You are on page 1of 2

Flores John Lester C.

St Catherine of Alexandria

Tama nga naman na ang rosas ay may tinik ngunit sa kabuuan maganda pa rin, bagkus
alam naman natin na gaano man siya kaganda at gaano man siya kaakit akit may
kaakibat parin na sakit. Rosas, na kung pag mamasdan mong nakakaakit, may taglay na
kagandahan, sa kulay man o tangkay ngunit akakalain mo bang ito ay may tinatago ring
kapangitan sa kabila ng kaniyang perpektong kagandahan. Ito ang tinik sa kaniyang mga
tangkay na kung hindi mo pag mamasdan ng maigi ikaw ay masasaktan, masusugat at
magugulat. Ngunit sakabila man ng kapintasan ito sa kabuohan ay maganda parin ito,
mabango at kaakit akit, kahit hindi ito perpekto. Bagkus wala naman perpekto sa
mundo, mapa tao o bagay at pati natin sa bulaklak.

Gaya ng rosas, ang buhay ko ay hindi perpekto. Mag simula ng ako ay lumaki, hanggang
ngayon ako’y namumulat na at nag kakaisip ang tinik sa aking dibdib ay hindi parin
lumilisan kahit napaka dami ng oras ang lumipas. Ang tinik na ito ng aking buhay ay nag
mula ng ang aking mga magulang ay lumisan ng bansa upang makapag trabaho sa ibang
lugar. Napaka sakit na ang perpektong pamilya ay hindi ko kasama. Gaya ng rosas ay
napakaganda na para bang hindi na kukupas ang kagandahan. Gaya ng rosas na may
tinik sa kaniyang tangkay ang kamay ko naman ay napilay. Gaya ng rosas na para nabang
perpektong buhay ngunit may kaakibat pala ito na sakit. Na parang ang buhay ko akala
ko perpekto nako pero hindi naman pala dahil lumisan ang mga magulang ko sa ibang
bansa upang mag trabaho. Ansakit isipin wala kang ina at ama nakapiling ang sakit isipin
na wala kang kakampi tuwing natatalo sa mga laban at pagsubok na nararanasan ko sa
aking buhay. Kaya gaya ng rosas, ako ay may tinik na naka akibat sa aking dibdib.

Dahil sa karanasan na ito napagtanto ko sa aking buhay na gaano man ito ka tinik ang
rosas may kabuuan parin ito na kagandaan na para bang wala ng kupas na gaya rin ng
aking buhay. Gaano man kadami ang pagsubok at puot na dinadala ko tuwing natatalo
sa laban ng aking buhay. natuto akong lumaban bumangaon at hindi basta bastang
sumusuko bagkus alam konaman sa sarili ko nakayang kaya kong ipanalo ang laban nato.
Dahil ang mga tinik sa aking dibdib na dati kong kahinaan ay ngayon aking nagiging
kalakasan.

You might also like