You are on page 1of 1

FILIPINO

4 WORKSHEET
PAGBIBIGAY NG ANGKOP NA WAKAS

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap.

1. Si Jessica ay labis na mahiyain. Wala siyang kaibigan na kasakasama sa paaralan. Malimit

siyang magpuntang mag-isa sa silid-aklatan. Masaya siyang magbasa doon kahit na mag-isa
lamang siya. Isang araw, may isang batang babae na pumuwesto sa lamesa malapit sa inuupuan
ni Jessica. Tahimik siyang nagbasa at gumawa ng kanyang takdang-aralin. Nang magsasara na
ang silid-aklatan, nagkasabay si Jessica at ang batang babae na lumabas.
_________________________________________________________________________________________________________________

2. Binawalan si Mitchell ng kanyang nanay na maglaro ng bola sa loob ng kanilang bahay. Ilang
plorera, baso, at salamin na rin kasi ang nababasag ng bata sa tuwing mapapalakas ang bato
niya ng bola. Isang hapon, wala ang kanyang nanay, naisip nitong maglarong ulit sa loob ng
bahay. Mainit kasi sa labas at wala na siyang ibang maisip na gawin. Tulad ng inaasahan,
naibato niya ng malakas ang bola at tumama ito sa salamin sa labas ng banyo. Nabasag ang
salamin. Agad na winalis ni Mitchell ang mga bubog at itinapon ang mga ito sa basurahan.
Tinakpan pa niya ng ilang basura ang bubog upang maitago ito. Sa kasamaang-palad, nasagi ng
kanyang nana yang basurahan pag-uwi nito kaya nakita niya ang mga bubog ng salamin.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

3. Kumakain ang pamilya ni MJ sa isang restawran nang mapansin niya ang ilang batang nakaupo
sa labas. Nakatingin sa kaniya ang mga bata. Nakita ni MJ na madumi ang mga ito at mukhang
pagod kahit na sila ay nakaupo lamang. May isang bata na lumapit sa salamin at kumaway kay
MJ, tapos ay itinuro niya ang pagkain na nasa mesa. Maya-maya ay lumabas ang isang serbidor
at pinalayo ang bata mula sa salamin. Naawa si MJ sa mga bata. Naisip niyang baka hindi pa
kumakain ang mga ito.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

4. Sumali si Letty sa isang paligsahan ng pagbigkas ng tula. Matagal pa ay kinabisado na niya ang
tulang itatanghal niya. Sinabayan rin niya ng mga kumpas ng kamay at ekspresyon ng mukha ang
kanyang sinasabi. Minsan, tinatawag niya ang kanyang ate upang panoorin ang kanyang pagtula
at masabihan siya kung paano pa niya mapapabuti ang pagtula niya. Sa wakas, dumating na ang
araw ng paligsahan. Tahimik na inantay ni Letty na tawagin ng emcee ang kanyang pangalan.
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
Teacher Abi’s Worksheets
teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like