You are on page 1of 46

Pag-usbong ng

Malayang Kaisipan at
Naunang Pag-aalsa
Panuto: Sabihin ang Fact kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng
pananaw at paniniwala ng mga
Muslim at Bluff naman kung hindi.
1. Malaki rin ang
pagpapahalaga
ng mga Muslim
sa Kalayaan.
2. Hindi sila basta
nakikipagkasundo
sa mga dayuhan.
3. Ang pagsakop sa
kanilang teritoryo ay
nangangahulugan ng
malaking digmaan
hanggang kamatayan.
4. Tinalikuran nila
ang kanilang
relihiyon at
tinanggap ang
relihiyong Katoliko.
5. Ang pakikipaglaban
ay pagpapakita ng
kanilang pagtatanggol
sa kanilang
kinagisnang relihiyon.
Ano ang ibig sabihin
ng pag-aalsa?
Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay
unang nagging pagtugon ng mga Pilipino
sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.
Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong
1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na
tapatan ng dahas ang hindi maayos na
pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.
Magkakaiba ang mga dahilang
nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng
pag-aalsa.
Tatlong Uri ng Pag-aalsa

1. MGA PAG-AALSANG
POLITIKAL
2. MGA PAG-AALSANG
PANRELIHIYON
3. MGA PAG-AALSANG
MGA PAG-
AALSANG
POLITIKAL
Pag-aalsa ni Lakandula (1574)
-Hindi pagtupad sa ipinangako ni
Gob. Hen. Miguel Lopez De
Legazpi na malibre sa pagbabayad
ng buwis at polong mga kaanak ni
Lakandula ang huling hari ng
Maynila.
Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo
(pagsasabwatan sa Tondo) 1587-
1588
-Ninanais ng mga Datu, sa
pangunguna ni Salamat Martin
Pangan, Juan Banal at Pedro
Balingit na mabawing muli ang
kanilang kalayaan at karangalan.
MGA PAG-
AALSANG
PANRELIHIYON
Pag-aalsa ni Bancao (1621)
-Pinamumunuan ni Bancao ng Carigara na
lumaban sa Simbahang Katoliko sa Leyte
-Katuwang ang babaylan na si Pagali ay
nagtayo ng mga dambana para sa mga anito
at hinikayat ang ilamng bayan na sumapi sa
kanila at makilahok sap ag-aalsa. Nasupil
ang kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo si
Bancao.
Pag-aalsa ni Tamblot (1621-1622)
-Pagtutol ng mga Boholano sa
Kristiyanismo sa pamumuno ng
dating babaylan na si Tamblot.
Isinagawa ito pagsapit ng
kapistahan ng St. Francis Xavier.
Nasupil ang pag-aalsa pagsapit ng
Bagong Taon 1622.
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol
(1744-1829)
-Nagalit si Francisco Dagohoy,
isang dating cabeza de barangay,
dahil sa pagtutol ng Kura na
bigyan ng marangal na libing ang
kaniyang kapatid.
Pag-aalsa no Apolinario Dela Cruz sa
Tayabas (1840-1841)
-Nagalit si Apolinario Dela Cruz o
Hermano Pule dahil tinanggihan
siyang maging pari at kilalanin ang
kanyang samahang Confradia de San
Jose
-Dinakip at pinatawan ng kamatayan.
MGA PAG-
AALSANG PANG-
EKONOMIKO
Pag-aalsa ni Magalat (1596)
-Kasama ang kaniyang
kapatid, tinutulan ni Magalat,
isang rebelde mula sa Cagayan
ang di makatuwirang paniningil
ng buwis ng mga Espanyol.
Pag-aalsa ni Sumuroy (1649-1650)
-Pinamumunuan ng Waray na si
Agustin Sumuroy ang Pag-aaklas laban
sa Polo y Servicio sa Samar. Taliwas sa
patakaran ng mga polo ang mga Waray
ay ipinadala sa mga pagawaan ng
barko sa Cavite, malayo sa kanilang
tirahan.
- -Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite at
umabot sa Mindanao, Bicol,
Masbate, Camiguin, Zamboanga at
Hilagang Mindanao.
- -Humina ang pag-aalsa hanggang sa
tuluyang masupil ng madakip at
ipapatay ng mga Espanyol si
Sumuroy at iba pang lumahok sa
pag-aalsa.
Pag-aalsa ni Maniago (1660-1661)
-Pinamumunuan ni Francisco
Maniago ng Mexico Pampanga.
Pagtutol ng mga Kapampangan sa
sapilitang paggawa sa mga galyon sa
hindi pagbabayad ng pamahalaan sa
mga biniling palay mula sa mga
magsasaka.
Pag-aalsa ni Diego Silang (1762-1763)
-Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis
at pagnanais na palayasin ang mga
Espanyol.
-Pinatay ang kanyang kaibigang si Miguel
Vicos.
-Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglaban ng asawa.
