You are on page 1of 4

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha

akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya


isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga
banal at sa inyo, mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating
Diyos.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may


gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak
ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao siya Lalang sa Espiritu
Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio
Pilato, Ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-muli. Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon
magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na
tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na


Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen.

Refrain: Sing a joyful song to the Lord, Alleluia! Let the heavens and earth
rejoice, Alleluia! Alleluia!

Verse 1: The heavens proclaim Gods name, and earth in reply. Echoes back
with joyful songs of praise.

Refrain: Sing a joyful song to the Lord, Alleluia! Let the heavens and earth
rejoice, Alleluia! Alleluia!

Verse 2: Our God is a mighty God, unequalled in power. Yet with gentle
mercy covers the earth.
Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong
kinalulugdan niya Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin
sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka naming Pinasasalamatan ka
namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos
Hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong
Hesu Kristo bugtong na Anak, Panginoong Diyos Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan tanggapin mo ang aming kahilingan Ikaw na naluluklok
sa kanan ng Ama maawa ka sa amin. Sapagkat Ikaw lamang ang
banal, Ikaw lamang ang Panginoon, Ikaw lamang O Hesukristo Ang
kataastaasan kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama,
Amen!

Refrain: Handog namin sa Iyo Ama ang tinapay at alak na ito,


handog ng bayang umaasa, sumasamba't nagmamahal Sa'yo.

Verse 1: Naway dalhin ng Yong anghel ang aming panalangin sa


Yong dambana. Katulad ng halimuyak ng insensong umaakyat sa
kalangitan.

Refrain: Handog namin sa Iyo Ama ang tinapay at alak na ito,


handog ng bayang umaasa, sumasamba't nagmamahal Sa'yo.

Verse 2: Naway ang aming kaloob maging si Hesu Kristo aming


Panginoon ang sinomang tumanggap at makisalo y mabubuhay
kailanpaman.
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa Iyong mga
kamay sa kapurihan Niya at karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan Niyang banal.

Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga hukbo napupuno


ang langit at lupa ng kadakilaan mo, Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito Sa ngalan ng Panginoon. Osana sa
kaitaasan!

Si Kristo ay gunitain: Sarili ay inihain, Bilang pagkait inumin,


pinagsasaluhan natin, hanggang sa Syay dumating, hanggang sa
Syay dumating.

Amen, Amen, Amen. Amen, Aleluya. Purihin ang Diyos, Purihin


ang Diyos. Amen, Aleluya Amen, Amen, Amen Amen, Aleluya!

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.


Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa
para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin
sa araw araw; At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para ng
pagpapatawad naming sa nagkakasala sa amin; At huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng
masama.

Kordero ng DiyosNa nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Maawa Ka sa amin Maawa Ka sa amin. Kordero ng Diyos Na nag-
aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka sa amin Maawa
Ka sa amin. Kordero ng DyosNa nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Panginoon, hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa iyo ngunit
sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako

RECESSIONAL:

Ohh Surexit Christus Alleluia!

Ohh Cantate Domino Alleluia!

You might also like