You are on page 1of 2

BARTOLATA, ALEA JOY P.

1-BSED(FILIPINO) BLOCK -A

ANO ANG KAHALAGAHAN NG GOMBURZA SA KASAYSAYSAN

GOMBURZA
-Ang Gumborza ay isang daglat o pinagsama-samang mga bahagi ng apelyido para sa
tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong
Pebrero 17.1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik sa pamahalaan na
nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng
mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Jose Rizal, ang
pambansang bayani ng Pilipinas, Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El
Filibusterismo para mag silbing alaala sa tatlong paring ito.
PADRE MARIANO GOMEZ
-Ipinanganak noong Agosto 2,1799 sa Santa Cruz, Maynila
-Nauna na binitay sa Bagumbayan
-Pinakamatanda sa tatlong martir
-Nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa
Bacoor, Cavite.
-Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad(The Truth) kung saan ipinakita nito ang
hindi magandang kondisyon ng bansa.
-Ipinaglaban din niya ang karapatan ng mga kapwa niyang paring Pilipino laban sa
sekularisasyon ng mga prayleng kastila.
PADRE JACINTO ZAMORA
-Ipinanganak noong Agosto 14,1835 sa Pandacan
-Sunod na binitay
-Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may
nakasaad na, “Grand Reunion… our friends are well provided with powder and
ammunition “.Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde,
ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay
maglaro ng panguingui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powderand
ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro
buong magdamag.
PADRE JOSE BURGOS
-Ipinanganak noong Pebrero 9,1837 sa Vigan, Ilocos Sur
-Huling binitay sa tatlong paring martir
-Siya ang pinakanatatangi sa tatlong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo
sa pagka doktor. Isa sa teolohiya at isa pa sa canon law, Isa rin siyang prolipikong
manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
-Kilala siya sa kanyang pagtatangol sa mga karapatan ng mga paring Pilipino matapos
siyang tumutolsa panukalang sapilitang pagpapaalis sa mga paring Pilipino na
naglilingkod bilang kuraparoko at papaliitin ng mga paring Heswita mula sa Espanya.
-Naging mahalaga ang Gumborza sa Kasaysayan dahil naghimagsik sila sa masamang
pamamahala ng mga prayle. Inialay ang kanilang buhay upang malagot ang tanikala ng
paninikil at maibalik ang inagaw na kalayaan. Sa pakikipaglaban sa mga mapanupil na
prayle, may mga paring Pilipino na nagpamalas ng kanilang pagmamahal sa kalayaan
at karapatan.
BAKIT SILA NAGING TANYAG?
-Isang kabalintunaan na ang dahilan ay isang trahedya. Noong Pebrero
17,1872,hinatulan ng kaniyang kamatayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanya
ang mga paring Katolikong Pilipino matapos silang kasuhan ng umano'y
pakikipagsabwatan sa pag-aalsa sa Cavite noong taong din iyon. Ito ay kontrobersyal
dahil sila ay binitay nang may pagmamadali at walang hustisya. Sinasabing
mahinanong tinanggap ni Padre Gomes and desisyon sabay winika ang sikat na
katagang “Alam na alam ko na walang dahon sa puno ang maaaring gumalaw maliban
sa kalooban ng Maylikha;dahil hiniling niya na mamatay ako sa lugar na ito, mangyari
nawa ang kaniyang banal na kalooban”.Ipinag-sigawan naman ni Padre Burgos ang
kaniyang kawalang kasalanan at ang kawalang hustisya ng pamahalaag kastila.
Napatulala si Padre Zamora at nawalan ng ulirat nang marinig ang hatol.
-Ang pagkamatay ng Gomburza ang siyang nagtulak sa mga Pilipino upang magkaroon
ng reporma sa pamahalaan ang sariling bansa. Ang tatlong pari ring ito ang siyang
naging inspirasyon ni Gat. Jose Rizal sa pagsusulat ng kaniyang mga nobela.

You might also like