pag aalsa. Naniwala ang pamahalaan na ang mga pari ang siyang pasimuno ng
naturang pag aaklas. Ang tatlong paring martir ay pinatawan ng kamatayan sa harap ng publiko.

Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ang isa sa pinaka apektado sa pagkamatay ng tatlong pari.
Dahil dito inalay nito ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo upang maging alaala ito sa
tatlong pari. Sila ang naging rason kung bakit nabukas ang isipan ng ating pambansang bayani, sila rin
ang naging inspirasyon upang maisulat ang kanyang mg noblea.

You might also like