You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Batangas
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

REBYU SA
EPISODYONG
PAMPANLALAKBA
Y
Byahe ni Drew
“Seoul, South Korea”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Batangas
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

I. Ukol sa programa
Ang programang “Byahe ni Drew” ay isang panlalakbay na palabas na
nagtatampok ng iba’t ibang lugar sa loob at labas ng bansa. Ipinapakilala ng
programang ito ang binisitang lugar tulad ng mga kultura nito, tradisyon, pisikal na
kaanyuan, mga pagkain, kagawian ng mga tao at maraming pang iba. Ang host at
manlalakbay ng nasabing programa ay ang kilalang personalidad sa showbiz na si
Drew Arellano. Ang programang ito ay ipinapalabas tuwing Biyernes ng gabi sa
GMANewsTV at patuloy na tinatangkilik ng mga manunuod.

II. Kritisismo
A. Nilalaman
Ang lugar na itinampok sa episodyong panlalakbay na ito ay isa sa
pinakatanyag at itinuring na pang-anim sa pinakabinibisitang lugar sa Asya. Ang
lungsod na tinutukoy sa episodyo ng programa ay ang Seoul, South Korea. Batay sa
aking napanuod, napakakomprehensibo ng mga inilahad na impormasyon ukol sa
nasabing lugar. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng pagpapakita ng iba’t ibang
popular na gawain, kultura, pagkain at atraksyon. Ngunit bago pa man niya ipakilala
ang mga nabanggit ay ipinagbigay-alam niya sa manunuod ang maaaring puntahan
upang hindi maligaw sa lugar na iyon at ito ay ang Tourist Center. Mainam na
nagbigay siya ng impormasyon ukol sa lugar na ito lalo na kung ang mga manunuod
ay bagong turista pa lamang sa lugar ding iyon.
Sa pagpapatuloy ng paglalakbay, unang ipinakita ni Drew ang pasilidad ng
hotel na kanyang tutuluyan sa paglagi niya sa Seoul. Inilahad niya rin ang mga
kaukulang presyo ng kwartong iyon. Matapos iyon ay pinuntahan naman yang ang
sikat na kultura ng mga Koreano, ang Sauna. Kasama niyang nagpunta rito ang
kanyang kaibigan na si Jay na isa Koreano rin at nagturo sa kanya ng mga nararapat
gawin bago at habang nasa loob ng establisimyentong ito. Mabisa na inilarawan niya
pagkatapos ang kanyang karanasan upang maunawaan rin ng mga manunuod ang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Batangas
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

nasabing gawain. Sunod naman niyang sinubukan ang pagkain ng bansa. Napansin
ko sa host na si Drew na susubok siya ng bago sa nasabing lugar ay hindi siya
nawawalan ng kasama na naninirahan o may lahing Koreano na masasabing kong
maganda dahil mas magkakaroon ng pagkakaintinidihan sa kapaligiran, tao at kultura
ng lugar. Ang mga naging kasama niya sa kanyang paglalakbay ang nagturo at
nagbigay impormasyon din sa kanyan ukol sa lugar. Ang huling bahagi ng naman ng
episodyong ito ay ang pagpapakita ng iba’t ibang atraksyon sa lugar. Maganda rin na
ang host na si Drew ay hindi lamang ipinakita ang pisikal na kaanyuan ng lugar o
atraksyon subalit naging epektibo din na sinubukan niyang gawin ang mga ginagawa
sa nasabing atraksyon. Nakabibilib din ang kanyang layunin at personalidad
sapagkat ginawa niya kung ano ang layunin talaga ng kanilang programa. Sa
pangkalahatan ay inilarawan niya ang kabuuan ng kanyang paglalakbay. Nagtapos
ito na may abang sa panibagong paglalakbay.

B. Galaw ng Kamera
Katulad ng nilalaman, maayos din ang pagkakakuha sa mga lugar na
pinuntahan ng manlalakbay na si Drew. Ang mga anggulo ay nasa tama upang mas
makita ang mga detalye ng lugar. Katulad na lamang ng kuha ng kabuuan na
ginamitan ng aerial shot upang malawak na maipakita ang kagandahan ng atraksyon
o lugar na iyon. May mga pagkakataon din an ipinopokus ang kamera sa
mananalaysay na si Drew at mabisa ito upang maipakita niya ang kanyang mga
reaksyon sa kanyang mga nasubukang Gawain. Magaling rin at hindi magulo ang
pagkakakuha ng mga clips at naaayon ang pagkakasunod-sunod nito ayon sa
isinasalaysay.

C. Tagapagsalaysay
Pansin na pansin kay Drew Arellano kung gaano siya kabihasa sa
kanyang ginagawa lalong-lalo na kanyang pagsasalaysay. Magaling rin siya sa
pagkakaroon ng interaksyon sa taong nagbibigay impormasyon o nagtuturo sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Batangas
BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

kanya. Hindi rin nawawala kanyang positibong personalidad sa pagtuklas pa ng


mga bagay-bagay na makapagpapadagdag ng kaalaman sa nasabing lugar. May
transisyon din sa kanyang mga isinalaysay kaakibat ang kanyang ipinapakita.
Nagbibigay rin siya ng mga tips sa mga manunuod kung saan mas makakatipid o
mas mainam puntahan. Masasabi kong isa siyang epektibong host ng
programang “Biyahe ni Drew” at tamang-tama ang pamagat ng programa
sapagkat siya ay isang ekspersto talaga sa mga biyahe.

III. Kongklusyon at Rekomendasyon


Sa kabuuan ay nagpakita ng isang makabuluhang palabas ang
programang ito para sa episodyong ito. Naipakita ng maayos ang kultura,
pagkain, nakasanayang gawi, atraksyon ng Seoul, South Korea. Bagamat maikli
lamang ay naging siksik at naunawaan pa rin ang mga nais ipakilalang lugar sa
mga manunuod. Sa maikling oras ay nakakuha ang mga manunuod ng ideya
upang sa gayon ay sa pagbisita nila sa lugar ay may kaalaman na sila. Sa
episodyong ito, mainam sana kung nabigyan-pansin pa tanyag na lugar sa Seoul
at kung paano pumunta rito. Inilahad sana kung ano ang mga paraan o daan
patungo sa iba’t ibang destinasyon. Sa paraang ito ay mas magiging detalyado
ang paglalakbay. Subalit, sa pangkalahatan naman ay maganda at kapaki-
pakinabang ang episodyong ito. Nakatutuwa na ang pagsasa-telebisyon ng
lakbay na ito ay maaaring maging batayan ng mga bago o beteranong
manlalakbay at makatuklas din ng mga panibagong bagay.

You might also like