You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ____________

Subject: __Arpan 6___ Guro: _______________________ Iskor: ________________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ikalawang Linggo, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Ugnayang Pilipino – Amerikano sa Konteksto ng Kasunduang
Militar na Nagbigay Daan sa Pagtayo ng Base Militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas
Layunin : Natatalakay ang ugnayang Pilipino – Amerikano sa konteksto
ng kasunduang militar na nagbigay daan sa pagtayo ng base
militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Sangunian : MELCS, Tuklas Lahi 6
Manunulat : Francis Jude M. Cezar

Bukod sa pinansyal na pangangailangan, humingi rin ng tulong panseguridad sa Estados


Unidos ang Pilipinas, sapagkat iginupo ng digmaan ang sandatahang lakas ng bansa. Dahil dito,
isinagawa ang Military Bases Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, niratipikahan
noong Marso 26, 1947 na magtatagal ng 99 taon. Ngunit sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng
mga pagsusog sa kasunduan. Noong 1966, nagbago ang kasunduan na mula sa 99 taong
pagtatagal nito ay napaikli ng 25 taon.

Military Assistance Agreement

Itinakda sa kasunduang ito ang pamamahagi ng militar ng kaalaman, istratehiya, at


pagsasanay ng mga Amerikano sa bansa. Subalit, ipinagbawal ng kasunduang ito ang pag-
aangkat ng mga serbisyong militar sa ibang bansa maliban sa Estados Unidos.

Mutual Defense Treaty

Layon nito ang pagtutulungang pangmilitar ng dalawang bansa, sakaling magkaroon ng


banta ng armadong pag-atake sa Pasipiko. Ito ay niritipikahan noong Agosto 30, 1951.

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ay tama. Kung hindi, salungguhitan ang salitang
hindi akma sa pahayag at isulat ang tamang sagot sa patlang.
__________ 1. Hiniling ng Pilipinas ang suportang militar ng Estados Unidos.
__________ 2. Ang Military Base Agreement ay magtatagal ng 69 na taon.
__________ 3. Nagpadala ang Estados Unidos ng suportang militar sa Pilipinas sa
ilalim ng Military Bases Agreement.
__________ 4. Ang Military Assistance Agreement ay ang kasunduang mamahagi ang
militar ng U.S ng kaalaman, istratehiya, at pagsasanay sa Pilipinas.
__________ 5. Niratipikahan ang Mutual Defense Treaty noong Agosto 3,1951.

You might also like