You are on page 1of 4

1.

Puti ng Itlog

Ang puti ng itlog ay mayaman sa protina na tumutulong sa pagtubo ng bagong buhok. Ang sulfur, zinc,
iron, selenium, iodine at phosphorous ay taglay din ng itlog na syang kailangan para sa pagpapatubo at
pagpapaganda ng buhok.

Paraan ng paggamit:

Biyakin ang itlog at paghiwalayin ang puti at pula nito.

Iwan lamang ang puti sa lalagyan.

Ihalo sa puti ng itlog ang isang kutsaritang olive oil at honey.

Haluing mabuti hanggang sa maging even ang mixture at maging smooth paste.

Iapply sa anit at buhok habang minamasahe.

Iwan ng 20-30 minuto saka banlawan ng tubig at mild shampoo.

2.Gata ng Niyog

Ang gata ng niyog ay mayaman sa iron, potassium at essential fats. Binabawasan nito ang panlalagas at
pagkasira ng hibla ng buhok.

Paraan ng Paggamit:

Magkayod ng niyog.

Pigain ang nakayod na niyog (huwag lalagyan ng tubig.)

Imasahe sa anit ang gata.

Hayaan ng magdamag na ang ulo ay may gata.


Banlawan ng tubig kinabukasan.

3.Green Tea

Ang green tea ay sagana sa antioxidants na nakatutulong upang sumigla ang buhok at maiwasan ang
paglalagas.

Paraan ng paggamit:

Gumawa ng green tea.

Ipahid sa anit ang green tea (maligamgam.)

Iwan ng isang oras sa ulo.

Banlawan ng tubig.

4.Katas ng Patatas

Marami ang hindi nakakaalam na ang patatas ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral gaya ng Vitamin
C, Vitamin B, at iron na importante sa pagpapatubo ng bagong buhok.

Paraan ng paggamit:

Balatan ang patatas at gadgarin. Maaari ring gumamit ng blender. Hiwain sa maliliit ang patatas saka
isalang sa blender.

Kapag nagadgad na, pigain ang patatas gamit ang malinis na tela o panyo para makuha ang katas ng
patatas.

Ang nakuhang katas ay imasahe sa anit at sa mismong buhok kung marami ang katas na ginawa.
Iwan ng 20-30 minuto. Maaaring takpan ang buhok gamit ang shower cap.

Banlawan ang buhok ng malinis na tubig pagkatapos.

Gawin ito isang beses sa isang linggo.

5.Bawang

Ang bawang ay nagtataglay ng mga elements kabilang ang sulfur, copper, vitamin C, selenium at mga
mineral na pangunahing kailangan para sa malusog na buhok.

Paraan ng Paggamit:

Kahalo ng olive oil

Maglagay ng mga butil ng bawang sa bote na may olive oil.

Iwan ito ng isang linggo.

Makaraan ang isang linggo, maaari nang gamitin sa anit at buhok ang olive oil.

Mainam na gawin ito sa gabi bago matulog at banlawan kinabukasan.

Kahalo ng coconut oil

Maggadgad ng ilang butil ng bawang at ihalo sa isang kutsarang coconut oil.

Isalang ito sa apoy ng konting minuto at haluing mabuti.

Palamigin saka ipahid at imasahe sa anit.

Para epektib gawin ito ng 2-3 beses sa isang linggo hanggang makita ang magandang resulta.

6.Katas ng Sibuyas

Ang katas ng sibuyas ay mayaman sa sulfur na kapag iminasahe sa anit ay nakapagpapaganda sa


sirkulasyon ng dugo at nakapagpapadami sa collagen na kailangan para maging malusog ang buhok.
Bukod sa pinalalago nito ang buhok, naiiwasan din ang mga impeksyon sa anit dahil sa anti-bacterial
property ng sibuyas.

Paraan ng paggamit:

Gayatin sa maliliit na bahagi ang sibuyas.

Pigain ang hiniwang sibuyas para makuha ang katas. Maaaring gumamit ng blender o juicer saka pigain.

Imasahe sa anit ang katas ng sibuyas at iwan ito ng 15 minuto hanggang isang oras.

Banlawan ng tubig at gumamit ng mild shampoo.

Gawin ito ng ligtangang araw sa loob ng isang buwan.

Here are seven-steps for an effective problem-solving process.

Identify the issues. Be clear about what the problem is. ...

Understand everyone's interests. ...

List the possible solutions (options) ...

Evaluate the options. ...

Select an option or options. ...

Document the agreement(s). ...

Agree on contingencies, monitoring, and evaluation.

You might also like