You are on page 1of 2

ALL NATIONS COLLEGE

ANTIPOLO CITY

BANGHAY SA PAGTUTURO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. Layunin
a. Natutukoy ng mga mag-aaral ang pagbabago sa sarili mula sa taong 8 o 9 hanggang
sa kasalukuyan.
b. Natatanggap ang mga pagbabago sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
c. Naisasagawa at naipapaliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

II. Nilalaman
PAKSA: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata.
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpakakatao 7 MODYUL 1 Page 1 to11
KAGAMITAN: Laptop, VGA, Aklat sa ESP, Bond Paper.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pangunahing pagbati
 Classroom Management:
o Pagpapaayos ng mga upuan at pagpapapulot ng mga basura sa sahig.
o Pagpapakilala sa sarili.

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga kilalang artista noong bata pa sila
hanggang sa sila ay ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang buong klase:
“Anu ano ang inyong napansin sa mga pagbabagong naganap sa artistang ito? Matapos
magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro: Nais ko rin malaman kung anu-ano ang
mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating Gawain. Simulan na ito
upang makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.

C. Gawain
Panuto:
 Bubuo ng (4)apat na grupo ang guro ng walang pinipiling kasarian.
 Magbigay ng papel (bond paper) ang guro sa bawat grupo.
 Sa iyong papel (bond paper), itala ang mga positibong pagbabago sa iyong sarili ayon
sa bawat kategorya sa bawat bilang sa na makikita sa projector. Magtala ng tatlong
pagbabago sa sarili.
 Magtalaga ang guro bawat guro ng kategorya; Pangkat 1 (Pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad), Pangkat 2 (Papel sa lipunan bilang isang babae o lalake), Pangkat 3
(Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa) Pangkat 4 (Kakayahang gumawa sa maingat
na pagpapasya)
 Pagkatapos, pipili ang bawat grupo kung sino ang magpapaliwanag sa kanilang gawain
sa harapan.

D. Pagsusuri
1. Ano ang nakikita mong pagkakaiba sa iyong sarili mula sa edad na 8 o 9 na taon at sa
edad mo ngayon?
2. Paano mo mailalarawan ang pagbabago sa iyong sarili?
3. Paano mo matatanggap mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili?
4. Sa anong sitwasyon mo magagampananan ang pagbabago sa iyong sarili?
E. Abstraksyon
 Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
 Papel sa lipunan bilang isang babae o lalake.
 Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
 Kakayahang gumawa sa maingat na pagpapasya

Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming pagbabagong nagaganap sa


iyo. Ang lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pag unlad bilang tao. Sa
huli, ang lahat ng pagbabagong ito ay makatutulong upang magampanan mo ng
maayos o epektibo ang iyong mga tungkulin sa lipunan.

F. Paglalapat
 Ano ang iyong natutunan sa klase?
 Kung ihahambing mo ang iyong sarili noong ikaw ay 8 o 9 na taong gulang at ngayon,
ano ang mas pipiliin mo?
 Mailalarawan o maipapaliwanag mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili?
 Kayo ba ay nasisiyahan sa pagbabago sa iyong sarili?

IV. Pagtataya
Ano ang iyong nauunawaang mahalagang konsepto sa aralin? Sagutin ito gamit ang
Graphic Organizer sa ibaba. Sagutin din ang kakailanganing tanong, na, “bakit mahalaga ang
paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata?
Ang paglinang ng mga angkop na  ________________________
inaasahang kakayahan at
 ________________________
kilos(developmental tasks) sa
Ay
panahon ng  ________________________
pagdadalaga/pagbibinata Nakatutulong
sa
V. Takdang-aralin
“Profayl Ko, Noon at Ngayon”
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang pagbabagong
iyong itinala sa naunang Gawain. Sa hanay ng “Ako noon”, itala naman ang iyong
katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 na taon.

Ako Noon (gulang 8-11) Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Papel sa lipunan bilang isang babae o
lalake.
Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa sa maingat na
pagpapasya

Inihanda ni:
Nino C. Bravo
AB-Theology IV

Prepared Date:
Observed By:
Dr. Generosa Lhanie Peridocil Dr. Rodel R. Manso
College Dean

You might also like