You are on page 1of 29

ARALING PANLIPUNAN 8

Grade 8
SKILLS PROGRESSION
IKATLONG MARKAHAN

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat teksto at saguting ang


mga sumusunod na tanong.

WEEK 1
DAY 1-3
NOBYEMBRE 02-04
PAKSA: PAG-USBONG NG BOURGEOISIE, MERKANTILISMO, NATIONAL
MONARCHY, RENAISSANCE, SIMBAHANG KATOLIKO AT
REPORMASYON

TEKSTO I: Ang bourgeoisie ay mamamayan ng bayan sa Medieval France na


binubuo ng artisan at mangangalakal.Ang daigdig nila ay hindi ang manor o
simbahan kundi ang pamilihan.Naging makapangyarihan sila sa huling bahagi
ng ika-17 siglo.Ang kanilang kapangyarihan ay bunga ng kayamanan at
pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord.Noong ika-19 siglo nakamit ng
mga bourgeoisie ang karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang posibleng katangian at kakayahan ng mga bourgeoisie?


A. Sila’y mga taong masalapi at negosyante
B. Sila’y mga taong matatalino at sikolar
C. Sila’y mga taong matatapat
D.Sila’y mga taong mapanglamang sa kapwa

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang naging bunga ng kapangyarihan ng mga bourgeosie?


A.Dito nabuo ang kanilang kabuhayan
B. Dito nabuo ang kayamanan at pakikipag alyansa
C. Dito nabuo ang karapatang politikal at panrelihiyon
D. Dito nabuo ang pagtataguyod ng liberalism

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaring kinahinatnan ng kasalukuyang lipunan, kung walang mga


umusbong na mga bourgeoisie?
A. Uunlad ang pamumuhay ng kasalukuyang lipunan
B. Maging makapangyarihan ang manunungkulan sa lipunan
C. Magkaroon ng paghahati hati sa kapangyarihan
D. Mahihirapan sa pag-unlad ang kasalukuyang lipunan
TEKSTO II: Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na
lumaganap sa Europe. Naghangad ang maraming bansa ng maraming ginto at
pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan. Isang halimbawa ng
bansang yumaman sa sistema ng merkantilismo ay ang Spain. Maraming
mahahalagang ginto at pilak ang kanilang natamo mula sa kanilang masiglang
kalakalan ng kolonya.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Saang pahayag maiuugnay ang kahulugan ng merkantilismo?


A. Ang merkantilismo ay ang paggamit ng bullion bilang batayan ng
palitan ng produkto.
B. Ang merkantilismo ay ang paggamit ng produkto bilang kapalit ng
ibang produkto.
C. Ang merkantilismo ay ang paggamit ng lakas ng isang bansa sa
palitan ng produkto.
D. Ang merkantilismo ay ang paggamit ng seda sa palitan ng produkto.

CAUSE AND EFFECT

2. Dahil sa paglaganap ng merkantilismo sa kabuuan ng Europe sa nong


pangyayari sumasalamin ang positibong epekto nito?
A. Sa pamamagitan ng merkantilismo, nagkaroon ng pamantayan sa
halaga ng palitan ng produkto.
B. Sa pamamagitan ng merkantilismo, nagkaroon ng ginto, pilak at
tanso sa bawat bansa.
C. Sa pamamagitan ng merkantilismo, naging mangangalakal ang
mga mamamayan ng bawat bansa.
D. Sa pamamagitan ng merkantilismo, naging mapanganib ang
pakikipagkalakalan.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kahinatnan kung hindi ipinatupad ang patakarang


merkantilismo?
A. Nagkaroon ng pantay-pantay na kapangyarihan ang bawat bansa.
B. Nagkaroon ng absolute na kapangyarihan ang hari at reyna.
C. Walang mayaman at walang mahirap.
D. Walang malinaw na batayan ang halaga ng palitan ng mga
produkto.
WEEK 2
DAY 1-3
NOBYEMBRE 07-09
PAKSA: PAG-USBONG NG BOURGEOISIE, MERKANTILISMO, NATIONAL
MONARCHY, RENAISSANCE, SIMBAHANG KATOLIKO AT
REPORMASYON

TEKSTO I: Ang National Monarchy, pambansang monarkiya ay isang uri ng


pamahalaang pinamumunuan ng hari, reyna at mga kauri nito. Ang hari na
dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa
pamamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na
pamahalaan. Humirang ang hari ng mamamayang nagpapatupad ng batas at
paglilitis sa may mga sala at humirang din siya ng mamamayan bilang kolektor
ng buwis, sekretarya at administrador.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang pakahulugan sa National Monarchy o pambansang monarkiya?


A. Ito ang pamahalaang pinamumunuan ng hari at reyna at mga kauri
nito.
B. Ito ay uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng hinirang na
president.
C. Ito ay uri ng pmahalaan na pinamumunuan ng pangulo, Prime
minister at Senado
D. Ito ay uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng mamamayan.

CAUSE AND EFFECT

2. Sa paglakas ng kabuhayan ng mga mamamayan particular na ang mga


bourgeoisie, ano ang maaring maging papel nila sa pamahalaan ng hari?
A. Sila ay maaaring maging kanang kamay ng hari at magiging
katuwang sa pamamalakad ng monarkiya.
B. Sila ay maaaring atasan bilang tagapagsagawa ng batas, hukom
ng administrador at sekretarya.
C. Sila ay maaaring maging kamag-anakan ng hari na siyang papalit
sa pwesto nito.
D. Sila ay maaaring maging ulo ng hari upang diktahan ang hari sa
bawat galaw nito.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kahinatnan kung ang kapangyarihan sa Pambansang


Monarkiya ay absolutong hawak ng hari o reyna.
A. Magkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pamumuno ng
hari at reyna.
B. Magkakaroon ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mamamayan at
ng hari.
C. Magkakaroon ng kumpetensya sa pagitan ng pinuno at
mamamayan.
D. Magkakaroon ng pagkontrol ng kapangyarihan ng hari o reyna sa
pagpapatakbo ng pambansang monarkiya.
TEKSTO II: Ang Renaissance ay isang yugto sa kasaysayan ng Europa
na nagsimula sa Italy noong huling bahagi ng panahong Medieval.
Binuhay ng Renaissance ang klasikal na kultura ng Greece at Rome.
Naghatid ng malawak at mayamang pagbabago ang Renaissance sa
daigdig. Sa tulong ng mga Humanista, nabigyang-diin sa kanilang pag-
aaral ang kagalingan at kagandahan ng buhay dito sa mundo. Tinago ng
mga humanista ang mga maling paniniwala s pamamagitan ng
paggising sa kaisipan at damdamin sa panahon ng Renaissance.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Anong katangian ang tinataglay ng Italya kaya’t dito nagsimula ang


