You are on page 1of 3

ANG BABAE AT ANG ASO

(Mito ng mga Higaunon/ Salin ni Dr.


Rosario B. Dizon)
Naghawan si Mampolompon ng lugar para
taniman ng maraming punla nang nagsimula
na naman ang tagtuyot kayat namatay
lamang lahat ang binhi. Sinubukan muli
niyang magtanim ng kung anu-ano pang
binhi para may makain ngunit wariy
isinumpa ni Magbabaya ang lupa dahil ang
lahat ay namatay maliban sa kawayan.
Tumaas ito nang tumaas at nang minsang
humangin nang napakalakas, ang kawayan
ay nabali. Ilang sandali pa, nakakita si
Mampolompon ng isang babae at isang aso.
Bigla siyang nagulat. Lumapit siya sa
kawayan at tiningnan itong mabuti. Sa isang
biyas ay natagpuan niya ang ilang hibla ng
buhok ng babae at sa kabilang biyas naman
ay balahibo ng aso.
Natiyak niyang ang dalawang bagong dating
ay galing sa kawayan. Nang kausapin niya
ang babae ay kinagat siya ng aso at
natuklasan niyang hindi siya makapagsalita.
Naging pipi na siya. Paulit-ulit niyang pinilit
magsalita ngunit talagang walang tinig na
lumalabas sa kanyang bibig. Sa wakas ay
nagsalita ang aso at ginawa nitong alipin si
Mampolompon.
Ikinasal ang babae at ang aso. Maya-maya
ay umulan at nababad sa tubig ang mga
natutulog na binhi. Hindi naglaon, ang magasawa ay nanganak nang marami. Sila ang

masisipag na magsasaka ng mga bukirin sa


kabundukan.
may diyos ang mga Higaonon na si
Talamuod. Isa siyang aso. Hindi alam ito ng
tagasentro kasi sila ang pumatay kay
Talamuod. Ito ang sabi ni Sungkit sa
kanyang tula:
BABALA NG MGA ANAK NG ASO
Awooo! Awoooo! Awooo! Awoooo!
Sa simula pa lamang ay magkaiba na tayo
Mula kayo kina Adan at Eba
Kina Malakas at Maganda
Samantalang kami, ang sabi ng Mito
Ay mula sa angkan ng Babae at ng Aso
Subalit hindi namin iyon itinuring na
sumpa
Ng Mahal na Panginoon, Dakilang
Magbabaya
kundi isang biyaya, isang pagpapala
Handog ng Langit, kaloob ng Lupa
Dahil kailangan naming magsa-aso
Habang naninimbang sa gulugod ng
bundok
Kapag kami ay nagtatanim
at tinatalunton ang mga pitak
Upang isaka ang mga punla
At inaog ang masaganang ani
Na siyang bubusog sa aming lahi
Anak daw kami ng Babae at ng Aso
Subalit hindi kami panay atungal at angal
Nagbanat kami ng buto
Kinuba ang likod
Pinalagutok ang mga tadyang
Kumilos kami, tuminag, gumalaw
Hindi namin tinalikuran
Ang biyayang hatag ni Magbabaya
Hinugot namin sa lupa ang ginto, tanso ,
pilak
At sinisid ang higanteng perlas sa dagat

Kasama ng mga isdang bundat na bundat


At inihatid kami sa kapatagan ng kapalaran
At maging ito ay minahal at pinagyaman
Iginalang naman ang Kalikasan
At sinuyo ang Kapayapaan
Hanggang sa dumating ang taga-kabilang
dagat
At ang yaman at puri namin ay sinalikwat
Anak kami ng Babae at ng Aso
Subalit hindi bahag ang mga buntot namin
Sanay kaming makipagbuno sa baboy-ramo
May kidlat din ang aming mga kamao
Ngunit marami sila at kamiy kakatiting
Ano ang laban ng sibat namin at palaso
Sa kanyon nilang bumubuga ng impiyerno?
Pero langit daw ang kanilang dala-dala
At pinapikit nila ang aming mga mata
Pagdilat namin ay may tangan-tangan
kaming aklat
At ang mga lupain namin ay sila na ang may
hawak
Paano nga bang ang lupa ay aangkinin?
Wala ka pa ay nariyan na ang lupa
At wala ka na, ang lupay nariyan pa rin?
Subalit iba ang katuwiran ng kanilang
sampalataya
Hindi ang katuwiran ng mga anito o mga
diwata
Ni hindi ang katuwiran ni Dakilang
Magbabaya
Nasaksihan namin iyon sa sumasambulat
na katawan
Ng aming mga magulang at kapatid
Sa pinipilipit at ginigilitang mga leeg
Sa ginagahasang kagubatan at kababaihan
Sa sinasalaulang dangal at kalikasan
Nasaksihan namin iyon, nasaksihan!
Naranasan namin iyon, naranasan!
At hinding-hindi namin iyon kalilimutan!
Kaming mga natira ay napilitang
mamundok muli
Pansamantalang itinanim sa dibdib ang
pagkamuhi

Pampalubag namin ang bulong ni


Magbabaya
Na wala sa mga kamay namin ang
paghihiganti
Sa tamang panahon, ipaniningil niya kami
Kaya sinikap namin muling mamuhay nang
payapa
Iniligpit ang galit at kamiy nagparaya
Pinagyaman muli ang natirang yuta
Payapang dibdib, payapang lupa
Payapang buhay, payapang diwa
At ilan pang mga siglo ang bumukastumiklop
Dumating-lumisan ang mga mananakop
Maitutumba kami at madadayukdok
Ang natiray aakyat sa mas mataas na
bundok
Anak kami ng Babae at ng Aso
Sinanay namin ang sarili sa tira-tira at
buto-buto
Subalit wala kaming sinumang
inaagrabyado
Ang nais lamang namin ay igalang bilang
tao
At ngayon ngay tinutugis namin ang mailap
na talino
Nangangarap din kaming ang mga anak at
inapo
Ay mabigyan ng edukasyon, mamulat,
matuto
At bakasakaling dahil dito, kamiy
matanggap nyo
Subalit singlupit pala kayo ng mga dayuhan
Di hinayaang makalipad, nagbabagwis
naming isipan
Pinasabog ang bungo namin, litid ay
ginilitan
Itinaling parang baboy, binolo, minachine
gun!
Kami raw ay makakaliwa, rebelde, pulahan
Mga anak ng asong salot sa lipunan
Subalit alam naming ang tunay ninyong
pakay

Ay bungkalin ang lupa namin at gawing


minahan!
Mga anak kami ng aso ngunit uulitin namin
sa inyo
Hindi bahag ang buntot namin, may kidlat
ang kamao
Ang aso kapag sinipa mo ay magatanong sa
iyo

Ikalawa mong tadyakan, magtatakang totoo


Subalit huwag mo nang isiping ikaw ay
makatatlo
Ang asoy manlalapa, magtago ka na sa
lungga mo!
Awooo! Awoooo! Awooo! Awoooo!

You might also like