You are on page 1of 32

BANAL NA MISA

HULYO 22, 2018


ANG PAGHAHANDA
Tumayo na po ang lahat.

Pari:  Sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng


Espiritu Santo.

Bayan:  AMEN!
ANG PANGUNGUMPISAL
Lumuhod po ang lahat.
Bayan:  Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O, Diyos na
Maka-pangyarihan, sa lahat ng santo at sa isa’t isa,na
kami’y nagkasala sa aming naisip, nasabi, nagawa at
sa nakaligtaan naming gawin, at ito’y sarili naming
kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, butihin Ama,
na kaawaan kami, sa lahat ng santo, na ipanalangin
kami sa Iyo, Panginoon naming Diyos, AMEN!
KYRIE ELEISON
Tumayo po ang lahat
Pari: Panginoon, Maawa Ka.
Bayan:  Panginoon, Maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Bayan:  Kristo, Maawa Ka.
Pari: Kristo, maawa Ka.
Bayan:  Kristo, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Bayan:  Panginoon, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
GLORIA IN EXCELSIS
Manatili pong nakatayo
Luwalhati sa Diyos, sa kaitaasan, at sa lupa'y
kapayapaan sa mga taong may mabuting
kalooban, Panginoong Diyos, Haring makalangit,
makapangyarihang Diyos at Ama, Sinasamba Ka
namin, pinasasalamatan Ka namin; pinupuri Ka
namin dahil sa Iyong kaluwalhatian.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng
Ama Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, Maawa Ka sa
amin. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal, Ikaw lamang
ang Panginoon, Ikaw lamang ang kataastaasang
Hesukristo, kasama ang Espiritu Santo sa
kaluwalhatian ng Diyos Ama. AMEN!
ANG LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS
Maupo po ang lahat.

ANG PAGBASA MULA SA MATANDANG TIPAN

JEREMIAS 23:1-6
SALMONG TUGUNAN
SALMONG TUGUNAN AWIT 22
Tugon ng Bayan:

Pastol ko’y Panginoong Diyos,


hindi ako magdarahop!
ANG EPISTOLA
ANG PAGBASA MULA SA BAGONG TIPAN
EFESO 2:11-22
ANG BANAL NA EBANGHELYO
Tumayo na po ang lahat at awitin ang
Aleluya! Aleluya!
Sa Banal Mong wika,
Aleluya!
aming naririnig ang Iyong mga Salita
Aleluya.
Aleluya! Aleluya!
Sa Banal Mong wika,
Aleluya!
aming naririnig ang Iyong mga Salita Amen...Amen...Amen...
PAGBASA NG MABUTING BALITA
MARCOS 6:30-34, 53-56
Pari/Reader: Ang Panginoon ay sumasainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari/Reader: Ang pagbasa Ebanghelyo ayon kay
_____. Ika __ kabanata at nagsisimula sa
ika- ___ talata.
Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoon Hesukristo.
ANG SERMON
Maupo po ang lahat
ANG SUMASAMPALATAYA
Tumayo po ang lahat.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos, Amang
Makapangyarihan na lumikha ng langit at lupa, at ng lahat ng
nakikita at di nakikita. Sumasampalataya kami sa iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, nagmula sa
Ama bago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos,
Liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na
totoo, inianak hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.
ANG SUMASAMPALATAYA
Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat, na para sa ating mga
tao at sa ating kaligtasan ay nanaog Siya buhat sa langit, sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ipinanganak
Siya ni Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa Krus alang-alang sa
atin sa panahon ni Poncio Pilato, nagpakasakit, namatay at inilibing.
At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng mga kasulatan.
Umakyat Siya sa langit at naluklok sa Kanan ng Ama, at muling
darating na maluwalhati upang hukuman ang mga buhay at ang
mga patay, at ang kaharian Niya ay walang hanggan.
ANG SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo, ang Panginoon na
tagapagbigay ng buhay, na nagbubuhat sa Ama. Sinasamba
Siya at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak. Nagsalita
Siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Nananalig kami sa Iglesiang Iisa, Banal, Katolika at
Apostolika. Naniniwala kami sa iisang Binyag sa
ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan, at hinihintay
namin ang muling pagkabuhay ng mga namatay at ang
buhay na walang hanggan. AMEN.
PANALANGIN NG BAYAN
Lumuhod po ang lahat.
Tugon:  Panginoon, pakinggan Mo
ang aming panalangin.