Renaissance?
A. Estratehiko ang lokasyon ng Italy sa Europe
B. Matatalino ang mga Italyano sa iba’t ibang larangan
C. Ang mga Italyano ay malapit na tagapagmana ng kultura ng
Greece at Rome
D. Mataas ang pagtingin ng mga Italyano sa kanilang sarili

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang maaaring magandang bunga ng ginampananang papel ng mga


Humanista sa Panahon ng Renaissance?
A. Pinaunlad ang kahalagahan ng tao sa lipunan
B. Binigyang-pansin ang pagkakaroon ng kapangyarihan
C. Itinuon ang pansin sa pagpapayaman at katanyagan
D. Ginawang sentro ng buhay ang relihiyong Katoliko

PREDICT OUTCOME

3. Kung sa Asya naganap ang Renaissance, ano ang posibleng maging


kahinatnan ng kontinente?
A. Lumaganap ang pagbabagong cultural sa lipunan
B. Di naisagawa ang kolonyalisasyon sa mga bansa
C. Nakamit ng Asya ang katanyagan
D. Nakilala ang Asya bilang kontinenteng mayaman
WEEK 3
DAY 1-3
NOBYEMBRE 14-16
PAKSA: PAG-USBONG NG BOURGEOISIE, MERKANTILISMO, NATIONAL
MONARCHY, RENAISSANCE, SIMBAHANG KATOLIKO AT
REPORMASYON

TEKSTO I: Isang grupo ng mga mag-aaral ang bumisita sa isang eksibit


kung saan masasaksihan ang mga pinta ng mga tanyag na pintor.
Namangha sila sa ganda at husay ng mga obra maestra.Kabilang sa mga
pinta ang Monalisa at Last Supper ni Leonardo Da Vinci, “Madonna and the
Child” ni Raphael Santi at “Last Judgement” ni Michaelangelo. Nagsilbing
inspirasyon ang mga ito sa mga mag-aaral.

IDENTIFY ASSCOCIATION

1. Saang larangan nag-iwan ng pamana sina Micahelangelo Bounarotti,


Leonardo Da Vinci at Raphael Santi?
A. Siyensya
B. Matematika
C. Pagpipinta
D. Kasaysayan

CAUSE AND EFFECT

2. Sa paglakas ng kapangyarihan ng simbahan, paano pinahalagahan ng


mga pinto ang kanilang obra maestra?
A. Ang kanilang obra ay patungkol sa Katolisismo
B. Ang kanilang obra maestra ay tumutukoy sa kanilang damdamin
C. Ang bawat obra maestra nila ay nagpapahayag ng paghanga sa
hari
D. Ang bawat obra maestra nila ay may kinalaman sagawain ng tao
at sa Katolisismo

PREDICT OUTCOME

3. Sa paglikha ng kanilang obra maestra, ano ang mahalagang isinalang-


alang ng mga pintor sa kanilang mga likha?
A. Ito ay tungkol sa kanilang damdamin, karanasan, at nakikita sa
paligid.
B. Ito ay patungkol sa kanilang gusto lamang
C. Ito ay tungkol sa sabi-sabi ng mga tao sa paligid nila.
D. Ito ay tungkol sa sinasabi ng hari
TEKSTO II: Sa pagsapit ng kalagitnaang panahon, lumakas ang
impluwensya ng Simbahang Katoliko. Bilang may hawak ng
pinakamataas na posisyon sa Simbahan, naging
pinakamakapangyarihan ang Santo Papa. Halos lahat ng sector sa
lipunan ay siya ang nasususnod, subalit hindi lahat ay pumabor dito.
Isa na rito si Martin Luther na nagpasimula ng pagtutol sa ilang
katuruan at kautusan ng Simbahan. ang pagtutuol na ito ay tinawag
na repormasyon isang kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan
mula ika 14 hanggang ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati
ng Simbahang Katoliko.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Sa mga sumusunod na pahayag ano ang pinakaangkop na kahulugan ng


repormasyon?
A. Pagsisimula ng paglakas ng impluwensya ng simbahang katoliko
B. Pagnanais ng mga repormista ng pagbabago sa katuruan at
kautusan ng Simbahan
C. Paghahalal ng panibagong Santo Papa para mamuno sa Simbahan
D. Malawakang pagpaslang sa mga Kristiyanong sumalungat sa turo
ng Simbahan.

CAUSE AND EFFECT

2. Bakit ang repormasyon ang naging dahilan ng pagbabago ng Simbahang


Katoliko?
A. Dahil ang mga repormista ay nagmula sa Simbahang Katoliko na
may pagmamahal pa rin sa kanilang pinagmulang relihiyon
B. Dahil sa hamon ng repormasyon, nanumbalik ang Simbahan sa
orihinal nitong tungkuling ispiritwal
C. Dahil sa repormasyon, naging maingat ang mga alagad ng
Simbahan sa kanilang pakikitungo sa iba.
D. Dahil marami ang naniniwala sa mga repormista, naisip ng
Simbahan na bawiin ang mga tagasunod nito.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang posibleng mangyari sa Simbahang Katoliko, kung hindi tinuligsa


ni Martin Luther ang ilang katuruan at kautusan ng katolisismo?
A. Pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon sa mundo
B. Maaring lalakas ang Simbahang Katoliko
C. Hindi maitutuwid ang ilang katuruan at kautusan
D. Hihina ang kapangyarihan ng simbahang katoliko
WEEK 4
DAY 1-3
NOBYEMBRE 21-23
PAKSA: PAG-USBONG NG BOURGEOISIE, MERKANTILISMO, NATIONAL
MONARCHY, RENAISSANCE, SIMBAHANG KATOLIKO AT
REPORMASYON

TEKSTO I: Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng bourgeoisie sa


buhay ng mga aristokrasya, mga magsasaka o mga pari. Sila ay binubuo
ng mangangalakal, banker, ship owner, mamumuhunan at mga
negosyante. Dahil sa kanilang pagnanais na makaalis sa anino ng
pyudalismo nakamit nila ang kalayaan sa ika-19 na siglo.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Dahil sa kanilang pagsisikap nabago ang uri ng pamumuhay ng mga


bourgeoisie. Sa kasalukuyan saan maiuugnay ang uri ng pamumuhay ng
bourgeoisie?

