You are on page 1of 2

I .

PAMAGAT

“Anak”

II . KOMPOSER /MANUNULAT

-Freddie Aguilar

III. URI NG KANTA

-Awitin para sa mga kabataang napunta sa maling landas.

IV. PAGSUSURI NG ELEMENTO

1. RITMO

-Ang ritmo ng musikang ito ay may kabog sa puso at isipan para mabigyang buhay ang kanta kaya
mas lalo itong magandang pakinggan. Nilalahad nang maayos ng mang aawit ang kasidhian ng
damdamin ng mga naunang talata dahil sa pagkakaroon ng mababang indayog nito. At ito ay may
emosyon na nakakatuwa pakinggan.

2. TIMBRE
-Ang timbre ng musikang ito ay hindi maitatangging napaka ganda dahil sa kung paano ito
kantahin ng mang-aawit ay napaka linis at madali mo itong malalaman kung ano ibinibigay na
mensahe sa atin ng kantang ito
At ito ay ang mga batang namali ang landas nga tinahak sa buhay
3. DAYNAMIKS
-Ang daynamiks ng awiting ito ay maayos na naka pababa at taas ng tono ng pag-awit at
napakalinis niyang ibinigkas ang bawat liriko nito
4. LIRIKO

-Sa liriko nito naman ng awiting ito ay madaling maisaulo dahil maayos ang pagkanta ng mang aawit
at dahil dito madadama mo ang bawat mga liriko na binibigkas nito

5. MELODYA

-Sa bawat nota naman nito ay kuhang kuha at maayos ang pag kanta nito tulad sa pababang nota at
pataas nito ay kuhang kuha niya ito

V. NILALAMAN

- Ayon naman sa nilalaman nito ay napaka ganda at maiintindihan agad ang mensahe na
ibinibigay para sa mga tagapakinig nito . Nais ipahiwatig ng awiting ito ay ang saloobin ng
magulang.

VI. TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Realismo – ito ay akma sa awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatan niyang “anak” na
hango sa totoong buhay at marami na din mga kabataan ang nakaranas nang maligaw ng landas
2. Teoryang sosyolohikal – Layunin nito na maipakita ang suliranin nito at kalagayan ng mga
kabataan na nalulung sa mga bisyo . Ang bisyo o masamang barkada ay sakit sa lipunan na hindi
mabigyan ng solusyon.

VII. BISANG PAMPANITIKAN

A. Bisa sa Damdamin
- Ang kantang ito ay nagbibigay ng kalungkutan , napakalungkot dahil kahit anong
pagmamahal ang ibigay ng magulang ay nagawa pa rin niyang suwayin ang magulang nito.

B. Bisa sa kaasalan

- Sa aking pakikinig sa kantang ito na kahit anong pag didisiplina sa kanya ng mga magulang niya
nagawa niya parin itong lokohin at suwayin ang kanyang mga magulang para lang sa bisyo
.Tandaan lagi natin na nasa huli ang pag sisisi

C. Bisa sa lipunan

- Ang awiting ito ay mag sisilbing aral sa mga batang naligaw ng landas at sa pag suway sa mga
magulang . Ito ay nag memensahe na pahalagahan ang bawat sakripisyo ng bawat magulang
upang mapalaki ng maayos at mabuti ang kanilang mga anak

VII.KONKLUSYON

- Ang ginawang kanta ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Anak” ay isang mensahe para sa
mga kabataan na kailangan sumunod palagi sa kanilang mga magulang dahil sila ang nakaka
alam kung ano ang nakakabuti para sa atin

IX. REKOMENDASYON

- Ang bawat Musika, himig at tono bawat isa ay may kuwento na nais mag bigay mensahe
para sa mga kabataang napariwara sa kanilang buhay dahil sa pagpili ng maling landas .
Bilang rekomendasyon mahalagang naiuugnay sa isyung panlipunan ang mga awitin upang
mamulat sa katotohanan ang mga kabataan ngayon . Dahil sa awiting ito nagiging buklas ang
isipan ng bawat isa upang mabigyang solusyon ang problemang ito para maisip nila ang
maaaring idulot nito sa kanila

You might also like