Lahat: Tugunin Mo, Ama, ang aming mga panalangin, alang-


alang sa Kanya na laging nabubuhay at naghaharing kasama Mo
upang mamagitan para sa amin, Siya na Iyong Anak na aming
Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. AMEN!
ANG BANAL NA EUKARISTIA
Tumayo po ang lahat.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos, Amang
Makapangyarihan na lumikha ng langit at lupa, at ng lahat ng
nakikita at di nakikita. Sumasampalataya kami sa iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, nagmula sa
Ama bago pa nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos,
Liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na
totoo, inianak hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.
ANG KAPAYAPAAN
Tumayo po ang lahat.
Pari: Mga Kapatid, tayo ang Katawan ni Kristo, sa pamamagitan ng isang
Espiritu, tayong lahat ay pinag-isang katawan nang tayo’y binyagan.

Bayan: Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng


Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.
Pari: Lagi nawang sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin


ANG PAG-AALAY
Maupo po ang lahat.
(Ang mga handog ng Bayan ay lilikumin. Ang Banal na Hapag, ang Tinapay
at Alak ay ihahanda. Samantala, ang Bayan ay nakaupo).

(Kung handa na ang lahat ay tatayo ang Bayan. Dadalhin sa altar ng mga
kinatawan ng Bayan ang mga handog na salapi at iba pang mga alay; pati
na ang Tinapay at Alak, at iaabot ang mga ito sa Diyakono, na siya
namang malalagay sa mga ito sa ibabaw ng Banal na Hapag).
Maupo po ang lahat.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
(Lahat ay nakatayo sa kabuuan ng Pasasalamat)
Pari: Ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mananatiling walang- hanggan sa
mga may takot sa Kanya, at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali’t-saling lahi.

Bayan: Lalo’t higit sa mga tumutupad sa Kanyang Tipan at sumusunod sa Kanyang


mga utos.

Pari: Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit, at ang Kanyang


paghahari ay sumasaklaw sa lahat.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na anghel Niya, kayong may lakas
at kapangyarihan na tumutupad sa Kanyang Salita.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na hukbo Niya,kayong mga lingkod
Niya, na sumusunod sa Kanyang kalooban.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na Kanyang nilikha, sa lahat ng
dako ng Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon.
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Itaas ang inyong mga puso.

Bayan: Itinataas namin sa Panginoon.


ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.

Bayan: Matuwid na Siya’y ating pasalamatan at purihin.

Pari: Tunay na matuwid, aming tungkulin at kaligayahan, lagi at saan man,


pasalamatan Ka namin, Panginoon, Banal na Ama, Makapangyarihan at
walang-hanggang Diyos.

Pari: Kaya nga kasama ang mga anghel at mga arkanghel, at lahat ng
kalipunan ng langit, buong kagalakan naming ipinahahayag ang iyong
kaluwalhatian, laging nagpupuri sa Iyo at nagsasabing…
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari at Bayan: Banal, Banal, Banal na Panginoon,
Diyos ng kapangyarihan at lakas, ang
langit at lupa’y puspos ng Iyong
kaluwalhatian. Osana sa Kaitaasan,
pinagpala ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon, Osana sa Kaitaasan.
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Tumayo po ang lahat.
Pari: Ipahayag nating lahat ang patibay ng ating pananampalataya kay Kristo.