A. Mahihirap
B. Mayayaman
C. Pulubi
D. Sikat

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang maaring maging epekto ng pagnenegosyo sa pamumuhay ng tao


na napapabilang sa panggitnang uri sa lipunan?
A. Pagtataas ang antas ng pamumuhay
B. Pagdami ng utang
C. Magreresulta ng pang aalipin
D. Magiging sikat sa lipunan.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaring kahihinatnan ng lipunan kapag walang mga bourgeoisie


na naninirahan dto?
A. Hihina ang ekonomiya
B. Lalakas ang ekonomiya
C. Bibilis ang kalakalan
D. Uunlad ang pamayanan
TEKSTO II: Ang doktrinang bullionism ay sentral na teorya ng
merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa
ay nasusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.
Ito ay nagbigay-daan sa malaking kita upang mapondohan ang paggawa
ng mga barko, pagbuo ng hukbo at magkaroon ng kapangyarihan sa
daigdig.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Batay sa binasang teksto, ano ang pinakamalapit sa kasingkahulugan ng


merkantilismo?
A. Kung maraming buwis, lalaki ang kita ng bansa
B. Kung maraming mangangalakal, mas yayaman ang bansa.
C. Kung malawak ang teritoryo mas uunlad ang bansa.
D. Kung maraming manggagawa, mas magtatagumpay ang bansa.

CAUSE AND EFFECT

2. Dahil sa sistemang bullionism,ano ang pinakamahalagang naiambag nito


sa sistemang merkantilismo?
A. Dumarami ang bilang ng ginto at pilak sa isang bansa.
B. Dumarami ang bilang ng mayayaman sa isang bansa
C. Dumarami ang mapagkukunan ng pangangailangan ng bansa.
D. Dumarami ang mapagkukunan ng ginto at pilak ng bansa.

PREDICT OUTCOME

3. Sa kasalukuyang panahon, ano ang maaaringg kahinatnan kung hindi


naging matagumpay ang mga hari sa pagpondo ng paggawa ng mga
barko at pagbuo ng hukbo.
A. Hindi magkakaroon ng halaga ang mga mineral sa bawat bansa.
B. Hindi magkakaroon ng pagkakakilanlan ang kapangyarihan ang
mga hari ng bawat bansa.
C. Hindi magkaroon ng kakayahan ang hari ng mga bansa sa
pagtugonn sa pangangailangan ng bansa.
D. Hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga bansa na makilala sa
pakikipagkalakalan.
TEKSTO III: Ang naging mahalagang papel ng National Monarchy sa
paglakas ng Europe. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng matatag at
sentralisadong pamamahala at ang pagtatatagng mga Nation-State -
ang magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan. Naging
mahalagang katangian ng nation-state ang pagkakaroon ng
sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang
monarkiya. Dito rin nagsimula ang mga institusyon ng burukrasya sa
mga opisyal o kauri na may kasanayan para patakbuhin ang
pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Dahil sa pangyayaring
ito, nabuo sa Europe ang bagong institusyong pampolitika,
panlipunan at pang-ekonomiya.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Paano nailalarawan ng mga mamamayan ang pagkabuo ng isang Nation-


State?`
A. May paggalang sa isat-isa
B. May pagmamahal sa kapwa
C. May pagkakaunawaan
D. May pagtitiwala sa isa’t isa

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong


pamamahala?
A. Magkakaroon ng tamang daloy sa pagpapatakbo ng pamamahala
sa pamahalaan.
B. Magkakaroon ng dibisyon sa bawat antas ng pamumuhay.
C. Magkakaroon ng di-pagkakapantay-pantay na trato sa
pamahalaan.
D. Magkakaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mamamayan
at hari o reyna na namumuno.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaring maging epekto kung hindi naitatag ang nation-state?
A. Hindi magkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan.
B. Hindi pagkakaroon ng institusyong pampulitika panlipunan at pang-
ekonomiya
C. Hindi mabubuo ang agarang pag-unlad ng Europe sa kabuuan.
D. Hindi magkakaroon ng pagkakaisa ang tao at pamahalaan.
TEKSTO IV: Ang Renaissance ay tumutukoy sa muling pagsilang o
rebirth ng kulturang klasikal ng Greece at Rome na sumibol sa bansang
Italy. Nagbunga ito ng magagaling na Siyentista tulad nina Isaac Newton,
Galileo at Copernicus, pintor, mga paham sa iba’t ibang larangan ng
sining. Binago ng Renaissance ang pananaw at kultura ng Europe noon at
maging sa kasalukuyan. Naging mapagmasid ang mga kababaihan dahil
sa kanilang karapatan naipamalas nila ang kanilang talento, hindi ito
naging hadlang sa kanilang propesyon.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang naglalarawan sa katangian ng mga kababaihan sa Panahon ng


Renaissance?
A. Alam nila ang kanilang gusto
B. Nakikiaalam sila sa lipunan.
C. Ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan
D. Nilinang ng mga kababaihan ang kanilang talino at kakayahan

CAUSE AND EFFECT

2. Dahil sa mga siyentista sa panahon ng Renaissance, ano ang


pinakamahalagang naiambag nila sa kanilang pamumuhay?
A. Pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng hanap buhay
B. Nagkaroon ng mga sikat na tao sa panahon ng Renaissance
C. Nagkaroon ng bagong pananaw ang tao sa larangan ng medisina
D. Nagkaroon ng iba’t ibang pangkat ng tao sa lipunan

PREDICT OUTCOME

3. Sa kasalukuyan, ano ang maaring maganap sa ating mundo kung di


naging matagumpay ang mga mahahalagang personalidad sa
panahon ng Renaissance?
A. Nakatuon ang mga tao sa mga tradisyunal na gawain
B. Nakatuon sa mabagal na pagsulong ng pamumuhay ang bawat
bansa
C. Nakatuon ang tao sa kanilang maling pananaw at paniniwala
D. Nakatuon sa pang-aangkin ng mga lupain o kolonya ang mga tao.
TEKSTO V: Ang Simbahan ang sentro ng debosyon. Ang Simbahan din
ang tumutuligsa ng pang-aabuso ng mga hari. Samakatuwid, simbahan
ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages.
Ito rin ang nagtatakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at
moralidad. At ngayon, mahalaga ang naging papel sa paglakas ng
Europe sa pangunguna ng simbahan nabuo ang imahen ng Europe
bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Saan maiuugnay ang tumpak na kahulugan ng simbahan?


