You are on page 1of 6

DAILY LESSON LOG

School Year 2022-2023

Learning
FACE-TO-FACE CLASSES Track/ Grade Level: Grade 10
Delivery:
Quarter/ Week: Quarter 3/ Week 1 Learning Area: Araling Panlipunan
Teaching Teacher/
0ctober 2023 Mrs. Reynalyn de Guzman
Date/s: Designation:
Teaching
Grade 10 Dove (7:00 – 8:00AM); Grade 10 Eagle (8:00 – 9:00 AM);and Grade 10 Peacock (9:00 – 10:00 AM)
Schedule:

I. PANIMULA
Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakakagawa ng mga malikhaing hakbang sa nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
Pangnilalaman sa iba't-ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay -pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Pamantayan sa Pag- Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at
ganap lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan. .
Pampaganang kasanayan Nakakabuo ng dokyumento na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamayanan sa pagpili ng
kasarian at sekswalidad. ( AP101KP-IIIC-6)
Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na ;

Natatalakay ang mga uri ng kasarian, gender, sex at gender roles sa iba't-ibang bahagi ng daigdig;
Nailalarawan ng mga mag-aaral ang pagkakaisa ng gender at sex gamit ang venn- diagram; at
Nailalahad ang kahalagahan ng pagrespeto at pantay - pantay na pagtrato sa iba't ibang kasarian o
sekswalidad..
II. NILALAMAN Mga uri ng kasarian( gender) at sex at gender roles sa iba't ibang daigdig.
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
Mga Pahinang gabay ng
CLMD 4A New BOW AP G10 Q3 page 47
guro
2. . Mga pahinang gabay PIVOT 4A AP 10 (Pages 3-7)
ng mag-aaral
3. Mga Pahina sa teksbuk https://www.youtube.com/watch?v=n1kUCe4QFFc (Pag unawa sa kaibahan ng SEX at GENDER)
o website
4. Mga karagdagang
(none)
kagamitan
B. B. Listahan ng mga
kagamitang panturo para
sa mga Gawain sa Slide deck presentation and printed materials na inihanda ng guro
pagpapaunlad at
pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro
PANIMULA
(INTRODUCTION)
A Panimulang Gawain  Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Balik Aral

GABAY NA TANONG :
Ano ang globalisasyon? Anu- ano ang epekto ng globalisasyon?

B. Paghahabi sa layunin Estratehiya : “ PICS ME WELL!


ng aralin (Pagganyak)
Papangkatin sa tatlong grupo ang klase bawat grupo ay may larawan na kaugnay ng paksa. Ito ay bubuuin at
ipapaliwanag at ipapahiwatig ang nakaitang kahulugan ng larawan
Pamprosesong tanong:
Ano ang inyong nabuo mula sa pirapirasong litrato, ibigay ang inyong repleksyon mula dito.

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
C. Paguugnay ng mga Estratehiya : “VIDEO -KNOW “
halimbawa sa bagong
aralin Susuriin ng mg amag-aaral ang isang bidyow clip at ito ay bibigyang repleksyon o reaksyon ng mga mag-aral.
https://www.youtube.com/watch?v=n1kUCe4QFFc (Pag unawa sa kaibahan ng SEX at GENDER)

GABAY NA TANONG :
Paano mo bib igyang kahulugan ang iyong napanood?
Anu- ano ang mga isyung kaugnay ng paksang ito na kinahaharap natin ngayon?

D. Pagtatalakay ng Estratehiya : “ SLOGAN “


bagong konsepto at
pagpapaunlad ng bagong Ang tatlong grupo sa naunang gawain ay muling gagawa ng Slogan patungkol sa isyung pangkasarian o
kasanayan pangsekswalidad na nagsusulong sa pagkakapantay- pantay na pagtrato sa bawat kasarian. Ito ay Ibabahagi
ng grupo sa harapan.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG SLOGAN
Nilalaman - 10pts
Pagkamalikhain - 5 pts
Kalinisan - 5 pts
Kaugnay ng tema - 10 pts
_________
Kabuuan 30pts.

PAKIKIPAGPALIHAN (ENGAGEMENT)
E. paglinang sa Estratehiya : “ I KNOW, IT’S ME !”
kabihasnan (Tungo sa
formative Assesment) Panuto :
Isulat o iguhit ang simbolong ♀ kung ang mga sumusunod na pngungusap ay naglalarawan sa katangian ng
isang babae o simbolong ♂ kung ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa katangian ng
isang lalaki. Gawin ito sa sagutang papel.

___1. may adams apple


___2. may xy chromosomes
___3. may developed breast
___4. Dinadatnan ng regla
___5. may obaryo
___6. May xx Chromosomes
___7. haligi ng tahanan
___8. may kakayanang mabuntis
___9. May titi o bayag
___10. Maskulado

SUSI SA PAGWAWASTO :
1. ♂ 5. ♀ 9. ♂
2. ♂ 6. ♀ 10. ♂
3. ♀ 7. ♂
4. ♀ 8. ♀
PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
F. Paglalapat ng aralin sa Estratehiya : “ VENN- DIAGRAM”
pang araw-araw na buhay
(Application) Panuto :
Sa loob ng 10 minuto, gumawa ng isang venn- diagram tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng sex and
gender. Gawin ito sa isang pirasong papel. At ito ay ipapasa sa guro.

SEX GENDER

G. Paglalahat ng aralin Pamprosesong tanong :


(Generalization)
Mahalaga ba ang pagkilala sa kasarian o sekswalidad ? Bakit?

V. EBALWASYON

PAGTATAYA Panuto: Kumuha ng 1/4 na pirasong papel at lagyan ito ng 1-10.


Sagutin ang mga sumusunod :

1. Ito ay tumutukoy sa simbolo ng kasarian ng lalaki.


2-3 : Ito ang dalwang katangian ng gender
4-5 : ito naman ang dalawang katangian ng sex.
6. Ito ay bayolohikal, pisyolohikal at natural na katangian ng isang tao mula kapanganakan.
8-10 : (para sa tatlong puntos )
Ano ang kahalagahan ng pagrespeto sa bawat kasarian ng tao?
SUSI SA PAGWAWASTO :

1. ♂
2. Masculine
3. Feminine
4. Babeae
5. Lalaki
6. Sex
7. Gender
8. -10 ( ang guro ang magwawasto )

VI. REPLEKSYON / TALA


A. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.

C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa ng aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na nagpapatuloy sa remediation.


E. Alin ang mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos.
Paano ito nakatulong?

Inihanda ni : Binigyang-pansin ni :

Mrs. Reynalyn De Guzman Dr. Jhimson Cabral


(Guro sa Araling panlipunan ) ( Gurong Tagapayo)

You might also like