You are on page 1of 41

Iba’t ibang Paraan sa

Pagpapakahulugan ng Salita
(Pagpapangkat, Konteksto,
Kasingkahulugan at
Kasalungat, at Konotasyon at
Denotasyon)
Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita
sa pamamagitan ng pagpapangkat
2. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang
ginamit batay sa denotasyon at konotasyon nito
3. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita
batay sa konteksto ng pangungusap
Panuto: Tukuyin ang
kasingkahulugan at kasalungat ng mga
salita batay sa pagkakagamit ng mga
ito sa pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Palaging napagsasabihan ang mga
batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay
ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
a. napapalo
b. nakukulong
c. nasisigawan
d. napaaalalahanan
2. Dapat mong tanggapin ang
katotohanan na ikaw ay wala pang alam.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit.
a. realidad
b. kamalian
c. kasiyahan
d. kasamaan
3. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos
ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang
ko ang gusto mo.” Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
a. di-nakaimik
b. di-nakapagsalita
c. di-nagulat
d. di-nabahala
4. Lingid sa kaalaman ng marami, may
kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa
mga hayop at insekto. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

a. hindi alam ng lahat


b. inilihim sa tao
c. alam na alam ng lahat
d. ipinagsabi sa tao
5. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang batas
at kung sinumang lumabag ay pinarurusahan.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
a. mabagsik
b. malupit
c. mapusok
d. masungit
6. Masayang nagtatawanan ang mga
mumunting-bata. Ibigay ang kasalungat
ng salitang may salungguhit.
a. paslit
b. sanggol
c. maliit
d. matanda
7. Makinig tayo sa payo ng ating mga
magulang. Ibigay ang kasalungat ng
salitang may salungguhit.
a. magbigay-atensiyon
b. magsawalang-bahala
c. pahalagahan
d. isaisip
8. Ang mga taong walang-alam ay
madalas masangkot sa gulo. Ibigay ang
kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. matalino
b. inosente
c. tahimik
d. manloloko
9. Namangha ang mga turista sa angking
kagandahan ng lake holon sa T’boli, South
Cotabato. Ibigay ang kasalungat ng
salitang may salungguhit.
a. nadismaya
b. nabighani
c. nabigla
d. nagulat
10.Natuwa ang karamihan nang dumating
na sa wakas ang bakuna kontra Covid19 sa
Pilipinas. Ibigay ang kasalungat ng
salitang may salungguhit.
a. nasiyahan
b. namangha
c. nalungkot
d. nagalak
Mga Paraan sa
Pagbibigay ng
Kahulugan
1. Pagbibigay-kahulugan ayon sa
pagpapangkat
 Ito ay pagsasama-sama ng mga
salitang magkatulad ang kahulugan.

Halimbawa:
o layunin, hangarin, naisin
Paliwanag:
 Ang salitang „layunin‟ ay maaari
ring tawagin sa mga sumusunod na
salita: „hangarin‟ at „naisin‟ kung
saan nangangahulugan itong
motibasyon upang makuha o
makamit ang isang bagay.
2. Pagbibigay-kahulugan ayon sa
konteksto ng pangungusap
 Ang kahulugan ng salita ay
maunawaan ayon sa pagkagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
o Humahangos na nilapitan ni Mangita
ang matandang nasaktan.
Paliwanag:
 Ang kahulugan ng salitang
„humahangos‟ ay mabilis
sapagkat ito ay nagpapakita
ng kilos ng pagmamadali.
3. Denotasyon
 Ito ay karaniwang kahulugan
mula sa diksiyonaryo o salitang
ginagamit sa pangkaraniwan at
simpleng pahayag.
Halimbawa:
o Ang bulaklak ay namumukadkad.
Paliwanag:
 Ang ibig sabihin ng
„bulaklak‟ sa pangungusap
ay bahagi ng halaman.
4. Konotasyon
 Ito ay may dalang ibang kahulugan o
maaaring pansariling kahulugan ng isang tao
o pangkat na iba kaysa sa karaniwang
kahulugan.

Halimbawa:
o Maraming magagandang bulaklak na anak
si Ana.
Paliwanag:
 Ang ibig sabihin ng
salitang „bulaklak‟ ay
babae.
5. Kasingkahulugan
 Ito ay mga salitang nagbibigay
ng magkatulad o magkaparehong
kahulugan ng isang salita.

Halimbawa:
o maganda – marikit
Paliwanag:
 Ang dalawang salita ay
parehong naglalarawan ng
kagandahan.
6. Kasalungat
 Ito ay kabaligtaran ng
kasingkahulugan kung saan
magkaiba ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
o mataba – payat
Paliwanag:
 Ang dalawang salita
ay tumutukoy sa
magkaibang hugis ng
katawan.
1. Humahangos na nilapitan ni
Mangita ang matandang
nasaktan.
Kahulugan ng Salita:
2. Lalong namuhi si Larina sa
kapatid dahil sa inaakalang
pakikialam nito sa kaniyang
ginagawa.

Kahulugan ng Salita:
3. Hinalughog ng matandang
babae ang buong kabahayan
subalit hindi niya nakita ang
hinahanap.

Kahulugan ng Salita:
4. Natalos ng matanda ang
tunay na ginawa ni Larina sa
iniwan niyang mga supot ng
buto.
Kahulugan ng Salita:
5. Namalagi sa tahanan ng
diwata si Mangita samantalang
nasadlak sa ilalim ng lawa si
Larina.

Kahulugan ng Salita:
Panuto: Ibigay ang kahulugan
ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat at dahilan nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. mataas, matayog, mahaba, __________
a. mataba, dahil hindi nagkasya ang damit
b. mababa, dahil hanggang binti lamang ang
tubig
c. matangkad, dahil tumutukoy ito sa taas o
haba ng isang tao o bagay
d. malaki, dahil hindi kayang sukatin ang
kaniyang lupain ng isang araw
2. kapus-palad, dukha, hampaslupa, __________
a. mayaman, dahil nagsumikap
b. mariwasa, dahil kahit anong hilingin ay
naibibigay
c. masagana, dahil nabibili ang gusto nilang
pagkain
d. mahirap, dahil mababa ang estado ng
pamumuhay
3. kapighatian, kasawian, dalamhati, __________
a. katamaran, dahil palaging natutulog
b. kalungkutan, dahil naglalarawan ng
damdaming nalulumbay
c. kasiyahan, dahil napagtagumpayan ang
kaniyang pangarap
d. kasipagan, dahil sa magandang resulta ng
kaniyang pagsusulit
4. magkatulad, patas, pantay, ____________
a. magkaiba, dahil nagmula sila sa iba‟t
ibang bansa
b. magkaugnay, dahil may koneksyon ang
mga mensahe
c. magkasalungat, dahil iba-iba ang pananaw
o prinsipyo
d. magkapareho, dahil sa pagkakapareho ng
mga katangian
5. inalagaan, kinupkop, inaruga, _______
a. pinabayaan, dahil laki sa layaw
b. inabandona, dahil masama ang ugali
c. pinaalis, dahil hindi nakabayad ng
utang
d. kinalinga, dahil sa pag-aalaga o
pagtangkilik ng magulang sa anak
Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon ng mga salita. *Ang unang bilang ay ginawa na
para magsilbing gabay.

You might also like