A. Pinakamakapangyarihan sa lahat ng nasasakupan na bansa
B. Maimpluwensyang institusyon sa lipunan
C. Tagahubog ng asal/moral ng tao
D. Nagpapayo sa maling gawain ng tao

CAUSE AND EFFECT

2. Sa paglakas ng simbahan sa Europe, ano ang naging epekto nito?


A. Nakilala ang Europe sa buong mundo
B. Umunlad ang Europe sa iba’t ibang larangan
C. Naging makapangyarihan ang Europe sa daigdig
D. Tagapaghubog ng moral ng mga Europeo

PREDICT OUTCOME

3. Paano naimpluwensyahan ng simbahan ang kasalukuyan?


A. Oo,dahil ang simbahan ang nagtuturo ng wastong pag-uugali at
moralidad.
B. Oo, dahil ang simbahan ang humuhubog sa tamang kaasalan
ng tao.
C. Oo, ang simbahan ang nagsisilbing tagapangalaga ng bawat
mamamayan.
D. Oo, dahil ang simbahan ang nagtuturo kung paano tayo
kumilala sa Panginoong Diyos.
TEKSTO VI: Ang repormasyon ay isang kilusang panrelihiyon na
naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay
katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kristiyanismo mula
ika-14-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang
katoliko. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga protestante sa
Simbahang Katoliko Romano, gayunpaman, hindi nagpabaya ang
mga katoliko, nagsagawa sila ng kontra-repormasyon bilang tugon
sa pagbabatikos ng mga repormista.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Saan maiuugnay na pahayag ang naglalarawan sa salitang repormasyon?


A. isang kilusang panrelihiyon na naglalayong palawigin ang
kapangyarihan ng Papa
B. Isang kilusang panrelihiyon na naglalayong humingi /manghingi ng
indulhensya plonarya
C. Isang kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma
sa simbahang katoliko
D. Isang kilusang panrelihiyon na naglalayong magsagawa ng
pagpupulong para sa miyembro nito

CAUSE AND EFFECT

2. Sa mga sumusunod na pangyayari, ano ang pinakanagpatindi sa silakbo


ng damdamin ng protestante Kontra-Katolliko?
A. Pagnanais ng mga Protestante sa mga reporma sa simbahang
Romano
B. Pagnanais ng Protestante ng isang bagong relihiyon
C. Pagnanais ng Protestante na maalis ang Papa sa kapangyarihan
D. Pagnanais ng mga protestante na alisin ang indulhensya

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaring maging bunga kung hindi binago ng Simbahang


Romano ang mga binabatikos ng mga repormista?
A. Maaring mawalan ng nang mananampalataya sa katoliko at
pumanig na sa Protestante
B. Maaring mapanatili ang problema hanggang sa kasalukuyang
panahon
C. Maaaring hindi tatagal ang Simbahang Katoliko
D. Maaring ang mga Katoliko ay sasapi na lang sa Protestante
WEEK 5
DAY 1-3
NOBYEMBRE 28-30
PAKSA: UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON

TEKSTO I: Nagsimula ang unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon


noong ika-15 siglo. Maraming bansa ang naghangad na makapaglayag at
makatuklas ng mga bagong lupain bunsod ng iba’t ibang salik at motibo.
Nagpaligsahan ang bawat bansa ng dahil sa pansariling interes sa
kapangyarihan, kayamanan at relihiyon.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang tumutukoy sa pang-ekonomikong motibo ng eksplorasyon?

A. Ang layuning magpalaganap ng relihiyong katolisismo


B. Ang paghahangad na maging tanyag
C. Ang naising maibahagi ang mga makabagong kaalaman sa mga
bansa
D. Ang pangangailangan ng mga Europeo sa mga hilaw na
materyales para sa produksyon

CAUSE AND EFFECT

2. Paano nakaimpluwensiya ang Renaissance sa pagsisimula ng


eksplorasyon?

A. Ang suportang mula sa monarkiya noong Panahon ng


Renaissance ang nagbunsod ng paglalakbay.
B. Natuklasan ng mga tao ang mga makabagong kaalaman at teorya
tungkol sa sansinukob.
C. Ang pagkatuklas ng mga imbensiyon gaya ng compass, astrolabe
at mapa na nakatulong sa pagtuklas ng mga bagong lupain.
D. Ang pagiging mausisa sa mga bagay—bagay.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang kahihinatnan kung patuloy ang mga makapangyarihang bansa sa


pagpapatupad ng patakarang imperyalismo at kolonyalismo?

A. Lalong sisigla ang kalakalan sa Europa


B. Mapapalaganap ang kulturang kanluranin
C. Mas maraming bansa ang makokontrol at masasakop
D. Higit na magiging makapangyarihan at mayaman ang mga
bansang nagpapatupad nito
TEKSTO II: Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na
nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang
makahanap ng mga spices at ginto. Sinundan ito ng pagtuklas ng Espanya
sa pangunguna ni Christopher Colommbus nang matuklasan nito ang
bagong daigdig. Dahil sa lumalalang paligsahan ng Portugal at Espanya,
humingi sila ng tulong kay Pope Alexander VI na nagbunga sa paghahati
ng mundo na tinawag na Kasunduang Tordesillas. Marami pa ang mga
sumunod na manlalakbay gaya nina Ferdinand Magellan at Henry Hudson
para sa pagpapalawak ng kapangyarihan.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Paano nakaimpluwensya ang Simbahang Katoliko sa pagkakasundo ng


Espanya at Portugal?

A. HInikayat ng Simbahan na sila ay magkaisa..


B. Ipinag-utos ng Papa ang pagkakasundo ng Espanya at Portugal.
C. Iminungkahi ng Simbahan na magparaya ang isang bansa.
D. Ipinatupad ng Papa ang Kasunduan ng Tordesillas.

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang ibinunga ng pagpapaligsahan ng Espanya at Portugal sa


pagpapalawak ng lupain?

A. Naging maunlad ang Europa.


B. Nakatuklas ng mga bagong lupain.
C. “Nahati” ang mundo sa Espanya at Portugal.
D. Nagkaroon ng digmaan.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kahinatnan ng Espanya at Portugal kung hindi


naipatupad ang Kasunduang Tordesilla?

A. Maraming bansa ang nakapagpanatili ng kanilang katutubong


kultura.
B. Patuloy ang paniniwala ng mga bansa sa silangan sa kanilang mga
sinaunang pilosopiya.
C. Patuloy ang hidwaan sa pagitan ng Espanya at Portugal na kapwa
tagapagtaguyod ng Katolisismo.
D. Napagtibay ang relasyon ng Espanya at Portugal.
WEEK 6
DAY 1-3
DISYEMBRE 05-07

PAKSA: DAHILAN AT EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT


KOLONISASYON

TEKSTO I: Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang


pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Naging sentro ng
kalakalan ang mga pantalan sa mga baybay-dagat ng maraming bansa sa
baybayin ng Atlantic. Bunga nito, higit na dumagsa ang mga kalakal at
spices na nagmula sa Asia, Africa at America. Lumawak ang kalakalan
dahil sa paggamit ng salapi at nang lumaon ay naitatag ang polisiyang
kapitalismo.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya ng mga bansa sa kanilang


pangunguna sa larangan ng pagtuklas at paglalayag?

