You are on page 1of 1

1.

Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa
Pilipinas.

Motibo: Maaaring ang Ibong Adarna kasama pa ng iba pang mga akda ay bitbit ng mga Kastila sa kanilang
pananakop ng mga bansang Mehiko at Pilipinas

Sariling Pananaw: Isa sa layunin ng mga Kastila marahil ay maipakalat din ang ilan sa mga literatura nila tulad ng
Ibong Adarna upang ipakita na mas sibilisadong ang antas nila kumpara sa mga sinasakop na bansa tulad ng
Pilipinas at Mehiko.

2..Kinagawiang basahin ng mga katutubo….basahin ng mga tao.

Motibo: Marahil ang Ibong Adarna at kaunti pang mga akda lamang ang naisalin mula sa banyagang pagkakasulat
sa Pilipino. Tunay na naging mahigpit ang mga Kastila sa pagtuturo ng matataas na kaalaman sa mga katutubo.

Sariling Pananaw: Ayaw ng mga Kastila na matuto ang mga katutubo at baka sila ay mahigitan pa ng mga ito at
matutong mag-aklas laban sa kanila.

3. Ang kahipitan ng mga prayle…pahintulutang maipalimbag.

Motibo: Mga pari o prayle ang mga namumuno sa pangkat ng mga Kastila na sumakop sa Pilipinas. Tanging ang
mga sulating may pang-relihiyon ang tema ang siyang tanging pinalalaganap at pinalilimbag.

Sariling Pananaw: Pangunahing layunin ng mga Kastila ang ipalaganap ang katuruang Kristiyanismo kaya naman
tanging halos katesismo lamang ang itinuturo sa mga katutubo. Sa pamamagitan ng mga akdang may temang
Kristiyano ay naaakit ng husto ang mg katutubo.

4. Nagsimulang maging popular…sa mga baying nagdiriwang ang pista.

Motibo: Noong hindi pa naisasalin ang Ibong Adarna ay wala naming nakakaintindi dito dahil hindi marunong ang
katutubo umintindi ng Kastila.

Sariling Pananaw: Nang maisalin sa Pilipino, naging tanyag ang Ibong Adarna dahil sikat noon sila Balagtas at
Huseng Sisiw na inakala ng mga katutubo na sumulat nito.

5. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan…Ibong Adarna.

Motibo: Angkop sa panlasang Pilipino ang Ibong Adarna kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa
din ito sa mga paaralan.

Sariling Pananaw: May pagkaka-ugnay sa mga Pilipino ang mensahe ng Ibong Adarna dahil tulad ni Don Juan na
palaging inaapi at pinahiirapan, gayun din ang Pilipinas, sa kamay ng mga banyagang sumasakop sa atin.

You might also like