You are on page 1of 1

Filipino sa Piling Larang Akademik

Adrian James D. Naranjo

Pagsasanay 4

Byahe ni drew: Secrets of Coron

Itong napanuod kong documentario ay sadyang napaka ganda dahil sa mga tanawin na nakikita
natin dito. Naikwento ni drew ang kanyang mga naging karanasan sa pagpunta dito.Mahigit dalwang
oras ang byahe nila mula Maynila hanggang Coron. Ito ay pinalabas noon lamang Abril 1, 2017.Itong
palabas na ito ay nagustuhan ko dahil lahat ng tanawin at mga kuntura dito ay ipinapakita niya at sadya
naming nakakaaliw.

Habang akoy nanunuod ay napansin ko ang mga magagandang tanawin at kalinisan ng lugar.
Napaka rami nadin dumadayo dito. Di naman nag papabaya ang mga turista at sila naman ay nasunod sa
patakaran ng lungsod. Pinapanatili nilang malinis ang lugar na ito. At saakin naman ay gusto ko din
makapunta dito at malasap ang simoy ng hangin san ganda. At maranasan ang mga iba’t ibang Gawain
dito at sa kanilang kultura. At gusto ko rin makatikim ng iba’t ibang potahe.

Sa palabas na ito ay napansin ko kung pano sila mag alaga at respetuhin ang lugar na ito.
Napanuod ko na sobrang daming turista ang mga napunta na dito. At sa mga mabubuti nating kapwa
Pilipino ay sadya nilang inaalagaan ang lugar at ang mga turista. May napanuod din akong kamangha
manghang tinatawag na “lagoon”. Kaya naman ay dinarayo ito. Sa pag iikot naman sa lugar na ito ay
pede silang tumigil sa ibat ibang isla at pwede sila ditong magtanghalian at kumuha ng mga litrato.

Bukod sa paglukso sa isla at pagsisid, dadalhin kami ng aming paboritong BiyaHERO upang
tangkilikin ang maligamgam na tubig ng Sangat hots spring at bigyan kami ng isang taluktok na tuktok
kung paano panatilihin ng Tagbanuas na buhay ang kanilang kultura at tradisyon. Tiyak na panatilihin ng
Coron ang ating mga mata at pandama na nasiyahan. At sa mga susunod na henerasyon ay panatilihin
nating alagaan ang mga lugar na ating nasisilayan at wag itong sirain.

You might also like