Professional Documents
Culture Documents
Coron Palawan
Coron Palawan
PAANO ILALARAWAN
ANG MGA ITO BATAY SA NAKITA SA VIDEO? PANO SIYA NAKAPUNTA SA MGA
LUGAR NA NABANGGIT?
Ilan sa mga magagandang destinasyong napuntahan ni Drew sa loob ng Coron,
Palawan ay ang isang resort na ika nga niyay makakatipid ka at maginhawa sa
makatwirang presyo. Sa Kalachuchi Beach na ayon nga sa pangalay binubuo ng mga
bulaklak na Kalachuchi at ang lugar na itoy nagisisilbing resting spot o picnic place sa
tuloy-tuloy at sunod-sunod na pag-island hopping. Sumunod naman ay ang Kayangan
Lake, isang sagradong lugar na ayon daw sa mga lokalidad ay binabantayan ng isang
diwata kayay itinawag na sagrado. Sa sobrang liwanag ng tubig, kitang-kita ang mga
buhagin sa ilalim ng lawa. Hinding-hindi mawawala ang mga beaches sa pagpunta sa
ibat-ibang lugar, narito ang Pass Island na kinapapalooban ng mga mapuputing buhangin
tulad ng sa Boracay. Base sa bidyong pinanood, ang huling destinasyon na pinuntahan
ni Drew ay sa restaurant ng isang Amerikano. Inilarawan ni Drew ang kanyang mga
napuntahan sa pamamagitan ng dalawang paraan, ang unay ang paggamit ng sariling
imahinasyon, sa pag-isip na kunwarey nandoon ka sa mga lugar na kanyang
pinpuntahan. Ang ikalawa naman ay ang labis na paglarawan sa kagandahan at
magagandang aspeto sa mga tanawin at lugar sa loob ng Coron. Ginamit niya ang
kanyang paningin sa pagbibigay deskripsyon sa mga ito. Lahat ng lugar ay kanyang
napuntahan dahil sa ibat-ibang uri ng transportasyon tulad ng mga bangka sa katubigan
at mga jeep at kotse sa kalupaan.