ANG
PARTISIPASYON NG
MGA KABABAIHAN
SA PAG-AALSA NG
BAYAN
Gregoria de Jesus
Siya ay kilala sa bansag na
“Lakambini ng Katipunan”. Siya ay
sumapi sa Katipunan bago paman
makasal kay Andres Bonifacio. Sa
isang pagpupulong ng mga
Katipunero, nabuo ang isang sector na
pambabae sa samahan.
Mahirap ang naging kalagayan
ni Gregoria de Jesus na kilala
sa palayaw na “Oriang”, lalo
na nang matuklasan ang
Katipunan. Bilang Lakambini
ng Katipunan at asawa ng
Supremo.
Siya ang tagapagtago ng
mga lihim na dokumento ng
Samahan. Pinamahalaan din
niya ang pagpapakain at
pagpapagamot sa mga
kasapi ng Katipunan na
nasugatan sa labanan
.
Gliceria Marella de Villavicencio
Bagaman marami ang kumampi sa
mga dayuhan, may mga miyembro rin
ng mga mayayamang angkan ang
matapat na sumusuporta sa layunin ng
rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria
Marella de Villavicencio ng Taal,
Batangas.
Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio
Villavicencio sa gulang na 19. Dahil
parehong nagmula sa mayamang
angkan at mahusay sa pagnenegosyo,
mas napalago nila ang kanilang mga
ari-arian. Nang mapatay noong 1872
ang mga paring GOMBURZA,
nagsimula na si Gliceria at ang
kanyang asawa sa pagiging aktibo sa
Propaganda.
Nang si Rizal ay nasa Hongkong,
nakipagkita sa kanya si Eulalio
at nagbigay ng Php 18,000.00.
Nang bumalik, may dala na itong
mga kopya ng Noli Me Tangere at
El Filibusterismo ni Rizal. Ang
mga ito ay kanilang ipinamigay
.
Patrocinia Gamboa
Tubong Ilo-Ilo si Patrocinia
Gamboa. Bagaman nagmula rin
siya sa isang mayamang angkan
ng mga illustrado, kabilang siya
sa mga naghahangad ng Kalayaan
ng Pilipinas mula sa Espanya.
Mahilig siyang magbasa ng mga
komposisyon nina Rizal at Lopez
Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na
rin siya sa mga
nagrererebolusyonaryo sa
kanilang lalawigan. Hindi kaagad
siya pinagdudahan ng mga
Espanyol dahil siya ay babae.
Nakatulong siya sa
paniniktik at sa pag-iipon
ng pondo para sa
rebolusyon. Naging aktibo
rin siya bilang miyembro
ng Red Cross.
Melchora Aquino
Kilala si Melchora Aquino sa
bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa
edad na 84, hindi siya nag-atubiling
magbigay ng tulong sa mga
nasugatang Katipunero sa tuwing
napapasabak ang mga ito sa labanan.
Dahil mayroon siyang palayan,
naging mainam na kanlungan ng
mga rebolusyonaryo ang kanyang
lugar. Hindi rin siya naging
maramot na nagbigay ng paly o
kalakal niya sa kanyang
tindahan. Dito madalas niyang
makausap si Andres.
Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa
kanyang pagtulong sa mga
Katipunero. Siya ay ipinatapon sa
Guam kung saan tinanggap siya ng
mag-asawang Pilipino. Pinili
niyang magtrabaho sa kanila kaysa
tumanggap ng libreng tulong.
Teresa Magbanua
Tinaguriang “Unang
Mangdirigma sa Panay” at mas
kilala bilang “Joan of Arc ng
Visayas”. Nang sumiklab ang
rebolusyon, sumanib siya sa kabila
ng pagtutol ng kaniyang asawa.
Naunang sumapi sa
Katipunan ang kaniyang
dalawang kapatid na lalaki na
pawang may mas mataas na
katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang
pangkat ng mga kalalakihan.
Tumulong siya
pakikipaglaban. Nakilala
siya sa kanyang husay sa
pamumuno at tinawag na
“Nay Isa”.
Alam mo ba?
Si Teresa Magbanua, ang nag-iisang
babae na namuno sa himagsikan sa
Visayas, ay isa sa mga Pilipino na
lumaban sa tatlong pinakamalaking
mananakop ng Pilipinas: Espanya,
Estados Unidos at Japan.
Sino-sino ang namuno
at nakilahok sa
nasabing pag-aalsa?
Ano-ano ang naging
dahilan ng kanilang
pag-aalsa?
Paano ipinakita ng mga
katutubong Pilipino ang
kanilang pagtutol sa
kalabisan ng mga
mananakop na Espanyol?
Sa inyong palagay,
nagtagumpay ba ang mga ito
sa kanilang naising pagbabago
laban sa pamamalakad ng
mga Espanyol?
Bilang isang mag-aaral, sa
paanong paraan mo
mapahahalagahan ang
ginawang pamamaraan ng
mga katutubong Pilipino
laban sa mga Espanyol?

You might also like