A. Nakatulong ang heograpiya sa kaalamang pang-nabigasyon ng


mga mamamayang nakatira malapit sa baybayin.
B. Nakapukaw ng interes sa paglalayag at pangangalakal ang
maganda nilang lokasyon.
C. Napaunlad ang kanilang kasanayan sa paggawa ng mga
sasakyang pandagat.
D. Napag-ibayo nila ang kaalaman sa pamamagitan ng pagtuklas ng
mga kagamitan.

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang magandang naibunga sa pandaigdigang kalakalan ng Panahon


ng Pagtuklas at Pananakop?

A. Nakarating ang mga produktong Kanluranin sa iba’t ibang panig


ng mundo.
B. Naging mas matatag ang sistemang pang-ekonomiko ng
maraming bansa sa mundo.
C. Lalong naging makapangyarihan ang mga monarka ng bansang
Kanluranin.
D. Napahalagahan ang mga lokal na produkto ng mga bansa.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansa sa


kasalukuyan kung hindi nagkaroon ng Unang Yugto ng Imperyalismo
noong ika-15 hanggang ika-17 siglo?

A. May masiglang kompetisyon sa kalakalan sa pagitan ng mga


bansa sa mundo.
B. Naging maunlad ang kalakalan sa maraming bansa sa mundo.
C. Magiging mabagal ang daloy ng pandaigdigang kalakalan.
D. Hindi napakanibangan ng mga katutubo ang kanilang mga hilaw
na materiyal.
TEKSTO II: Maraming mahahalagang epekto ang Unang Yugto ng
Kolonisasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at Portuges na nagbigay-
daan sa malawakang pagkatuklas ng mga lupaing hindi pa naggagalugad.
Napukaw ang interes sa paglalakbay dulot ng mga bagong pamamaraan at
teknolohiya sa larangan ng eksplorasyon. Nagbunga rin ito ng paglaganap
ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan dahil sa kolonisasyon.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang tuwirang epekto ng kolonisasyon sa kultura ng mga bansa sa


mundo?

A. Napanatili ang katutubong kultura ng maraming bansa sa mundo.


B. Napalaganap ang kulturang Kanluranin sa mga bansa nasakop sa
silangan.
C. Nanatili ang kanilang paraan ng pananampalatayang animismo.
D. Napaghalo ang katutubong kultura sa kulturang Europeo.

CAUSE AND EFFECT

2. Batay sa mga teksto, ano ang masamang epektong panlipunan ng


panahon ng pagtuklas at pananakop?

A. Nakatulong ang makabagong kaalaman sa larangan ng pagtuklas


sa mga mamamayan.
B. Nawalan ng karapatan ang mga mahihinang bansang pamahalaan
ang kanilang sariling bansa.
C. Higit na naging makapangyarihan ang mga bansang Kanluranin sa
mundo.
D. Lumaki ang agwat ng katayuan sa lipunan ng mga mayayaman sa
mahihirap na bansa.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kalagayang ekolohikal ng mga bansang Asyano kung


hindi dumating ang mga Europeo?

A. Napanatili ang mga orihinal na uri ng iba’t ibang halaman at hayop


sa mga bansang sinakop.
B. Naabuso ang mga yamang-likas ng mga bansa.
C. Napagyaman ng mga katutubo ang kanilang sariling likas na
yaman.
D. Hindi napangalagaan ng mga katutubo ang kanilang yamang-likas.
WEEK 7
DAY 1-3
DISYEMBRE 12-14
PAKSA: KAGANAPAN AT EPEKTO NG ENLIGHTENMENT PATI NG
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO AT INDUSTRIYAL

TEKSTO I: Ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa


Europe noong ika-18 siglo. Ito ay isang kilusang intelektuwal na binubuo
ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang
panhon ng kawalwan, ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag
na paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektwal na ito
ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideya na may kinalaman sa
pamahalaan, edukasyon, demokrasya at sining. Sinuri din ng mga pilosopo
ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa
lipunan.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Dahil sa mga makabagong pananaw dulot ng Panahon ng Kaliwanagan,


maraming mga maling kaalaman sa iba’t ibang larangan ang naiwast.
Anong pagbabagong pampulitika ang naganap sa mga mamamayan ng
Enlightenment?

A. Naging matalino sila sa pagpili ng pinuno


B. Napaunlad nila ang kanilang sarili
C. Natutunan nilang pamahalaan ang kanilang sarili
D. Napagtanto nila ang kanilang likas at natatanging karapatan bilang
mamamayan.

CAUSE AND EFFECT

2. Sa mga pampolitikang-pananaw na ipinakilala noong Enlightenment, ano


ang naging epekto sa uri at tingin sa pamahalaan ng mga bansa sa
mundo?
A. Napag-alaman na ang tao ay inaaasahang tagasunod lamang sa
pamahalaan.
B. Napagtanto na may karapatan ang tao sa pagpapatalsik sa
gobyernong mapang-abuso at hindi makatarungan.
C. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga bansang nanakop na
lubusang makontrol ang politika at ekonomiya ng mga kolonya nito.
D. Naging mas malawak ag kaalaman ng mga sinaunang tao
patungkol sa estruktura ng pamahalaan.

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang magiging implikasyon ng pagiging malaya ng mga mamamayan


ng isang bansa?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan
B. Hindi pantay ang pagkilala sa kakayahan ng mga mamamayan
C. Mas progresibo at maunlad nag ekonomiya ng isang bansa
D. May malaking agwat ang mga tao sa lipunan
TEKSTO II: Ang mga naganap sa Rebolusyong Siyentipiko ay naghikayat sa
panibagong sigla sa paglalakbay at pag-uusisa. Maraming mga iskolar ang
tumuklas ng mga bagong kaalaman, kagamitan na naging kapaki-
pakinabang sa larangan ng pagtuklas at pananakop. Mayroon ding mga
maling paniniwala tungkol sa sansinukob ang napalitan. Kaanlisabay nito
noong taong 1700 at 1800 ng magkaroon ng malaking pagbabago sa
aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa US na
kung saan napalitan ang mga manuwal na gawain ng mga bagong
imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga
bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Maraming makabagong imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong


Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob.
Ano sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong
Siyentipiko sa mga Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham s apanahong ito.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europa.
C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang naging epekto ng pagiging mausisa at paghahangad ng bagong


kaalaman sa larangan ng nabigasyon at eksplorasyon noong Scientific
Revolution?
A. Pagkatuklas ng mga bagong lupain
B. Pagiging makapangyarihan ng mga pinuno
C. Paghahalo ng kultura ng mga bansa
D. Pagbabago ng pananaw ukol sa mundo

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang hindi mabuting implikasyon ng patuloy na paggamit ng


makabagong teknolohiya bunsod ng Rebolusyong Industriyal?
A. Mas maraming imbensyon ang matutuklasan.
B. Patuloy na pagtaas ng produksiyon.
C. Patuloy ang pagkasira ng kapaligiran
D.Mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa
WEEK 8
DAY 1-3
ENERO 02-04
PAKSA: DAHILAN AT EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG
IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO
TEKSTO I. Dahil sa kanilang tagumpay sa Unang yugtong Imperyalismo at
Kolonyalismo mas maraming mga bansa ang nahikayat na sumali at
makiisa sa kolonisasyon ng mga Kanluranin lalo na ang Kontinenteng
Europe. Malaki ang naging epekto nito sa Europe hindi lang sa aspeto ng
kanilang pamumuhay kundi maging sa pampolitika, pang-ekonomiya,
panlipunan,espirituwal, at pangkultura. Sa kabilang banda, may hindi
naging magandang dulot din ang kolonisasyon sa mga bansang nanakop
katulad ng pagkamatay ng karamihan sa mga Kanluranin dahil sa mga
nakuha nilang sakit mula sa mga bansang kanilang napuntahan
samantalang ang naidulot naman kolonisasyon sa mga bansang nasakop
ay nagdala ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay gayundin sa
kanilang ekonomiya.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Maraming pagbabago ang naidulot ng ikalawang yugto ng kolonyalismo


sa pamumuhay ng mga tao gayundin sa ekonomiya ng mga bansang
sinakop. Paano ipinakita ang impluwensiya ng imperyalismo at
kolonyalismo sa ekonomiya ng bansang sinakop?
A. Naging masagana at maalwan ang kanilang pamumuhay
B. Naghirap ang mahihinang bansa
C. Maraming mamamayan ang naging alipin ng mga dayuhan
D. Umunlad ang ekonomiya ng mga bansang nasakop

CAUSE AND EFFECT

2. Dahil sa naging matagumpay ang unang yugto ng kolonyalismo,


maraming bansa ang nahikayat na sumali dito subalit may mga
masamang naging epektong dulot din ito sa mga bansang mananakop.
Sa anong pangyayari sinasalalamin ang mga masamang epekto ito?
A. pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansa sa Europa
B. pagdami ng mga Europeong sakim sa kayamanan
C. pagbubuwis ng buhay ng ilang tao
D. paghina ng kanilang sandatahang lakas

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaaring kinahinatnan ng kolonisasyon at imperyalismo kung


naging patas lamang ang naging pagtingin ng bansang mananakop sa
bansang sinakop?
A. Naiwasan ang pang-aapi at paglabag sa karapatan ng mga
sinakop
B. Tinanggap ng maluwalhati ng mga sinakop ang pagbabago sa
kanilang kultura
C. Walang anumang rebolusyon ang naganap
D. Naging tapat na tagasunod ng bansang nanakop ang mga
mamamayan ng bansang sinakop
TEKSTO II. Ang pananakop ng malakas na bansa sa mahirap na bansa ay
nagdulot ng maraming pagbabago para sa mga bansang nanakop, ang mga
gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espiritwal, at
pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga
bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng
pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan. Pagbabago rin ang dulot ng pananakop sa mga
bansang sinakop lalo na sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang naging kalagayan ng pamumuhay ng mga bansang nasakop?

A. Naging magulo ang kanilang pamumuhay


B. Nawalan ng saysay ang kanilang kultura
C. Nagbago ang kanilang pamumuhay at nawalan sila ng
karapatang magpasya para sa sariling bansa
D. Nawalan ng halaga ang kanilang bansa

CAUSE AND EFFECT

2. Para sa isang bansang sinakop, anong kalagayan ang sumasalamin


sa naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo?

A. Nabago ang lahat ng aspeto sa pamumuhay ng mga bansang


nasakop
B. Lumala ang alitan sa bansang sinakop
C. Dumami ang naNdayuhan sa kanilang bansa
D. Marami ang nagnais na mamuno sa bansa

PREDICT OUTCOME

3. Kung patuloy na magiging sunud-sunuran ang mga bansang mahihina


sa mga bansang mananakop, ano kaya ang maaaring maging resulta
nito sa kanilang pambansang kalagayan?

A. Mawawalan sila ng karapatang makibahagi sa pamumuno ng


kanilang bansa
B. Magiging palaasa sila sa mga bansang nanakop
C. Mawawalan sila ng karapatan sa lahat ng aspetong panlipunan sa
sariling bansa
D. Magiging alipin sila ng mga mananakop
WEEK 9
DAY 1-2
ENERO 09-10

PAKSA: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA


REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO

TEKSTO I: Nagsimula ang Rebolusyong Amerikano nang ang mga Ingles


na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na
pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala
naman silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga
hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776 at
pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magiging
tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang
Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados
Unidos ng Amerika. Binigyang-diin dito ang pagpapasya ng taumbayan at
karapatan ng isang bansa na tahakin ang nais nitong landas at kapalaran.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang repleksyon ng Rebolusyong Amerikano sa konteksto ng


pamamahala sa kasalukuyan?
A. Ang tao na pinamumunuan upang hindi maghimagsik ay
kailangang ibigay lahat ng kagustuhan.
B. Ang paghihimagsik ng mga Ingles sa Hilagang Amerika ay bunga
ng pang-aapi, kawalan ng pagkakataong makipagkalakalan at
pagkakataong umunlad ang kabuhayan.
C. Mahalaga ang pantay na pagtingin ng pamahalaan at ng batas sa
lahat ng mga mamamayang nasasakupan.
D. Ang pagbubuwis, may representasyon man o wala ay sadyang
pabigat sa mga mamamayan na maaring maging dahilan ng
himagsikan.
IDENTIFY CAUSE AND EFFECT

2. Paano nakaapekto ang tagumpay ng Rebolusyong Amerikano sa pulitika


at pamamahala noong panahong iyon sa bansang Estados Unidos ng
Amerika?
A. Naging demokratiko ang kanilang pamahalaan.
B. Nanguna ang Amerika sa pagpapaunlad ng iba’t ibang larangan ng
kaalaman.
C. Naging pinakamakapangyarihang bansa ang Amerika sa buong
mundo na nagbigay oportunidad sa pag-unlad ng kabuhayan ng
maraming tao.
D. Naungusan ng Amerika ang Great Britain bilang
pinakamakapangyarihang bansa na nagpabago sa balanse ng
kapangyarihan ng mundo mula Europe patungong Amerika.
PREDICT OUTCOME

3. Ang Rebolusyong Amerikano ay isa lamang sa mga rebolusyong bunga


ng paninikil ng pamahalaan sa karapatan ng kanyang mga nasasakupan.
Ano ang maaari nating maging konklusyon mula sa mga pangyayaring
ito?

