You are on page 1of 8

FELIX ALFELOR SR.

FOUNDATION COLLEGE

Sipocot, Camarines Sur

GURO: ASIGNATURA:

LAURENCIANA RAZHEL ANN Y. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

ANTAS/BAITANG: 8 MARKAHAN:

PAMANTAYAN SA NILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa


sa mga konsepto tungkol sa sekswalidad ng
(Content Standard) tao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos


tungo sa paghahanda sa susunod na yugto
(Performance Standard) ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata
at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na
magmahal.

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang tamang pagpapa kahulugan
sa sekswalidad bilang mabuti. ( ESP 8IP-IV-
13.1)
B. Nasusuri ang ilan sa maling pananaw sa
sekswalidad. ( ESP 8IP-IVa-13.2)
C. Naisasagawa ang tamang pagpapa halaga at
paggalang sa sekswalidad bilang pagtupad nila
ng kanilang bokasyon na magmahal. ( ESP 8IP-
IVb-13.4)

II. NILALAMAN

A. Paksa: Modyul 13: Ang Sekswalidad ng tao


(paggalang sa sekswalidad)
B. Batayang Aklat:
ESP 8 Pahina 334-365
C. Kagamitang Panturo:

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

● PAGBATI
- Magandang Umaga sainyong lahat! Magandang Umaga din po ma'am!

● PANALANGIN

- Jamela, Pangunahan mo ang panalangin Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo

Amen....

● Pagpuna sa kaayusan ng Silid-Aralan


- Bago Umupo ay pakiayos ng mga upuan at
Isinaayos nila ang silid-aralan
pulotin ang mga basura.

● Pagtala ng Liban sa Klase


- Meron bang liban sa klase?
Wala po ma'am!

● Paglalahad ng Layunin:
Sa loob ng 60 minutong talakayan ay
inaasahan na ang mag aaral ay;

● Ngayon naman alamin muna natin ang ating layunin A. Natutukoy ang tamang
para sa araw na ito. pagpapa kahulugan sa
sekswalidad bilang mabuti.
B. Nasusuri ang ilan sa maling
pananaw sa sekswalidad.
Vianca, Paki-basa
C. Naisasagawa ang tamang
pagpapa halaga at paggalang sa
sekswalidad bilang pagtupad
nila ng kanilang bokasyon na
magmahal.

- Bago natin simulan ang ating talakayan, ay


magbibigay muna ako ng mga katanungan.
Panuto: Ibigay ang inyong saloobin at pananaw sa
mga sumusunod na kaisipan.
1. Mas Madamdamin at madaling lumuha ang
babae kaysa lalaki.
2. Mas pinapayagan ang anak na lalaki dahil sa
katwirang wala namang mawawala sa kanila.
3. Matagal mag-ayos ng kanilang sarili ang mga
babae kaysa sa lalaki.
4. Mas agresibo at mapusok ang mga lalaki. Babasahin ng matatawag na mag- aaral mag
bibigay ng Opinion dito.
5. Sa pagkukuwento mas madetalye ang babae kaysa
lalaki.

Sa inyo mga nabasa, anuh ang inyong masasabi sa bawat


pahayag na ito?

A. GAWAIN: DULA-DULAAN

Pangkatang Gawain.

Bawat Grupo ay may kanya-kanyang "scenario" na gagawin


ukol sa paksang "Paggalang sa Sekswalidad".

Panuto:

1. Hahatiin ko kaya sa dalawag grupo, mahahati kayo sa


pamamagitan ng pag bunot sa unahan.

2. Isa isa kayong pupunta sa unahan at bubunot sa aking box


na may mga larawan ng "LALAKI AT BABAE". Ang
magkaparehong nakuhang larawan ay silang magsasama sa
isang grupo.

3. Ang bawat grupo ay pipili ng kanilang magiging lider upang


pumunta sa unahan upang pumili sa aking inihandang
sitwasyon.

4. Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto upang magawa ito.

Pamantayan sa "Paggalang sa Sekswalidad"

"Ang Sekswalidad ay kapangyarihang umibig."

- Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ay natatanging


bokasyon bilang tao. May dalawang daan patungo rito- ang
pag aasawa at ang buhay na walang asawa o tinatawag na
"Single Blessedness".
"Ang Sekswalidad ay pagtanggap sa prinsipyo na magkaiba
ang lalaki at babae ngunit sila ay magkatuwang".

- Nilikha ng diyos ang isang lalaki at babae, kaya't nararapat


na igalang ang kasarian ng isa't-isa. Dapat sila ay
magkakatuwang walang mas mataas o mas mababa.

RUBRICS:

Kooperasyon ng miyembro -30 puntos

Naaayon sa Paksa - 50 puntos

Pagkamalikhaing Gawain - 20 puntos

100 puntos

B. PAGSUSURI

Batay sa tinalakay ng dalawang pangkat ay may dalawang - Ito ay ang Seksuwalidad na kapangyarihang
pamantayan sa paggalang sa sekswalidad. Anuh ang mga ito? umibig at ang Seksuwalidad ng pagtanggap
sa prinsipyo na magkaiba ang lalaki at babae
Magaling! ang tama ang iyong sagot. ngunit sila ay magkatuwang.
Ngayun naman ay dumako na tayo sa pagpapalalim.

C. PAGPAPALALIM

"ANG SEKSWALIDAD NG TAO"

Sa inyong palagay, Ano nga ba ang sekswalidad? - Ito ay ang kabuuan ng isang individwal o
nilalang.
Tatawag ng mag-aaral.
- Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakayahan
Magaling! ang inyong sagot ay tama. lamang.
Pero anu nga ba ang tunay na kahulugan ng Sekswalidad ng
tao?

