You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
BAY-ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Bay-ang, Ajuy, Iloilo

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang 1. Natutukoy ang mga pagbabago sakanyang sarili mula sa gulang na
Pangnilalaman walo o siyam hanggang sa kasalakuyan sa ibat-ibang aspeto.
2. Nakapaglalapat ng mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata
3. Pamantayan sa Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
Pagganap pagdadalaga at pagibinata
4. Mga Kasanayang 1. Naipapaliwanag kung anu-ano ang mga angkop at inaasahang
Pampagkatuto kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
2. Naisagagagawa ang paglalapat ng mga angkop at inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
3. Naibabahagi ang kahalagahan ng pag-initnidi ng iba’t-ibang pagabago na
maaring mangyayari sa sarili
II. NILALAMAN
A. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 7:
Modyul 1: Mga Angkop at Inasahang Kakayhan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
1. Mga pahina Pahina 1-5
mula sa
modyul pang
mag-aaral
2. Mga
karagdagang Mga larawan na hinango mula sa internet
kagamitan sa
pagtuturo
B. Iba pang kagamitang Mga larawan,laptop,puzzle,tulong biswal
pagtuturo
III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak

Pagsusuri sa mga Larawan

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ba ang nakikita mo sa larawan?


2. Nasa anong yugto mg buhay ng tao ito madalas ginagawa?
3. Bakit kaya napapadalas ang pagtingin mo sa iyong sarili sa ganitong
yugto?

Paghanap sa loob ng kahon ng mga salita na may kaugnayan sa panahon ng


1. Hanapin Mo Ako pagdadalaga o pagbibinata. Kulayan ang iyong sagot o lagyan ng
linya.Maaring ito ay pahalang, patayo o pahilis.

A W O D T I G Y A W A T K L P O B
X M A H I Y A I N V H I N G O P O
F E D O W A Y R U O S A I J J E K
Z G G I A D D U I O P B S A A K G
Q W E A L R T U I S I U X G B A K
A E A P A G T A N G K A D D O I O
W T T T U Y Y O A N N U I A S B I
A S D T R E S P O N S A B L E I A
S E T U B N M I Z C S A Y A S G U
A D R T U I O P W A B H X W U A K
M A L I N I S S A K A T A W A N L
A S A W A D I T O I K W A D A T I
B. Gawain Gawain A: Profayl Ko, NOON at NGAYON
Panuto: Punan ang tsart ng PROFAYL KO, NOON AT NGAYON. Sa hanay ng
“AKO NGAYON”, isulat ang mga pagabagong iyong napapansin sa sarili. Sa
hanay na “AKO NOON”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw
ay nasa gulang na 8 hanggang 11 na taon.

Ako Noon Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan Halimbawa: Halimbawa:
sa mga kasing edad Kalaro ko ang aking Karamay ko ang aking
mga kaibigan mga kaibigan sa
problemang
kinakaharap
Ikaw naman:
________________ ____________________ __________________
________________ ____________________

Papel sa lipunan Halimbawa Halimbawa:


bilang babae o Tungkulin koang maging Nagtatrabaho at nag-
lalaki isang mabuting mag- aaral ako nang Mabuti
aaral. upang makahanap ng
magandang trabaho
Ikaw naman:
________________ ____________________ ____________________
________________ ____________________ ____________________
Pamantayan sa asal Halimbawa Halimbawa:
sa pakikipagkapwa Masunurin ako sa utos Sumusunod ako sa
ng aking mga magulang batas bilang isang
dahil alam nila ang mabuting mamamayan
Mabuti para sa akin ng bansa.
C. Pagsusuri 1. Anu-anong mga pagababago ang nakikita mo sa iyong sarili ngayon
batay sa iyong mga kasagutan?
2. Ang mga pagbabago ngayon na nakikita mo sa iyong sarili ay
palatandaan na ba na ikaw ay nasa yugto na ng pagdadalaga/pagbibinata?
3. Sa iyong palagay, marami pa bang pagbabagong magaganap sa iyo
sa iyong pagdadalaga/pagbibinata?
4. Paano nakatutulong ang mga pagbabagong ito sapagharap sa mga
hamon mo sa buhay bilang anak, mag-aaral sat mamamayan ng lipunan?