A. Ang pamahalaang mapaniil at hindi kinikilala ang karapatan ng mga


nasasakupan nito, gaano man magtagal ay babagsak din.
B. Ang pamahalaang may malakas na hukbong militar ay may
kakayahang mapanatili ang kapangyarihan nito at walang anumang
pwersang pwedeng kumalaban dito.
C. Ang pinakamahalaga upang isaayos at iwasan ang kaguluhan sa
pamahalaan at lipunan ay ang pamumuno ng isang matatatag at
matapang na pinuno na gagawin ang lahat ng paraan, mabuti man
o masama mapabuti lamang ang kalagayan ng bansa.
D. Ang pagtulong ng mas makapangyarihang bansa ang isa sa mga
pangunahing paraan upang mapanatili ang soberanya nito laban sa
anumang banta.
TEKSTO II. Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang
pagbabagong ginawa nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao.
Marami ang nagmumungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang
mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan,
pampolitika, panrelihiyon at maging sa edukasyon. Tinawag itong
Enlightenment. Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o
katwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at
pang-ekonomiya. Ilan sa mga naging bunga nito ay ang mga
IDENTIFY ASSOCIATION

1. Sa panahon ng Enlightenment, ano ang iminungkahi ng mga pilosopo na


gamitin ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay?

A. Emosyon
B. Relihiyon
C. Malalim na pag-iisip
D. Superstisyon

CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang naging epekto ng Enlightenment sa pagbabago ng lipunan ng


Europe?

A. Nanaig ang siyensiya sa relihiyon.


B. Pinagtibay nito ang mga kaisipang una nang pinaniwalaan ng
sinaunang tao.
C. Naliwanagan ang tao sa mga kamalian ng kanilang mga sinaunang
paniniwala.
D. Naging makapangyarihan ang mga pilosopo at siyentipikong
nagpanukala nito

PREDICT OUTCOME

3. Ano kaya ang kalagayan ng isang lipunang hindi kumikilala sa mga


kaisipan ng liberalismo, kalayaan at pagkapantay-pantay?

A. May sariling pagdedesisyon ang tao


B. May kaayusan ang lipunana dahil may takot ang mga mamamayan
sa pamahalaan
C. Laganap ang opresyon at paglabag sa karapatang pantao
D. May isang tunguhin ang mamamayan at pamahalaan dahil malinaw
ang ipinagbabawal at pinahihintulutan.
TEKSTO III. Ang nasyonalismoay ang pagmamahal sa bansa na nakaugat
sa kamalayan ng isang lahi na sila ay nabubuklod ng isang wika,
kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at relihiyon. Ito ay isang positibong
puwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa at
pagkakakilanlan at kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa
at pagkakakilanlan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng
ibang bansa. Nagiging masama ito kung gagawing batayan ng militarismo
at pagsakop ng ibang bansa. Ayon nga sa nasyonalistang si Claro M.
Recto, walang masama sa pagtataguyod ng kapakanan ng sariling bansa,
ang masama ay ang pakikialam sa direksiyong tutunguhin ng iba pang mga
bansa. Ang pakikialam at panghihimasok sa ibang bansa ay tinatawag na
imperyalismo.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Sa anong pangyayari ipinakikita ang nasyonalismo bilang isang positibong


ideolohiya?

A. Pagsakop ng Great Britain sa India upang idagdag sa kanilang


imperyo
B. Pagsasabatas ng paghihiwalay ng tao depende sa kulay ng
kanilang balat sa South Africa.
C. Pagtataguyod ni Hitler na ang mga Aleman ay nanggaling sa mas
superyor na lahi kumpara sa iba.
D. Paggamit ni Gandhi ng “non-violence” sa pakikipaglaban sa mga
kalabisan ng mga mananakop.

CAUSE AND EFFECT

2. Ang mga rebolusyong naganap sa Europe at Asya ay ilan lamang sa mga


pangyayaring nagpapapakita ng alab ng nasyonalismo sa mga
mamamayan ng mga bansang ito. Ano ang naging pangunahing dahilan
ng mga rebolusyong ito?

A. Ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga mamamayan ng mga


sinakop na bansa na sila ay nasisikil na nagbunga ng kanilang
pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop.
B. Ang kawalan ng pagpapahalaga ng mga mananakop sa mga
kultura ng mga mamamayan ng mga sinakop nilang bansa na
nagdulot ng pagkawala ng sariling pagkakakilanlan.
C. Ang sapilitang pagbabago ng mga mananakop sa kanilang mga
nakagisnang relihiyon na nagtulak sa kanilang lumaban upang
ibalik ang kinagisnang paniniwala.
D. Ang hindi pagbibigay ng karapatang makibahagi sa pamumuno at
pumili ng mga mamumuno sa mga sinakop na mamamayan.
PREDICT OUTCOME

3. Ang ginagawang aktibidad ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa


West Philippine Sea ay nagdudulot ng tensyon sa pagitan ng China at
mga bansang may interes sa mga teritoryong ito. Paano kaya natin ito
maaring tignan sa konteksto ng nasyonalismo at ano kaya ang maaring
maging epekto nito sa relasyon ng mga bansang may interes dito?

A. Ito ay nagpapakita ng maigting na nasyonalismo ng mga Tsino at


wala itong magiging masamang epekto sa rehiyong ito ng Asya at
sa estabilidad ng buong mundo.
B. Maaring ito ay kanilang paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo at
tatanggapin ito ng mga bansa sa rehiyong at sa ibang parte ng
mundo bilang paggalang sa China.
C. Ito ang tinutukoy na maling paggamit ng konsepto ng nasyonalismo
at maaring magbunga ng kaguluhan at kawalan ng paggalang sa
mga pandaigdigang kasunduan at batas.
D. Ang China noong sinaunang panahon pa lamang ay may mataas
ng pagtingin sa kanilang lahi at kaya nila itong pangatawanan
anuman ang maging epekto sa rehiyong ito at sa buong mundo
dahil sa superyor nilang sandatahang-lakas.
PAKSA: PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA EUROPE AT SA IBA’T
IBANG BAHAGI NG DAIGDIG

TEKSTO IV. Ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga bansang


kolonya tulad ng Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at maging sa Amerika
ay dulot ng Rebolusyong Pangkaisipan na nagsilbing malaking hamon sa
bawat bansa na mapanatili ang kalayaan batay sa paniniwala na ang mga
tao sa isang bansa ay may isang wika adhikain, kaugalian, at kasaysayan,
at dapat na pamunuan ng isa lamang pamahalaan nang sa gayon makatayo
ito bilang isang nagsasariling bansa. Dahil sa paglaganap ng nasyonalismo
maraming bansa sa Europa at Amerika ang nagnais na makamit ang
kalayaan. Ang Amerika at Pransya ang nanguna sa paghihimagsik upang
makamit ang kalayaan ng bansa.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Ano ang naging pangunahing inspirasyon ng Rebolusyong Amerikano at


Pranses?

