You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos
sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang
sa kasalukuyan. (EsP7PS-Ia-1.1)
 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)
II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
B. Mga Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: EsP 7 pp. 4-5
2. Mga pahina sa Gabay ng Pang-mag-aaral: EsP 7 pp. 6-9

C. Mga Kagamitan: Visual aid

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral
Pagbabalik-aral sa araling natutunan sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng nakaraang taon.

B. Pagganyak
Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw?
Anong pagbabago ang iyong napapansin sa iyong sarili sa paglipas ng panahon?

C. Mga Gawain sa Pagkatuto


a) Panimulang Gawain
Panuto: Itala ng mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon
sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng tatlong pagbabago sa
sarili.

A. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad


B. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
C. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
D. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya

b) Pagpapalalim
Pagtalakay sa naunawaang mahalagang konsepto sa aralin batay sa resulta ng
naunang gawain.

D. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay


Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon.

E. Paglalahat ng Aralin
Magbigay ng mahalagang konseptong natutunan mo sa aralin..

IV. PAGTATAYA NG ARALIN


Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata?
Ipaliwanag.

V. TAKDANG-ARALIN
Sagutan sa isang buong papel ang Gawain 2: Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina 8.

You might also like