You are on page 1of 3

1. How do you see inequality? (Paano mo nakikita ang hindi pagkakapantay-pantay?

● Nakikita ko ito sa pag kaiba ng pag trato ng mga tao sa babae at lalake
-DeLeon.

● Sa mahihirap at mayayaman malaki ang pinag kaiba ng dalawa kasi ang mayaman hindi
nakakaramdam ng gutom o hindi nawawalan ng pera pambili ng pagkain sapagkat ang
mahihirap naman pag kuha lamang ng pera pambili ng pagkain napaka hirap na.
-Ramos

2. How can inequality shown in society of the Philippines (Paano maipapakita ang hindi
pagkakapantay-pantay sa lipunan ng Pilipinas)

● para saakin isa sa maipapakita ng inequality sa pilipinas ay ang Kapag ikaw ay mahirap,
ikaw ay mabilis na mapapagbintangan, kahit inosente ka at kahit wala kang kasalanan.
Kahit pa may mga ebidensya na hindi mo ginawa ang isang bagay, talo ka.
-Villapaña

● Ang pagiging mayaman ay isang pribilehiyo, pwede mong gawin lahat ng gusto mo,
kahit pagtakas sa batas ay kayang kaya. Sa sistemang tulad nito, ang mayayaman
lamang ang pwedeng mabuhay ng may respeto mula sa mga tao, kaya nilang gawin at
bilhin ano man gustuhin nila, kahit na ang pagdiin sa mahihirap ay kaya nila.
-Alao

3. How does culture relate to inequality (Paano nauugnay ang kultura sa hindi
pagkakapantay-pantay)

● Konektado ang kultura sa hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao dahil sa isang


patakaran na ang babae ay damat na sa bahay lamang at siya ang nagawa sa gawaing
bahay.
-Villapaña
● Sa kultura na batay sa mayaman at mahirap ang mayaman ay dapat na ginagalang
dahil nga raw sila ang nasa taas ng mahihirap.
-Ramos

4. how does art help in social issues about inequality (paano nakakatulong ang sining sa mga
isyung panlipunan tungkol sa hindi pagkakapantay-pantay)
● Gamit ang sining makalilikha tayo ng larawan na sumasagisag o sumisimbolo sa hindi
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa mundo o sa isang bansa.
-DeLeon

● Sa palagay ko ang pag gamit ng sining ay madali upang makahikayat ng mga tao
na imulat ang kanilang kaisipan sa nangyayaring hindi pagkakapantay-pantay ng
mga tao sa bansa.
-Alao

5. how does language help in contribute of inequality ( paano nakakatulong ang wika sa
pag-aambag ng hindi pagkakapantay-pantay )

● Ang wika ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng komunikasyon at


pagkaunawaan sa pagitan ng mga tao. Ito ay isang mahalagang kasangkapan sa
pagbuo ng mga samahang nais magsama-sama upang labanan ang hindi
pagkakapantay-pantay. Sa pamamagitan ng pagsasalita at pakikinig, ang wika ay
nagpapabuklod sa mga indibidwal na may parehong adhikain na labanan ang
diskriminasyon at patas na pagtrato sa lahat.
-Alao

6. How does social inequality affect the well being of Filipinos nowadays? ( Paano
naaapektuhan ng hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan ang kapakanan ng mga Pilipino sa
kasalukuyan? )

● Naka aapekto sa lipunan ang hindi pagkakapantay-pantay ngayon sa kasalukuyan dahil


may mga mayayaman na nang huhusga ng mahihirap at kung mandiri ay wagas na
kung ituring rin nila ay hindi tao dahil sa pagiging mahirap nito.
-Ramos
● Sa palagay ko naka-aapekto ito ng malaki sa kasalukuyan dahil ang bawat kapakanan
ng mamamayan ay hindi na nagiging mahalaga dahil sa malaking agwat ng mayaman at
mahirap.
-Villapaña

7. how do you think we can tackle the issue of social inequality in our society ( sa tingin mo
paano natin matutugunan ang isyu ng hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan sa ating lipunan )
● Sa aking palagay matutugunan ito sa pamamaraan na hindi lamang babae ang
nagawa ng gawaing bahay hindi lamang babae na maiwan sa pag aalaga ng
mga bata at gayon rin sa mga lalake bagkus ay bigyan ng pantay na pag tingin
ito na kung saan nag hahati sa gawaing bahay ay dalawang kasarian.
-DeLeon

● Bilang parte ng LQBTQ+ ay binabahagi ko ang aking kaisipan na kung saan


kagaya ng pag trato ng iba sa lalaki at babae ay ganon rin ang maging trato
saamin kung saan pantay ang pag tingin ng mga tao sa amin na parte ng
LQBTQ+ na maaari rin kaming mag alaga ng bata maging isang magulang at iba
pa.
-Ramos

You might also like