A. Ang kaisipan na ang lahat ng tao ay pantay-pantay


B. Ang pagpatay sa hari at reyna
C. Ang pagpataw ng mataas na buwis
D. Ang naganap na maramihang pagpatay

CAUSE AND EFFECT

2. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Pranses at Amerikano sa


paglaganap ng nasyonalismo sa daigdig?

A. Marami ang nag nais ng kalayaan para sa kanilang bansa


B. Maraming naging matapang na ipagtanggol ang bansa
C. Maraming nakiisa sa pagrerebelde para sa kalayaan ng bansa
D. Marami ang pumatay upang makamit lamang ang kalayaan ng
bansa

PREDICT OUTCOME

3. Ano ang maaring kinahinatnan ng mga bansa ngayon sa mundo kung ang
mga ideya ng Rebolusyong Pangkaisipan ay hindi naisabuhay ng mga
rebolusyong Amerikano at Pranses?

A. Pinakamakapangyarihang kontinente ang Europa sa panahon


ngayon
B. Hindi naisakatuparan ang mga ideya ng demokrasya sa maraming
bansa sa mundo
C. Maraming bansa sa mundo ngayon ay pinamumuuan ng mga hari
at reyna
D. Pinakamakapangyarihang institusyon ngayon sa lahat ng lipunan
ang simbahan
TEKSTO V. Tunay na napaunlad ng Rebolusyong Pangkaisipan ang diwa
ng nasyonalismo lalung-alo na sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.
Ang nasyonalismo ay damdaming nagpapahiwatig ng pagiging kaanib sa
isang pangkat na may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung
minsan ay isang lahing pinagmulan at isang relihiyong sinasampalataya.
May isang pangyayari sa kasaysayan ng daigdig na higit na nakatulong sa
paglaganap ng nasyonalismo o damdaming makabayan sa lahat ng dako.
Ito ay ang Rebolusyong Pranses. Nakapaloob ito sa kanilang pambansang
salawikain: “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, at Pagkakapatiran.”

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Sa paanong paraan kaya maipapakita ang tamang ng pagpapakita ng


pagmamahal sa bansa?

A. Pakikipaglaban sa dayuhan
B. Pakikiisa ng mga Pilipino sa mga people power
C. Pagtangkilik sa sariling kultura at produkto
D. Pagsali sa iba’t ibang welga

CAUSE AND EFFECT

2. Paano naapektuhan ng paglaganap ng nasyonalismo sa daigdig ang


kalayaan mong tinatamasa bilang isang mag-aaral?

A. May kalayaan kang pumili ng kursong pag-aaralan


B. May kalayaang kang pumili ng taong pakikisamahan
C. May kalayaan kang gawin ang lahat ng naisin sa paaralan
D. May kalayaan kang sumali sa anumang samahang iyong naisin

PREDICT OUTCOME

3. Ano kaya ang maaring ibunga kung mananatiling walang pakialam ang
karamihan at hahayaan na lamang ang umiiral na kondisyon sa ating
lipunan?

A. Gagawa ng paraan ang pamahalaan upang baguhin ang mga


kondisyong ito.
B. Ang mga tao ay mas magiging malaya dahil sa walang makikialam
sa anumang kanilang naisin.
C. Ang pamamahala ay hihigpit upang sapilitang baguhin ang
masasamang kondisyong ito.
D. Mananaig at mapagtatakpan ang masasamang gawain ng may
masasamang hangarin sa lipunan.
TEKSTO VI. Ang lipunang Pranses ay nahahati sa tatlong pangkat na
tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at
ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo
ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo
ng nakakaraming bilang nga mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-
ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga
manggagawa. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan
ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang
ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay
ng hari na ginagamit ang doktrina ng “divine right” sa kanyang pamumuno
at ng kanyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa
ikatlong estate. Ang mga kalagayang ito ang ilan sa nagbunsod ng
Rebolusyong Pranses.

IDENTIFY ASSOCIATION

1. Saan maiuugnay ang konsepto ng “divine right”?

A. Ang hari ay dapat mamuno ng naayon sa doktrina ng kalayaan,


pagkapantay-pantay at kapatiran.
B. Ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa diyos kaya siya
ay pinili ng diyos para pamunuan ang bansa
C. Ang hari ay dapat na ituring na diyos na kung saan siya lamang
ang masusunod sa pagdedesisyon para sa kanyang bayan.
D. Ang kapangyarihan ng hari ay banal sapagkat ang kanyang
kapangyarihan ay nagmula sa suporta ng kanyang mga
nasasakupan.
CAUSE AND EFFECT

2. Ano ang naging epekto ng pagkakahati-hati ng lipunan ng Pransya sa


panahon ng pamumuno ng absolutong monarkiya?

A. Ipinaglaban ng ikatlong estado ang kanilang karapatan sa pantay


ng pagturing na nagresulta sa Rebolusyong Pranses
B. Pinagtibay ng una at ikalawang estado ang kapangyarihan ng
hari upang pigilan ang nagbabadyang Rebolusyon
C. Binigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng ikatlong estado
na magkaroon ng mahahalagang puwesto sa pamahalaan
D. Sama-samang nagdesisyon ang una, ikalawa at ikatlong estado
upang isagawa ang Rebolusyong Pranses at pagtibayin ang
kapangyarihan ng hari
PREDICT OUTCOME

3. Ano kaya ang kalagayan ng Pransiya sa panahong ito kung hindi


naganap ang Rebolusyong Pranses?

A. Naging pantay-pantay ang lipunang Pranses.


B. Patuloy na pinamumunuan absolutong kapangyarihan ng hari
ang Pransiya.
C. Ang Pransiya ang pinakamakapangyarihang bansa sa Europa
ngayon.
D. Magkakaroon ng malawakang pag-alis ng mamamayan sa
Pransiya dahil sa kondisyong hindi nabago.

You might also like