You are on page 1of 6

Paaralan Tanauan Institute, Inc.

Baitang 10
Guro Tamayo, Justine Lyod Asignatura Filipino
G.
Petsa Nobyembre 04, 2023 Markahan Unang markahan
Oras 60 minuto Bilang ng araw

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. F10PT-lc-d-63
Natutukoy ang mga salitang
magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.
2. F10PD-lc-d-63
Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood
na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig.
3. F10PU-lc-d-66
Naitatala ang mga impormasyon tungkol
sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig.
A. Pamantayan sa Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na
pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto F10PN-Ic-d-64
Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at
pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.

D. Pinakamahalagang kasanayan sa F10PN-Ic-d-64


pagkatuto(MELC) Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at
(kung mayroon, isulat ang pantulong na mga ideya sa napakinggang
pinakamahalagang kasanayan sa impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.
pagkatuto o MELC) F10PT-Ic-d-63
Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o
magkakaugnay ang kahulugan
F10PB-Ic-d-64
Nabibigyang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya
sa tinalakay na akda
E. Pagpapaganang Kasanayan
(kung mayroon, isulat ang
Pagpapaganang Kasanayan)
II. NILALAMAN SANAYSAY
III. KAGAMITANG PANTURO Slide decks, laptop, TV
A. Mga Sanggunian FILIPINO 10 Unang Markahan-Modyul 3: Mga
akdang Pampanitikan ng Mediterranean
Sanaysay
a. Mga pahina sa gabay ng guro FILIPINO 10 Unang Markahan-Modyul 3: Mga
akdang Pampanitikan ng Mediterranean
Sanaysay (pahina 6-7)
b. Mga pahina sa gabay pang mag- FILIPINO 10 Unang Markahan-Modyul 3: Mga
aaral akdang Pampanitikan ng Mediterranean
Sanaysay(pahina 4-5)
c. Mga pahina sa teksbuk
d. Karagdagang kagamitan mula sa  Papel
portal ng learning resource  Ballpen
A. Listahan ng mga kagamitang panturo  Laptop
para sa mga Gawain sa pagpapaunlad at  Slide decks
pakikipagpalihan  TV
 Module
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
PANGUNAHING GAWAIN
Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.
Ito’y pangungunahan ni…. Sa ngalan ng ama, anak, Espiritu, santo, Amen.

Pagbati
Magandang Hapon mga bata.
Magandang hapon din po sir.
Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo, maaari niyo bang pulutin ang
mga kalat sa harap, ilalim, at gilid ng inyong (Aayusin ng mga mag-aaral ang kani-kanilang
upuan? puwesto)

Maaari na kayong maupo.

Pagtukoy sa mga lumiban


May lumiban ba sa ating klase ngayong araw?
Wala po sir!
Mabuti naman at walang lumiban sa inyo.

Balik-aral
Bago tayo tumungo sa ating paksa ngayong araw,
Nais ko kayong tanungin kung may nakakaalala
ba sa ating pinag- aralan nung nakaraan?
Tungkol po sa Parabula
Mahusay! Mabuti naman at inyong naalala ang
ating paksa nung nakaraan.
A. PAGGANYAK
Gawain 1. Hanap-Salita
Hahanapin ninyo at salungguhitan ang mga
sumusunod na salita.

SANAYSAY
OPINYON
PORMAL

Nahanap niyo ba ang mga salita?


Opo sir
Mahusay! Ang tatlong yan ay konektado sa ating
magiging paksa ngayong araw.

B. PAGPAPAUNLAD (development)
Ngayon, ay tutungo na tayo sa ating talakayan.

SANAYSAY
Ang Sanaysay ay isang maiksing komposisyon na
kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro
o opinyon ng may akda.

TATLONG BAHAGI NG SANAYSAY


1. PANIMULA
Sa bahaging ito madalas inilalahad ang
pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at
kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
Nakapaloob din dito na makakapag-isip ang
mambabasa kung ipagpapatuloy pa niya ang
pagbabasa.

2. GITNA O KATAWAN
Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng
tinalakay na paksa upang mapatunayan ang
inilahad na pangunahing kaisipan.

3. WAKAS
Nakapaloob sa bahaging ito ang buong kabuuan
ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya
tungkol sa paksa batay sa mga katibayan.

DALAWANG URI NG SANAYSAY


 Pormal o Maanyo
Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay.

 DI PORMAL
Ang di pormal na sanaysay ay isang anyo
ng pagsulat na nagbibigay daan sa mga
manunulat na maipahayag ang kanilang
mga opinyon, karanasan, at damdamin
nang hindi kinakailangang sumunod sa
malalim na istruktura o pamantayan ng
pagsusulat.

Ngayon naman ay ating papanoorin ang


“Alegorya ng Yungib” ni Plato

https://youtu.be/60fTjCGeCqo?si=R8EcAIy9ejvi_FUj

Naintindihan ba ang ating paksa ngayong


araw? Opo sir

Kung talagang nakinig kayo, Ano ang


sanaysay? (tatawag ng estudyante).

Ano naman ang tatlong bahagi ng


sanaysay? (tatawag ng estudyante)

Ano naman ang dalawang uri ng


sanaysay? (tatawag ng estudyante)

Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating


talakayan ngayong araw.
C. PAKIKIPAGPALIHAN (engagement)
Panuto: Para sa inyong pangkatang
gawain, kayo ay igugrupo ko sa tatlo.
Gumawa kayo ng sanaysay patungkol sa
mga napapanahong isyu sa ating
bansa(hal. Covid 19, Eleksyon 2023) at I
presenta ito sa harap ng klase.

D. PAGLALAPAT (assimilation)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Isang pilosopo na sumulat ng
“Alegorya ng yungib”
a. Aristotle
b. Plato
c. Pythagoras
d. Socrates

2. Ang sanaysay na “Alegorya ng


yungib” ay isang halimbawa ng?
a. Di-pormal
b. Pormal
c. Walang tema
d. Walang wakas

3. Ano ang paksa ng “Alegorya ng


yungib”
a. Pagiging bilanggo
b. Pagiging masaya
c. Pagiging malaya
d. Pagiging matalino

4. Akdang pampanitikan na naglalahad


ng pananaw o opinyon ng may akda
a. Dula
b. Sanaysay
c. Maikling kuwento
d. Parabula

5. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa


mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-
aaral
a. Di pormal
b. Panimula
c. Pormal
d. Tema

E. PAGNILAY
Ano ang iyong opinyon patungkol sa ating
paksa ngayong araw?

TAKDANG ARALIN
Gumawa ng sanaysay patungkol sa
nagaganap sa Israel.

Inihanda ni:

Justine Lyod G. Tamayo

Ipinasa kay:

Ellen P. Toldanes

You might also like