D. Pagtalakay ng Aralin Ang mga sumusunod ay mga palatandaan bilang isang


nagbibinata/nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang
kakayahan at kilos. Maaariang iba sa iyo o maaaring ang ibanaman ay hindi
mo dapat gawin.
Mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
sa iba’t-ibang aspekto:

Pangkaisipan
 Nagiging mahusay sa pakikipagtalo o pakikipagtalakayan
 Mas makapagmemorya
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-
iisip
 Nakagagawa ng mga pagpapaplano sa hinaharap
 Nahihilig sa pagbabasa
 Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at
may pinaniniwalaan
Panlipunan
 Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga
magulang
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayawa magpakita ng pagtingin
o pagmamahal
 Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang;
nagiging rebelde
 Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging
labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian
 Higit na nagpapakita ng interes sa katapat kasarian ang mga babae
kaysa mga lalaki
 Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid
Pandadamin
 Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nkatatanda o may
awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit
 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na nayo, marka sa klase, at
pangangatawan
 Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ngkapuwa mga tinedyer
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
 Madalas malalim ang iniisip
Moral
 Alam kung ano ang tama at mali
 Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o
desisyon
 Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapuwa
 Madalas ay mag pag-aalala sa kapakanan ng kapuwa

E. Paglinang sa Gaano man kalaki ang mgapagbabago na iyong nararanasan sa ngayon,


kabihasaan/Paglalahat kailangan mong harapin at tanggapin dahil ang mga ito ay magiging gsssbay
mo sa hinaharap. Maaring ito ay magsisilbing motibasyon at malaman mo
kung paano mo ilalagay ang iyong sarili sa mga bagong sitwasyon. Sa huli,
ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong sa iyo upang
magampanan mo nang maayos o maging epektibo ka sa pakikiugnayan sa
kapwa mo lalong lalo na sa kasing edad mo. Ano nga ba ang inaasahan na
kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
paggdadalaga/pagbibinata:

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad,
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. Pagtanggap sa mga pababago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito,
4. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa,
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpasya,
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. Paghahanda para sap ag-aasawa at pagpapamilya; at
8. Pagkakaroon ng mga pagpahalaga (values) na gabay sa mabuting asal.

Ang pagtataglay ng mga kakayahan at kilos na ito ay mahalaga upang


mapaunlad ang sariling pagkatao. Kritikal ang panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata. Kailangan maging maingat at di padalos dalos sa
mga gagawing pagpasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng mga
tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapakita ng
mabuting buhay
F. Kasunduan Isagawa mo:

Panuto: Tukuyin ang isang aspekto sa mga pagbabago sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinatakung saan itinuturing mong mababa ang tingin mo
saiyong sarili

(Halimbawa: Pakikiugnayan saKasing edada: Tuwing nagdiriwangng


Barangay Day dito sa Barangay Bay-ang at nagkakaroon ng mga paligsahan
ay nahihiya kang sumali lalo na sa katapat na kasarian. 1)

Mag-isip ka nang positibong pakikipag-usap sa sarili (self talk) o mga bagay


na sasabihin mo sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting mawala
ang nararamdaman mo tungkol sa mga pagbabagong ito. Pagkatapos, isulat
ang mga positibong pakikipag-usap sa sarili, sa mga makulay na papel o
post-it-notes at ipaskilang mga ito sa salamin o dingding na madali mong
Makita. Maari ring gawin itong screen saver ng iyong cellphone o computer.
IV. PAGTATAYA Maikling Pagsusulit:
Panuto: Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang
mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?

Para sa tanongna 1-4, pumili ng tamang sagot sa kahon at isulat ang titik.

A. Tapang C. tiwala sa sarili


B. Kakayahan D. positibong pagtingin
sasarili
1.Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto,
alam niyang sa bawat pagkakamali ay mayroon siyang matutuhan.
2. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang
kanyang sariling mga pagtatanghal bilang mang-aawit
3.Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang
kanyang kakayahan.
4. Hindi natatakotsi Renato na harapin ang anumang hamon upang ipakita
niya ang kanyang talento.

5. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na


dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa _____.
A. pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad
B. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa mga kasing edad
D. pagtatamo ng bago at ganap na pakikiugnayan sa mga kasing edad
6. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mga pagbabago sa damdamin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa:
A. alam kung ano ang tama at mali
B. nagiging mapag-isa sa tahanan
C. madalas nag-aalala sa kanyang pisikal na anyo at pangngatawan
D. madalas malalim ang iniisip
7. Habang ikaw ang nagdadalaga/nagbibinata, dumadami ang iyong _____.
A. Gawain B. responsibilidad C. kaibigan D. problema
8. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng lakas ng loob ang isang tao
upang gawin ang isang bagay.
A. tiwala sa sarili C. disiplinang pansarili
B. pagtanggap sa sarili D. lakas ng loob
9. Si Ana ay hindi mapalagay sa mga nakikita niyang pisikal na pagbabago
sa kanyang katawan. Sa pagkakataong ito, sino ang dapat niyang hingan ng
payo tungkol dito?
A. nanay B. kapitbahay C. kaibigan D. kapitan ng barangay
10. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng pagbabago sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata maliban sa:
A. pagkakaroon ng maraming kaibigan
B. pag-aasawa ng maaga
C. pagbibigay ng halaga sa pag-aaral
D. pagiging responsaable sa gawaing bahay
1
Localization and indigenization instruction

You might also like