You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa:_______________

I. Isulat ang TAMA kung wasto ang bawat pahayag at kung MALI hindi naman wasto ang
pahayag.

____________________1. Tinutukoy ng soberanya ang pagkakaroon ng isang bansa may kalayaan at


ganap na karapatang pamahalaan ang sarili nito.
____________________2. Sa soberanyang panlabas nakasalalay ang kapayapaan at kaayusan ng bansa
dahil sa kapangyarihan nitong bumuo at magpatupad ng mga batas.
____________________3. Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan
ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos.
____________________4. Naipagkaloob man sa Pilipinas ang inaasam na kalayaan, nanatii pa rin ang
impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas.
____________________4. Karapatan ng isang bansa na magkaroon ng mga ari-arian at pangasiwaan ang
mga yaman ng mga bansa.
____________________5. Si Manuel A. Roxas ang ikalimang pangulo ng Pilipinas.
____________________6. Ang karapatang maging malaya ng isang bansa ay tinatawag ding ugnayang
diplomatiko.
____________________7. Isa sa mga nagawa ng administrasyon ni Carlos P. Garcia ang Filipino First
Policy.
____________________8. Ipinatupad sa administrasyong Roxas ang Bell Trade Act, Tydings
Rehabilitation Act, at Military Bases Agreement.
____________________9. Si Diosdado Macapagal ang tinagurian “tagapagtanggol ng demokrasya” at
“kampeon ng masa”.
____________________10. Isa sa mga nagawa ng administrasyong Ferdinand Marcos ang pagpapalawig
sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang sosyalista at komunista tulad ng China at Russia.

II. Tukuyin ang ipinahahayag ng mga sumusunod na pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang
sagot.

Parity Rights Bell Trade Act Filipino First Policy


Elpidio Quirino Treaty of General Relations Colonial Mentality
Tydings Rehabilitation Act Neokolonyalismo soberanya
mamamayan

____________________11. Tumutukoy sa mga taong naninirahan sa bansa.


____________________12. Isa ito sa mga nagawa ng administrasyon ni Carlos P. Garcia na tumutukoy
sa pagtangkilik sa produktong Pilipino.
____________________13. Ito ay isang tadhana ng Bell Trade Act na nagbigay ng pantay na karapatan
sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang likas na yaman ng bansa at sa pagpapalakad ng mga
paglilingkod na pambayan.
____________________14. Ang batas na ito ay naglaan ng $620 milyon sa Pilipinas bilang bayad-
pinsala at tulong sa pagsasaayos sa mga nasira noong panahon ng digmaan.
____________________15. Ang batas na nagtakda ng pagpapatuloy ng walong taong malayang
kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas hanggang taong 1954.
____________________16. Nakapaloob sa kasunduang ito ang pagkilala ng Estados Unidos sa kalayaan
ng Pilipinas at paggalang sa kapangyarihan ng pamahalaan nito.
____________________17. Pagbuo ng paniniwala o kaisipang higit na mahusay, maganda, at de-kalidad
ang mga produkto at serbisyo ng mga banyaga kaysa sa sariling bansa.
____________________18.Tawag sa bagong anyo ng kolonyalismo na patuloy na naitataguyodng mas
makapangyarihang bansa ang kanilang interes at pagkontrol sa mas mahinang bansa.
____________________19. Siya ang pangalawang pangulo ng Ikatlong Republika na nagtatag ng foreign
service.
____________________20. Ganap na kapangyarihan upang magpasunod at magpakilos ng mga tao at
ari-ariang sakop ng teritoryo ng bansa.

You might also like