You are on page 1of 2

Ang Bulkang Kanlaon, na binabaybay din bilang Kanla-on o

Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito
sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng
Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.

Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng
Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong Agosto 8,
1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.

Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa Davao sa Pilipinas. Ito ang
pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na
2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng
huling panahon.

Noong Mayo 9, 1936, idineklara ni pangulong Manuel L. Quezon na Pambansang Liwasan.

Ang Ilog Cagayan na kilala rin bilang Rio Grande de Cagayan, ay ang
pinakamahabang ilog sa Pilipinas.[1] Matatagpuan ito sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan sa hilagang-silangang bahagi
ng Luzon, at dumadaloy sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at cagayan
Ang Rio Grande de Mindanao, o Ilog Mindanao (Min•da•náw) ang
pinakamalaking ilog sa isla ng Mindanao at ikalawang pinakamalaking sistemang ilog sa buong Filipinas,
pagkatapos ng Ilog Cagayan sa Luzon..

Ang Verde Island Passage and karagatang naghihiwalay sa isla ng


Mindoro mula sa Luzon. Ito raw ay sinasabing ding isa sa busiest sealanes sa Pilipinas dahil ito ang
pangunahing daanan ng mga barkong bumibiyahe mula Maynila papuntang Visayas at Mindanao. Pero dito

rin makikita ang center of the center of marine biodiversity in the world!
Ang Ilog Abra ang isa sa pinakamalaking sistemang ilog sa Filipinas. Ang ilog at mga sangay nitó ay
matatagpuan sa mga rehiyong Cordillera at Ilocos at dumadaloy sa mga lalawigan ng Abra, Benguet, at
Ilocos Sur. Nagsisimula ito sa Bundok Data sa kabundukan ng Cordillera at umaagos pahilagang-kanluran
tungo sa bayan ng Cervantes sa Ilocos Sur bago tumuloy sa mabababàng bahagi ng Abra. Sumasanib sa ilog
ang sangay nitóng Ilog Tineg, na nagmumula sa mga mataas na bahagi ng Abra. Dumaraan muli ito sa Ilocos
Sur bago bumuhos sa Dagat Timog Tsina (Dagat Kanlurang Filipinas) sa Lungsod Vigan.

You might also like