- Ang Seksuwalidad ay kaniyang pagiging ganap na babae o


lalaki.

- Ang pagpapaka lalaki at pagpapaka babae ay malayang pinili


at personal na tungkulin na gagampanan sa iyong buhay.
Mga dapat Tandaan:

• Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag iisa o pagbubuo


ng Seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap na
pagkababae o lalaki.

• Ang tao ay tinatawag upang magmahal. Ito ay natatanging


bokasyon ng tao bilang tao.

Naiintindihan ba klass?

Magaling!

( Ayon kay banal na Papa Juan Paulo III)


- Opo ma'am!
- "Ang tao lamang ang may kakayahang magmahal at ang tao
lamang ang makapag sisiliang ng isa pang tao, na tulad nya ay
may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na
magmahal at maghatid ng pagmamahal sa mundo- ang likas
na pagpapakadakila sa tao."

Sa inyong palagay, ano ang una nyong naiisip kapag naririnig


nyo ang salitang "PUPPY LOVE"?

Magaling! Tama ang iyong kasagutan.

Ang kahulugan ng Puppy Love ay maaaring maging simula o


- Kadalasang pinagkakamalan na tunay na
pundasyon ng isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pag
pagmamahal.
dating ng tamang panahon.

- Maaring bunga din ito ng Seksuwalidad na pumupukaw ng


mga pandama (senses) at damdamin (sentiment) na bunsod
ng emosyon.

Dapat Tandaan:

• Huwag mong kakalimutan na ikaw ay nasa proseso pa


lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na
pagmamahal at ang iyong nararamdaman ay "PAGHANGA".

• Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahayag sa


kalayaan ng minamahal.

Naiintindihan niyo ba ang aking sinabi klass?

Ang kalinisang puri at Pagmamahal

- Ang pagtatalik ay hindi bunga lamang ng Seksuwal na


pagnanasa, kundi ang pagbibigay ng buong pagkatao.
Base sa aking binasa, anuh ang iyong pag unawa?

Tama! salamat sa iyong sinabi!

Ang pagmamahal ay isang birtud - Opo ma'am, naiintindihan po namin!

- nangangailangan ng paglinang at pagkilos upang mapaunlad


ito. Ang tuon ay ang nakabubuti ng minamahal at ng
dalawang taong pinagkaisa sa kasal.

- Ito rin ay mapanlikha, nagbibigay buhay maaaring pisikal o


seksuwal o sa paraang ispiritwal.
Sasagutan ng mag-aaral
Ngayon naman ay talakayin natin ang mga maling pananaw
sa Seksuwalidad

Una dito ay ang

1. PORNOGRAPIYA - ay ang mga mahahalay na paglalarawan


(babasahin, larawan o palabas) na may seksuwal na
pagnanasa ng manonood o nagbabasa.

Ipaliwanag ito ..

Magaling! Tama ang iyon sagot.

2. Ang Pedhplies - Mga lalaki o babae na nasa hustong


gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga bata at paslit.

3. Pre-marital sex - Ay Ang pagtatalik ng isang babae at lalaki


ng walabpansa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa
kasal.

4. Teenage Pregnancy - Maaga at wala. sa panahong


pagbubuntis ng mga kababaihan.

5. Abortion - Ang pagkitil sa buhay ng walang kamuwang-


muwang at kawawang sanggol na nasa sinapupunan pa
lamang ng isang babae. Sasagutin ng mag aaral

Sa aking mga tinalakay na mga MALING PANANAW SA


SEKSUWALIDAD, anuh ang iyong mga nauwaan?

Magaling! buti naman kung ganun at naunawaan ninyo ang


ating tinalakay ngaung araw.

Sasagutin ng mag aaral


D. PAGLALAPAT

Sumulat ng isang "Pledge of Commitment"na nagpapahayag


ng inyong natutunan, kasarian at gagawin pagsasabuhay sa
ating aralin tungkol sa paggalang sa Seksuwalidad ng tao.

"PANGAKO SA PAGGALANG SA SEKSUWALIDAD"

Ako si
_______________________________________________

___________________________________.
Gagawin ng mga mag aaral.

IV. EBALWASYON

"PUSONG BUO O PUSONG BIYAK"

1.Ang bawat mag aaral ay bibigyan ko ng mga Larawang may


Pusong Buo at sa likod ay Pusong Biyak.
Ang bawat mag aaral ang makikilahok sa
gawain.

2. Babasahin ko ang aking inihandang mga katanungan upang


maisagawa ang ang gawain na ito.

3. Kung ang sagot nila ay Tama ang ihaharap nila ay ang


Larawang ng PUSONG BUO at kung ang sagotnila ay Mali ay
ihaharap naman nila ay ang Larawang PUSONG BIYAK.

1. Ang Sekswalidad ay mabuti at sagrado.

2. Ang Sekswalidad ay may kaugnayan sa kaisipan,

emosyon at ispiritwal na katangiang taglay na pagiging babae


at lalaki.

3. Ang hangarin ng Diyos sa babae at lalaki ay ang pagiging


magkatuwang.

4. Ipaglihimbang relasyon sa mga magulang upang hindi sila


magalit.

5. Hindi dapat na pakialaman ang mga kaibigan na lantaran


kung mag pakita ng kanilang relasyon sa paaralan.

V. TAKDANG-ARALIN

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita;

● Ano ang kasal?


● Anu ang mga kailangan (requirements) sa kasal?
● Ano ang mga responsibilidad ng pagiging asawa? at
ang pagiging magulang?

You might also like