You are on page 1of 2

Mga Anyong-Lupa sa Pilipinas

Bulkang Didicas

Ang Bulkang Didicas (di·dí·kas) ay isang aktibong bulkanikong pulo sa lalawigan ng Cagayan sa


hilagang baybayin ng Pilipinas. Lumitaw muli noong 1952 ang pulo na dating submarinong bulkan.
Ito'y matatagpuan 22 km sa hilagang-silangan ng pulo ng Camiguin sa Kapuluang Babuyan sa Kipot ng
Luzon. Bago ang 1952, unang naitalâng lumitaw sa ibabaw ng karagatan ang bulkan noong 1857.

Bundok Halcon

Ang Bundok Halcon ay isang bundok na matatagpuan sa isla ng Mindoro sa Pilipinas. Sa taas nitong


2,586 metro[1] (8,482 talampakan), ito ang ika-18 pinakamataas na bundok sa Pilipinas. [2] Dahil sa
mga dalisdis nito, ito'y itinuturing na pinakamahirap na akyating bundok sa bansa. [1]
Naninirahan sa Bundok Halcon ang mga katutubong Alangan Mangyan.[3] Matatapuan sa masukal
nitong kagubatan ang iba't-ibang uri ng halaman at hayop, kasama na rito ang lubhang nanganganib
nang maubos na kulo-kulo na roon lamang matatagpuan.
Davao de Oro (dating Compostela Valley)

Ang Davao de Oro o sa dating Compostela Valley ay ikatlong pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na


matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Nabunturan ang kapital nito at napapaligiran
ng Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Sa timog-
kanluran naroon ang Golpo ng Davao. Dating kasapi ang lalawigan ng Davao del Norte hanggang
naging malayang lalawigan noong 1998.
Dating kilala ang lalawigan bilang Compostela Valley (literal na "Lambak ng Compostela, "ComVal"
kapag pinaikli, Sebwano: Kawalogang Kompostela). Binago ang pangalan sa bisa ng Batas Republika
Blg. 11297 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 17 Abril 2019 at isinapubliko noong
22 Mayo sa parehong taon. Ipinagtibay ito sa isang plebisito noong 7 Disyembre sa parehong taon,
kung saang sa 179,958 katao na bumoto, 174,442 ang sumang-ayon habang 5,020 ang tumutol.

You might also like