You are on page 1of 16

Ang Maikling

Kwento sa Panahon
ng Hapon
Ano nga ba ang kahulugan
n ga maikling kwento?
Ang maikling kuwento -ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang
madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Mga Halimbawa
Ng Manunulat At
Ang Akinlang
MGA Sinulat Sa
Panahon Ng
Hapon
Lungsod, Nayon At Dagat
Dagatan
Mula sa malayo, ang tangi kongnatatanaw sa
nayon ay ilang punong niyog at ang
kampanaryo sa lumang simbahangbato. Sa
gawing kanan ay naroon ang dagat-dagatan
na kinasasalaminan ng araw ngpapalubog.
Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay
napalitan ng maningning napilak; yaon ay
napakarikit sa pangmalas, kaya’t biglang-
biglang aking nadamangako’y hindio handa
upang magmasid sa gayong lalang ang
kalikasan.
Ako’y lagingnasa lunsod at ang aking
paniniwala’y doon lamang may pintig
ang buhay atkaipala’y doon lamang
mananatili sa mga panahong ito ng
digmaan; ngunit kakaibaang nakita
ko ngayon sa nayon: namumulaklak
na mga punong manga sa tabing-
daan,matatabang kalabaw nag
nagsisipanginain sa mga bukiring hindi
pa inaararo, atmga lalaki at babaing
nagsisigawa sa kanilang mga itikan.
Saan man ako tuminginay pulit-pulit
iyon: sa mga batang namimingwit,
at lalong malapit sa akin, sapawisan
at payat na kabayong humihila sa
karitela. Mandi’y kaayusan, at
ako’ynakaramdam ng pagkahiya
dahil sa paniniwala sa isang uri ng
buhay na salat sakatotohanan at
kaipala’y lisya.
Sa wakas ay nalalapit na kami sa
nayon.Naraanan naming ang isang
kiskisan, sumunod ay isang bahay-
paaralan natinitirahan ng ilang pag-
anakang nagsilikas sa pook na iyon; at
isang bahay nanababakurang mabuti ng
kaipala’y sa isang manggagamot
sapagkat may mga guhit nakrus sa pula
sa tabing ng durungawan. Dumating
kami sa tulay na kawayan;
kami’ynagsibabang lahat.
Ang mga kaangkas ko, anim silang lahat,
ay nagdaan sa maybambang at sila’y
lumusong sa tubig. Ayokong magbasa
ng paa, kaya sa tawiranako nagdaan
kahit magbayad ng isang pera sa
pagtawid.
Ilan pangsaglit at naglalakad na ako sa
pangunang lansangan nmg nayon:
nilampasanko angisang karihan at isang
butika, at pagkatapos ay isang bahay na
yari sa table atkawayan at
pinagmumulang ng mga tinig ng
nagsisipaglaro ng mahjong.
Naririnigang isang mainam na awitin
buhat sa isang bahay na malapit ngunit
hindi komatiyak kung saan, at tatlo o
apat na karitela ang yao’t ditto sa
lansangan,naghahanap ng pasahero. Sa
malayo ay nagtatago sa kabila ng hanay
ng mga dampang mga mangingisda ang
isang bahagi ng dagat-dagatan. Ang
tubig ay mulingnag-iba ng kulay; ngayon
ay mangitim-ngitim na ang dating
pinilakan.

.
Takipsilimna noo at sa kabutihang-palad
ay hindi ako nahirapan sa paghahanap
ng nais kongpatunguhan. Sa simula ay
inaakala kong yaon ay ang bahay na
nasa dulo ngnapasukan kong isang
makipot at mabatong daan na
kinaroroonan ng isang posoartesyano;
subali,nagkamali ako sapagkat hindi pa
ako nakalalayo ay narinigkong may
tumatawag sa aking pangalan, at
natalos ko agad kung sino iyon.Sumugod
na sumalubong sa akin si Nena.

You might also like