You are on page 1of 1

Ang 

Luzon, Kalusunan o Hilagang Pilipinas, ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at ika-17 sa daigdig. Katawagan din ang "Luzon" sa isa sa tatlong pangkat pangkapuluan
sa bansa, kasama ng Kabisayaan at Mindanao.
Bilang isang pulo, ang Luzon ay may sukat na 104,688 kilometro kwadrado. Dito matatagpuan ang lungsod ng pamahalaan ng bansa, ang Maynila, at ang pinakamataong
lungsod, ang Quezon City. Mabundok ang pulo at dito matatagpuan ang Bundok Pulag, ang ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa, at ang Bulkang Mayon, ang
pinakatanyag na bulkan. Nasa kanluran ng pulo ang Dagat Timog Tsina, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.
Ang pangkat ng pulo na matatawag na Kalusunan ay kinabibilangan ng Luzon kasama ang pangkat ng Batanes at Babuyan sa hilaga, ang mga pulo ng Catanduanes, 
Marinduque, Masbate, Romblon, Mindoro at Palawan sa timog. Nahahati ang pangkat ng pulo sa walong rehiyon at 38 lalawigan.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang source]Tingnan din: Heograpiya ng Pilipinas
Ang kabuuang sukat ng Luzon ay 76,969,315.9 square kilometre (29,718,019.0 mi kuw), [1], ang ika-17 pinakamalaking pulo sa buong daigdig. Matatagpuan sa Luzon ang
punong lungsod ng Pilipinas, ang Maynila, at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas, ang Lungsod ng Quezon. Mabundok ang pulo na kung saan matatagpuan ng Bundok
Pulag, ang ikatlong pinakamataas na bundok sa bansa, at ang mga Bulkang Pinatubo, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, ay ilan sa mga tanyag na mga bulkan sa Luzon.
Matatagpuan sa kanluran ng Luzon ang Dagat Kanlurang Pilipinas, sa silangan ang Dagat Pilipinas, at sa hilaga ang Kipot ng Luzon.
Halos parihaba ang sukat ng pulo ng Luzon at may mahabang tangway sa timog silangan na tinatawag na Tangway ng Bikol. Ang hilagang bahagi ng pulo ay kinapalolooban
ng malalaking bulubundukin, ang Cordillera Central.
Sa silangan ng Cordillera Central ay ang malaking Lambak ng Cagayan, na nagsisilbing tagasalo, ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Sa silangan ng
lambay ay matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre, ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa.
Sa timog silangan ng Look ng Maynila matatagpuan ang pinakamalaking lawa sa bansa, at ang pinakamalaking lawa sa loob ng kalupaan sa Timog Silangang Asya, ang Lawa
ng Bay. Ang Hilagang Luzon o Northern Luzon ay binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region at Lambak ng Cagayan, dito
matatagpuan ang Sierra Madre (Pilipinas), pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang Ilog Cagayan, Bulubunduking Caraballo, Banaue Rice Terraces at ang lungsod ng Baguio.
Dito matatagpuan ang unang hangganan ng Pilipinas ang lalawigang isla ng Batanes na kilalang dayuhan ng mga turista ang White Parola at ang Windmill sa bayan ng 
Bangui, Ilocos Norte, Ang Hilagang Luzon ay ang bumabakod sa tinatawag na Luzon Straight at pumapagitan sa mga bansang Tsina at Taiwan sa Timog Dagat Tsina. Ito ay
ang dulo ng Luzon sa direksyong Hilaga (North).
Ang Gitnang Luzon o Central Luzon Region 3 ay ang Gitnang Rehiyon sa isla ng Luzon ito ay pumapagitan sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Timog Luzon at Kalakhang
Maynila, ito ang mga lalawigan ng: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, Ang probinsya ng Aurora sa pagitan ng taong 2002 ay nakapaloob
sa Rehiyong Timog Katagalugan o Southern Tagalog. Ang rehiyong sentro ng Gitnang Luzon ay ang San Fernando, Pampanga. Ang Timog Luzon o Southern Luzon ay
binubuo ng 3 kluster sa tatlong rehiyon, Ang Calabarzon (IV-A), Mimaropa (IV-B) at Bicol Region, kabilang ang Metro Manila na nasa ikalawang dibisyon, dito matatagpuan
ang hangganan ng Sierra Madre sa pagitan ng Laguna at Quezon, at iilan pang mga tanawin ng Lawa ng Laguna, Bulkang Taal, Talon ng Pagsanjan, Tagaytay, Hinulugang
Taktak, Bundok Banahaw, El Nido, Puerto Galera at Bulkang Mayon, Ito ay ang dulo ng Luzon sa direksyong Timog (South). Ang mainland Tagalog ay ang kasalukuyang
rehiyon ng Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, Ang Minparo o Mimaropa ay ang Rehiyon IV-B na nasa outland at ang Bicolandia ay ang
rehiyon 5 ang ikahuling rehiyon sa isla ng Luzon.
Ang Kalakhang Maynila o Metro Manila ay ang sentrong panglungsod o kauuluhan sa Pilipinas, Ito ay binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan, Ang rehiyong sentro nito ay ang 
Maynila ang kapitolyo ng Pilipinas, dating lalawigan o probinsya ang Metro Manila na sumasaklaw sa pangalang Tondo, Noong taong 1898, kabilang rito ang mga distrito at
barangay ng bawat saklaw ng lungsod maging ang ilang bayan sa lalawigan ng Rizal. Ang Kalakhan sa Luzon o Metro sa Luzon ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat
rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Luzon ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan pababa sa lunsod.

You might also like