You are on page 1of 2

BANGHAY – ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Branel Mirth C. Casil


Unang Markahan

I. Layunin:
Sa 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga inaasahang


kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata, sa
kanyang mga talento, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata.

b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat


na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata.

Code: EsP7PS-Ia-1.1

II. Nilalaman:

Paksa: MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT


KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

(Developmental Tasks):
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature
relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)

b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan (Pakikipagkaibigan)

Batayang Konsepto:
Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata ay
nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.

Sanggunian:
EsP 7 Unang Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-16
EsP 7 Unang Markahan, Modyul para sa mag-aaral Modyul 1;
Pahina 1- 25

1 BANGHAY ARALIN SA ESP 7 – BRANEL MIRTH C. CASIL


Mga Kagamitan:
Laptop, LCD Projector, Pointer

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Pagbati
 Pag-uulat/Pagtatala ng liban
 Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng video tungkol sa kilos sa panahon ng
pagdadalaga /pagbibinata, sa kanyang mga talento, kakayahan, at
kahinaan, hilig, at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.

Magpapakita din nang mga larawan ng mga kilalang artista noon


bata pa sila hanggang sa sila ay maging ganap na dalaga at binata
na.

C. Paunang Pagtataya

D. Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong
napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang
sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit
o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga
kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang
kategorya.

IV. Takdang Aralin:


Sagutan ang “Profayl Ko, Noon at Ngayon”

2 BANGHAY ARALIN SA ESP 7 – BRANEL MIRTH C. CASIL

You might also like