You are on page 1of 4

MIDTERM EXAM

READINGS IN PHILIPPINE HISTORY


NAME: KIM A. BRIGUERA SECTION: TM 101

Site of the First Mass

• Ang lugar kung saan ginanap kauna unahang misa ay ilang dekada pinagtalunan, mula 17th century
hanggang 19th century. Dalawang lugar ang pinagtatalunan: ang Butuan at Limasawa.
• Ayon kay Padre Francisco Colins ginanap ang unang misa sa Butuan at ipinagdiwang ito na may
kasamang pagpapatayo ng Krus.
• Ayon naman kay Padre Francisco Combes noong dumating si Magellan sa Butuan ay saka ipinatayo
ang nasabing Krus.
• Hindi tugma ang naging pahayag ng dalawang taong ito kahit iisang panig lamang ang kanilang
pinaniniwalaan.

• Sa kabilang banda, ang nagpatunay na sa Limasawa ginanap ang unang misa ay sina Antonio
Pigafetta na kasama ni Magellan sa paglayag, at si Francisco Albo na piloto sa kanilang ekspedisyon.
Ang dalawang saksi na ito ang nagging susi upang mapatotohanan ang nangyari, pareho nilang
sinabi at itinala na ang unang misa ay naganap sa isang sila na tinawag nilang “Mazaua” noong
March 31, 1521.
• Ang kanilang salaysay ay tugma, pareho nila sinabi na mula sa isla ng Homonmon naglakbay sila sa
kanluran patungo sa isla ng Leyte at lumiko. Ang pahayag nilang ito ay akma sa heograpikong
lokasyon kung saan matatagpuan ang sila ng Limasawa.

Mga iba pang ebidensya:

• Si James Robertson ang gumawa ng translasyon sa Ingles ng manuskrip na isinulat ni Pigafuetta at


kinilala ang kredibilidad nito ng University of the Philippines’ Department of European Language.
• Sa nilagdaang ng NHCP Board noong July 15, 2020, muli nilang idiniin na sa Limasawa, Southern
Leyte idinaos ang ‘unang misa’ sa bansa, sang-ayon sa rekomendasyon ng mga lupon ng historyador.
• Sinang ayunan ng dating Supreme Court Justice Emilio Gancayo noong 1995 at ang historyador na si
Benito Legarda noong 2008.
The Cavite Mutiny

• Ang pag aalsa na ng 200 sundalong Pilipino at manggagawa sa arsenal ay pinamunuan ni Sgt. La
Madrid noong January 20, 1872.
Ito ay may dalawang bersyon; Filipino at Spanish.

• Filipino Version:
Nag alsa ang mga Pilipino sa kadahilanang hindi nila nagustuhan ang pagbabago ng mga polisiya sa
pangunguna ni Izquierdo, ang gobernadora heneral ng Pilipinas noon. Nagdesisyon siyang tanggalin
ang mga pribilehiyo na natatanggap ng mga Pilipino; ang pagbabayad ng buwis at ang pagbibigay ng
polo y servicio o ang sapilitang pagtatrabaho.
• Idinawit ang GomBurZa (Sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora) at sinabing sila ang
nagging mastermind sa nasabing pag aalsa. Ginawa nila ito upang magsilbing badya at panakot sa
mga Pilipino na nagbabalak tanggihan ang kanilang mga pinatutupad. Dinamay lamang ang tatlong
pari na aktibo sa movement ng secularization kung saan ninanais ng mga pilipinong pare ang
pagkakaroon ng sariling simbahan at pagkakaroon ng awtoridad.

• Spanish Version:
Ang pag aalsa ng mga Pilipino ay tinaguriang pagpapabagsak sa mga Espanyol at angkinin ang
gobyerno ng Pilipinas. Sinabi nilang ito ay pinlano ng mabuti, noong panahon na nangyari ang pag
aalsa ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng birheng loreto sa distrito ng Sampaloc, Maynila.
Gumamit sila ng mga paputok at ito ay narinig ng mga kabitenyo na pinaniniwalaang hudyat sa pag
atake laban sa kanila.
• GomBurZa ang mastermind sa nasabing pag aalsa at sila ay ginarote sa publiko na nasaksihan ng
maraming Pilipino kabilang na si Jose Rizal.
Rizal’s Retraction

