You are on page 1of 3

MEMORANDUM NG KASUNDUAN

SA LAHAT NG DAPAT MAKAKAALAM:

Itong Memorandum ng Kasuduan, binuo at ginawa sa pagitan ng:

BATHALAD MINDANAO (Bathalan-ong Halad sa Dagang) isang pangkat ng mga


manunulat sa Mindanao na nagsusulong sa panitikan sa rehiyon sa ilalim ng organisasyong
LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya).

at

MINDANAO STATE UNIVERSITY-ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY sa


pamamagitan ng DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT IBANG MGA WIKA (DFIW),
isang yunit pang-akademiko sa ilalim ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan (College of
Arts and Social Sciences) ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-
IIT), isang pang-estadong unibersidad na tinatangkilik at tinataguyod ng Pamahalaan ng
Pilipinas, na may opisyal na adres sa Andres Bonifacio, Tibanga Highway, Iligan City at
kinakatawan nito, Dr. Sukarno D. Tanggol, na simula rito ay tutukuyin bilang MSU-IIT.

PAGTIBAYIN

SAPAGKAT, ang MSU-IIT ay kinikilala bilang sentro ng pagpapahusay (Center of


Development (COD) sa Filipino sa Comission on Higher Education (CHED) at inaasahan ng
CHED na ito ay “tumulong sa pagpapaunlad ng programa at maibahagi ng teknikal na kasanayan
at kahusayan sa ibang ahensiya o institusyon”

SAPAGKAT, ang MSU-IIT at Center of Excellence Itinala sa araw na ika-6 ng Setyembre


2019, sa pagitan ng Bathalad Mindanao at Departamento ng Filipino sa Mindanao State
University-Iligan Institute of Technology, na simula dito ay

SAPAGKAT, ang BATHALAD MINDANAO at MSU-IIT bilang academe ay may nabuong


Memorandum ng Kasunduan na sa pangkalahatan ay Papandayin sa kasunuduang ito ang
pagkakaroon ng mga lektyur, seminar, forum at iba pang aktibidades na magpapakita at
maglalahad yaman ng panitikan sa Mindanao.

SAPAGKAT, bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng Memorandum ng Kasunduan na ito sa


pagitang ay BATHALAD MINDANAO at MSU-IIT ay ipinanunukala ang kasunduan ito;

NGAYON, SAMAKATUWID, ang dalawang panig, BATHALAD MINDANAO at MSU-IIT


ay kapwa nagkakasundo at pumapayag na magtutulugan upang mapalago, mapalaganap at
mapaunlad ang panitikang rehiyong nagmumula sa Mindanao at isasakatuparan ang mga
sumusunod:
TUNGKULIN NG BATHALAD MINDANAO:

1.

2.

3.

4.

5.

TUNGKULIN NG MSU-IIT:

1. Mapaunawa at Mapangalagaan ang kapakanan ng manunulat sa rehiyon na hindi lang basta


kunin at gamitin ang kanilang akda kundi ipakita at itanghal ang angking kagalingan ng mga
manunulat upang mapaunlad ang panitikang nagmumula sa Mindanao.

2. Mapahalagahan ang mga sariling akda at manunulat ang mamamayan sa Mindanao na ilang
taong sumilong sa kagalingan ng taga-Maynila. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akda
mula sa manunulat sa Bathalad Mindanao ay mapukaw ang interes ng estudyante, mga guro,
mga mananaliksik at mamamayan na magkakaroon na lumikha ng sariling akda na
nagpapahayag ng opinyon, kuro-kuro, obserbasyon, karanasan, at damdamin sa kalagayan ng
taga-Mindanao.

3. Maipabasa ang mga akda ng mga manunulat sa Bathalad Mindanao sa estudyante at mga guro
lalong lalo na sa pagtalakay sa panitikan ng rehiyon bilang yaman ng pulo.

4. Maisiwalat sa kamalayan ng estudyante, guro, mananaliksik at mamamayan ang mga akda at


pati na rin ang mga manunulat sa Bathalad Mindanao upang sa ganoon ay matuklasan ang
nakatagong kayamanan ng Mindanao sa ngalan ng panitikan.

BISA AT TAGAL

Itong Memorandum ng Kasunduan ay magkakabisa sa panahong ang lahat ng mga


kasangkot ay makapaglagda at magtatagal hanggang limang taon sa kasalukuyang pamumuno ni
Fr. Saguban ng Bathalad Mindanao o sa opisyal na paunungkulan bilang tsanselor ng MSU-IIT,
Dr. Sukarno D. Tanggol; sa pasubali pa ring maaaring mapahaba itong kasunduan ayon sa
magiging desisyon ng mga papalit sa isa o kapwang lumagda sa Kasunduang ito;

Ang pagtatapos ng Memorandum ng Kasunduan ay maaari ring isagawa ng isa sa


dalawang panig sa kondisyong ipapaalam sa kabilang panig ang desisyon nito sa pasulat na
paraang magkakabisa sa loob ng tatlumpung (30) araw o sa pamamagitan ng desisyong kapwa
pinagkasunduan ng dalawang panig.

BILANG PAGPAPATUNAY NITO, kapwa nilalagdaan ng mga kasangkot itong


kasunduan ngayong ika- __ ng Setyembre 2019, sa Lungsod ng Iligan, Pilipinas.

PARA SA BATHALAD MINDANAO: PARA SA MSU-ILIGAN


INSTITUTE OF TECHNOLOGY:

FR. SAGUBAN DR. SUKARNO D. TANGGOL


Pangulo Tsanselor

Nilagdaan sa harap nina:

JINKY B. BORNALES, Ph.D _______________________________


Besi Tsanselor sa Riserts & Ekstensyon

ROHANI DEROGONGAN Ph.D _______________________________


Dekana, CASS

ROSARIO B. DIZON Ph.D ______________________________


Tserman, DFIW

You might also like