Pari at Bayan: Si Kristo ay namatay


Si Kristo ay muling nabuhay
Si Kristo ay muling darating
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pari at Bayan:
Kaya nga, Panginoon at Amang Makalangit, ginaganap naming mga
abang lingkod Mo ang pag-alaalang iniutos ng Iyong Anak, sa aming
paggunita at pagbuhay sa Kanyang pinagpalang pagpapakasakit at
makabuluhang kamatayan, sa Kanyang makapangyarihang pagkabuhay na
mag-muli at maluwalhating pag-akyat sa langit, at sa aming paghihintay sa
Kanyang maluwalhating pagbabalik, ay iniaalay namin sa Iyo itong Tinapay
ng Buhay at itong Kalis ng Kaligtasan. At kasama ng mga handog na ito ay
iniaalay namin ang aming mga sarili at isinasamo namin sa Iyo na
tanggapin sa Iyong makalangit na altar itong aming haing papuri at
pasasalamat.
PAGDARASAL NG AMA NAMIN
(Maghahawak kamay ang buong bayan)

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin


ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa tulad nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, patawarin
Mo po kami sa aming mga kasalanan, gaya nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin. Huwag Mo po kaming ipahintulot sa pagsubok
bagkus iadya Mo po kami sa lahat ng masama, sapagka’t sa Iyo
nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
ngayon at magpakailanman. AMEN!
KORDERO NG DIYOS
Manatili pong nakatayo ang lahat.

Pari:Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.


Bayan: Maawa ka sa amin.

Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.


Bayan: Maawa ka sa amin.

Pari: Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.


Bayan: Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong kapayapaan.
ANG BANAL NA KOMUNYON
Lumuhod po ang lahat

Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon, na hindi


nananalig sa sarili naming pagkamatuwid kundi sa iyong marami’t
dakilang awa. Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa
ilalim ng Iyong hapag subali’t likas sa Iyo ang pagkamaawain. Ipagkaloob
Mo sa amin, kung gayon, butihing Ama, na aming tanggapin ang
Katawan ng Iyong Mahal na Anak na si Hesukristo at inumin ang Kanyang
Dugo upang kami na pinalalakas at pinagiging-bago ng Kanyang buhay ay
manahanan sa Kanya at Siya’y sa amin, magpakailanman.AMEN.
ANG PAGHAYO
Lumuhod po ang lahat

Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, pinasasalamatan Ka


naming sapagkat kami’y Iyong pinakain Espirituwal, ang kamahal-
mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo. At
sa mga Banal na Ministeryong ito at tiniyak Mo na kami’y mga buhay na
bahagi ng katawan ng Iyong Anak, at mga tagapagmana ng walang-
hanggang kaharian. Ngayon, Ama, isugo Mo kami upang gawin namin
ang tungkuling iniatas Mo sa amin, bilang mga tapat na saksi ni Kristo
na aming Panginoon, sa Kanya, sa Iyo at sa Espiritu Santo, ang lahat ng
karangalan at kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN.
ANG PAGHAYO
Lumuhod po ang lahat

Makapangyarihan at walang-hanggang Diyos, pinasasalamatan Ka


naming sapagkat kami’y Iyong pinakain Espirituwal, ang kamahal-
mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo. At
sa mga Banal na Ministeryong ito at tiniyak Mo na kami’y mga buhay na
bahagi ng katawan ng Iyong Anak, at mga tagapagmana ng walang-
hanggang kaharian. Ngayon, Ama, isugo Mo kami upang gawin namin
ang tungkuling iniatas Mo sa amin, bilang mga tapat na saksi ni Kristo
na aming Panginoon, sa Kanya, sa Iyo at sa Espiritu Santo, ang lahat ng
karangalan at kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. AMEN.
PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw,
may dilag ang tula at awitsa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'ytagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niyakailan pa may di magdidilim.
Lupa ng araw, ng lualhati't pagsinta,
buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
ang mamatay ng dahil sa iyo.
SALAMAT SA DIYOS

You might also like