• Nagkaroon ng pagtatalo kung tunay nga ba na nangyari ang retraksyon ni Rizal bago sya patayin.
Naging magkakaiba ang mga paniniwala, ito ay naging kontrobersiyal at nahati sa dalawang panig:
Naconalista/ Rizalista; mga taong naniniwala na sya ay nag retract
Masonista; mga taong naniniwala na binawi nya ang kanyang mga sinulat tungko, sa simbahang
katoliko at mga Kastila
• Nagkaroon ng kaso si rizal kaya’t sya ay ililitis. Sibisyon , rebelyon at konspirasyon ang kanyang
nagging kaso. Isa sa mga nagging dahilan nito ay ang mga pagsusulat nya ng kanyang mga libro (El
Filibusterismo, Noli Me Tangere) Sinisi rin sya ng mga espanyol tungkol sa mga nagaganap na
madugong pag aalsa.
• Si Padre Pio Pi ang nag angkin na nakatanggap sya ng kopya ng retraction letter na sinulat at
pinirmahan mismo ni Rizal.
• Lazaro Segovia- mastermind ng pamemeke ng pirma ni rizal
• Si Padre Vicente Balaguer ay kabilang sa Primary source.
Ayon sakanya, binista nya si Jose Rizal noong kaunti na lamang ang natitirang oras nito sa kulungan
at nakumbinsi nya itong magdasal at manghingi ng tawad sa hindi pagsunod sa mga turo ng
simbahan.
Naging bias ito dahil si Padre Pio Pi ay isang Spanish Jesuits at mahirap paniwalaan sapagkat si Rizal
ay isang freemason.
• Si Rizal ay kabilang sa masonry kung saan hindi sya kabilang sa mga itinuturo sa simbahan at
nagkokodemina ng mga paraan ng mga pari.
• Ang iba rin ay naniniwala na nag retract si Rizal dahil sa pag ibig.
Pagkatapos nya ito lagdaan, alas singko ng umaga pinaksalan nya si Josephine Bracken sa chapel.
• Si Cuerpo de Vigilancia ay kabilang sa mga ispiya at gwardya noon sa Fort Santiago. Siya ay nag
bibigay ng report na naglalaman ng mga pangyayari at mga taong pumapasok.
• 20 taon pa pagtapos ng pangyayaring ito napasakamay ang kopya ng retraction ni rizal na ibinili ng
NHCP na pinamumunuan ni Rene Escallante noong taong 2016.
• Ayon naman kay Rafael Palma na kinikilala ang sarili nya bilang “collaborator” ni Jose Rizal, ang
natagpuang dokumento ng retraksiyon ni rizal ay hindi akma sakanyang karakter at paniniwala.
• Hindi kasama ang pangalan ni Rafael Palma sa mga naitala sa ulat ng ispiya na si Cuerpo de
Vigilancia.
The Katipunan’s Cry

• Ito ay kabilang sa isang malaking parte ng kasaysayang ng Pilipinas.


Sa pagkamatay ni Jose Rizal, nagging inspirado si Andres Bonifacio sa paglaban ng Kalayaan ng
Pilipinas. Hindi na sya naniniwala sa mapayapang reporma na katulad ng pinaglaban noon ni Rizal.
• Itinatag nya ang KKK o ang Kataas-taasang Kagalang galang Katipunan na mga Anak ng Bayan noong
July 3, 1892
• Founders: Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Jose Dizon at Teodoro
Plata.
• Noong August 1896, nabunyag ang kanilang samahan dahil sa inggit ni Teodoro Patinio sa
pagkadagdag ng sahod ng kapwa katipunero na si Apolonio Cruz. Binanggit nya sa kapatid nyang
babae na kabilang sya sa nasabing Samahan at pinagsabi naman nito sa paring Espanyol.
• Nagkaroon ng iba’t ibang panig kung saan tunay na naganap ang unang sigaw ng mga Katipunan;
Naganap ito sa Balintawak noong Agosto 26, sa Pugad Lawin noong Agosto 23.

• Ayon kay Andres Bonifacio na gumanap bilang lider ng rebolusyon, nangyari ito noong August 26
1986, Miyerkules sa Balintawak
• Ayon naman kay Pio Valenzuela ito ay naganap noong Agosto 23, 196 sa Pugad Lawin ngunit hindi
na malinaw sa kanyang memorya ang sinabi nya noon.
• Ayon kay Santiago Alvarez ito ay ginanap sa bahay toro
• Sinabi naman ni Gregoria De Jesus, tinaguriang lakambini ng Katipunan, na ito ay naganap malapit
sa Caloocan noong August 25, 1896.
• Don Vicente Samson- sya ang nakakita sa pangyayaring ito kasama ang kanyang ama. Sya ay
naninirahan sa balintawak at 12 taong gulang pa lamang noong nangyari ito.
• Binago ni Teodoro A. Agoncillo ang unang impormasyon na ito ay naganap sa Balintawak noong
Agosto 26. Ito ay tunay na naganap sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896
• Matapos mabunyag ang kanilang Samahan dahil kay Teodoro Patinio noong Agosto 19 sila ay
nagpatawag lamang ng pangkalahatang pulong upang mapagkasunduan ang mga susunod na
hakbang. Ang pulong na ito ay ginanap sa Balintawak noong Agosto 24.
• Noong Agosto 23 lamang nila pinunit and kanilang cedula at sabay sabay sumigaw ng “Mabuhay ang
Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!”
• Nag iba iba ang bersyon nito dahil palipat lipat sila ng mga panahon na ito upang hindi matagpuan
ng mga Kastila.

You might also like