You are on page 1of 3

3rd Quarter Reviewer

I. Mga salik sa pagbagsak ng Imperyong Roma at Epekto nito


A. Pagbaba ng Moralidad
➢ Ang mga tao ay maaaring mawalan ng tiwala at pagkakaisa, na maaaring
magresulta sa pagsabog ng pagkakakilanlan at pag-aaklas.
B. Kakulangan ng mga tapat at may kakayahan na pinuno
➢ Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin, nahati ang Lipunan sa
dalawang panig ng Lipunan: mayayaman at maliliit na mamamayan
C. Paglubha ng krisis pangkabuhayan
➢ Ito ay maaaring nagdulot ng pagbaba ng kalakalan, na nagreresulta sa
kakulangan sa suplay ng mga kalakalang pangangailangan ng mamamayan
➢ Ang pagbagsak ng ekonomiya ay maaaring nagresulta sa mas mataas na
buwis at pagpapahirap sa mamamayan upang mapunan ang kakulangan sa
kita ng estado.
D. Paghina ng hukbong Romano
➢ Ang korupsyon sa loob ng militar ay maaaring nagdulot ng kakulangan sa
disiplina at kawalan ng suporta mula sa karamihan ng hukbo. Ito ay maaaring
nagpapababa ng morale at kakayahan ng militar.
➢ Upang mapanatili ang kapayapaan at kapanatagan sa pagitan ng mga
barbaro at Imperyong Roma, hinayaan nilang manatili ang mga ito kapalit
ng Pagsapi sa relihiyong Katolisismo

II. Ipluwensya ng Simbahang Katoliko sa pagbagsak ng Imperyong Romano


1. Pag-usbong ng mga Monghe: Itinatag ang mga monasteryo na tumalikod sa mga
makamundong buhay ng mga Pari at mapalapit sa mga komunindad
2. Napagpatibay ang batas moral at pangangalaga sa mga mahihirap
3. Pagpapayaman ng mga agrikultura malapit sa mga monasteryo
4. Pag-iingat sa mga karunungang klasikal ng sinaunang Romano at Griyego
5. Pakikibahagi sa paglilingkod sa mga nangangailangan

III. Piyudalismo at Manoryalismo ; Bourgeoise at Guilds


A. Piyudalismo
➢ Sistema ng pulitika na nagpapakita ng mga ugnayan ng kapangyarihan,
tungkulin, at pangkabuhayan sa pagitan ng mga hari, mga panginoon, at ang
kanilang mga alipin o serf
➢ Naging matibay at sistematiko ang mga tungkulin at responsibilidad ng Hari,
Basalyo, at Kabalyero sa sistemang piyudalismo sa pamamagitan ng
kasumpaan at kodigo ng karangalan na kailangang tuparin
➢ Nagbabahagi ang Hari ng lupain sa mga basalyo dahil sila ang
mangangasiwa sa mga kabalyero na magtatanggol sa kaharian
➢ Ang Code of Knighthood ay isang kodigo na naglalaman ng mga moral na
prinsipyo at panuntunan na nagtakda ng tamang pag-uugali at
responsibilidad ng isang kabalyero sa ilalim ng sistemang piyudal
B. Manoryalismo
➢ Tawag sa agricultural ng sistema kung saan ang lupa ay nahahati at
kontrolado ng mga panginoon ng lupa na pinagtatrabahuhan ng
mga serf?
➢ Ang relasyon na mayroon ang lord at magsasaka sa sistemang
manoryalismo ay may layuning masustentuhan ang pangangailangan ng
buong komunidad

C. Bourgeoise
➢ Maituturing na middle class na nagkaroon ng pangunahing interes sa
pakikipagkalakalan
➢ Naging malaking salik sap ag-unlad ng Lipunan ang pagkakaroon ng
oportunidad ng mga bourgeoisie na makapag-aral sa unibersidad dahil
sila ang nagtaguyod ng liberalismo mula sa anino ng piyudalismo
➢ Kabilang sila sa nagpasimula ng pagbabangko na nag-umpisa sa
pagtatag ng mga money changer

D. Merchant at Crafts Guilds


➢ Merchant Guilds - ang tawag sa samahan ng mga mangangalakal o
negosyante sa gitnang panahon ng Europa na may layuning
proteksyonan at ipagpabuti ng mga interes ng kanilang mga negosyo at
pangangalakal
➢ Crafts Guilds - tawag sa samahan ng mga artisan na nagpapalaganap
ng mga pamantayan sa kalidad at pagpapasigla ng kasanayan sa
kanilang larangan

IV. Renaissance
1. Francesco Petrarch - itinaguriang “Ama ng Humanismo” at kilala rin sa kanyang
“His Sonnets to Laura” na isang tula ng pag-ibig
2. William Shakespeare - itinaguriang “Makata ng mga Makata” at kilala rin sa
kanyang mga dula katulad ng “Romeo at Juliet”, “Hamlet”, “Julius Caesar”
3. Desiderious Erasmus - ang itinaguriang “Prinsipe ng Humanista” at kilala rin sa
kanyang akdang “In Praise of Folly” na tumutuligsa sa hindi mabuting gawa ng
mga pari at mga karaniwang tao
4. Thomas Moore - manunulat na nag-akda ng “Utopia” na naglalahad ng isang
huwarang Lipunan na kung saan ang lahat ay pantay-pantay at masaganang
namumuhay

V. Repormasyon at Kontra – Repormasyon


A. Repormasyon
➢ Ang pangunahing naging hakbang ng mga Repormista upang
mapalaganap ang Protestantismo ay paglimbag ng mga bibliya
B. Kontra – Repormasyon
➢ Inilunsad ang Kontra-Repormasyon upang mapalakas ang doktrina at
spiritual na integridad ng Simbahang Katoliko. Ang transubstantiation ay
doktrina ng Simbahang Katoliko kung saan pinaniniwalaang ang tinapay
at alak ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Hesukristo sa ilalim ng
anyo ng tinapay at alak
➢ Ginamit ng Council of Trent ang sining at literatura sa pagkakaroon ng
malalim na koneksyon sa pananampalataya sa pagpukaw ng emosyon
ng mga tao
➢ Napagtibay ni Ignatius Loyola ang integridad ng mga Paring Heswita ang
Pagtuturo ng mahigpit na disiplina sa mga paring Heswita
➢ Ang isa sa mga mahahalagang ambag ng mga paring Heswita sa
kasalukuyan ay Pagtatatag ng mga Katolikong paaralan at unibersidad

You might also like