You are on page 1of 3

SALIKSIK SA AKLATAN

Ang isang mananaliksik ay nangangailangan ng mapagkukuhanan ng tiyak na mga


impormasyon upang makatulong sa kaniyang pag-aaral o paghahanap, sa
pamamagitan nito ay napapalawak at nabibigyang linaw ang isang penomenal na
tanong na kaniyang nais masagot. Isang halimbawa ng mapagkukunan ng mga
impormasyon ay ang aklatan. Ang aklatan ay isang lugar na koleksyon ng mga libro o
materyales na ginagamit ng isang indibidwal sa kaniyang pang araw - araw na
pangangailangan, ang aklatan rin ang nagsisilbing lugar sa kabuuan ng pananaliksik.
Bilang isang mananaliksik, nararapat lamang na maalam sa mga protokol bago ang
pagsasagwa ng pananalksik, gaya ng kung ano ang paksang iyong nakuha at kung
saan ba dapat ito espisipikong aklatan mapag-aaralan. 

Ang pag-usbong ng mga uri ng aklatan ay naaayon batay sa daloy ng panahon. Ang
Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay itinuturing na tradisyonal sapagkat ito ay
matatagpuan sa isang unibersidad. Mobile library at pop-up library naman ang
tinatawag na di-tradisyonal sapagkat ito ay naililipat sa mga iba't ibang lugar sa bansa
upang ihatid ang mga kaalamang nakapaloob rito. May limang uri ng Aklatan sa
Pilipinas na maituturing na tradisyunal at di-tradisyunal. Una ay ang Akademikong
Aklatan. Dito nakapaloob ang aklatan para sa mga unibersidad at kolehiyo. Halimbawa
nito ay ang UP Diliman Main Library na itinayo upang makatulong sa pagtuturo, pag-
aaral, at iba pang gawain na itinalaga sa nasabing paaralan. Sunod ay ang Aklatan ng
Paaralan. Dito nakapaloob ang aklatan na para naman sa mga kinder, elementarya, at
sekondarya. Ang Aklatan ng Paaralan ay nakatutulong sa pangangailangan sa
nasabing kurikulum. Ikatlo ay ang Publikong Aklatan, karaniwang makikita ito sa mga
lalawigan, bayan, at barangay na pinanghahawakan ng mga lokal na pamahalaan.
Layunin nitong maibigay ang pangangailangan ng kanilang mamamayan na ayon na rin
sa batas, Republict Blg. 7743, na layong magtayo ng mga aklatan sa mga distrito,
lungsod, bayan, at barangay sa Pilipinas. Halimbawa nito ay ang Pambansang Aklatan
ng Pilipinas. Pang apat ay ang Natatanging Aklatan. Dito makikita ang para lamang sa
mga espisipikong layunin at tiyak na paksa. Halimbawa, sa paghahanap ng mga
sanggunian tungkol sa agrikultura, naririto ang aklatan ng Kagawaran ng Agrikultura
upang makatulong sa paghahanap ng imposmasyon tungkol sa pagsasaka at
pagaagrikultura. Ang huli ay ang Aklatang Mobile (na nag simula pa noong 1995) o
Bookmobile sa ibang bansa. Dito nakapaloob ang mga sanggunian at materyales na
pang-aklatang hindi nananatili sa iisang lugar. 

Bilang isang mananaliksik, mahalaga na matutuhan ang ibat ibang pamamaraan sa


tamang pananaliksik at ang pagpili ng wastong sanggunian para rito. Mayroong walong
mga uri ng sanggunian: Una ay ang Pangkalahatang sanggunian o General Reference
na maaari lamang magamit sa loob ng aklatan. Dito matatagpuan ang mga
sangguniang gaya ng diksyonaryo, atlas, taunang aklat, at iba pang gaya ng electronic
journals. Sunod ay ang Aklat Filipiniana o Filipiniana Books. Dito mahahanap ang mga
aklat na nailimbag sa Filipinas. Pangatlo ay ang Natatanging koleksiyon o Special
Collection. Matatagpuan dito ang mga aklat na bibihira na lamang ang mga kopya.
Pang apat ay ang Serial. Dito ay makikita ang mga jornal, magasin at dyaryo. Panglima
ay ang Tesis at Disertasyon. Ang Tesis at Disertasyon ay mula sa di-gradwado at
gradwado na tesis at disertasyon. Pang anim ay ang Microfoms, dito matatagpuan ang
mga kopya ng mga lumang dokumento. Sumunod ay ang Audio-Visual
Materials/Multimedia. Dito naman matatagpuan ang mga recorded na tunog at bidyo na
hindi nakalimbag. At ang huli ay ang Sinupuan, dito ay makikita ang mga lumang
dokumento. 

Sa pagtukoy ng mga uri ng sanggunian, kinakailangan rin ang pangalawang hakbang,


ang pagtataya, dahil sa paraang ito ay makikita kung gaano kahusay at tapat ang isang
sanggunian. Upang makatiyak sa sangguniang kukuhanin, ang baliktad na piramid o
Piramide ng mga Sanggunian sa Aklatan ay maaaring magamit upang makatulong sa
iyong pagsasaliksik. Mula sa ibabang bahagi o patusok na bahagi ng piramid
malalaman na ang mga sangguniang nahanap ay lubos na mapagkakatiwalaan,
Habang ang sa itaas na parte naman ay hindi lubos na mapagkakatiwalaan.

Mahalagang tandaan na sa pagpili ng mga artikulo at pagtingin sa mga awtor na


nababaggit sa isang partiular na paksa ay kinakailangang gamitin ang primaryang
sanggunian, sapagkat ito ay mas makakatulong sa pagtataya sa sangguniang
makukuha kaysa sekundaryang sanggunian. Maraming pamamaraan sa pagsasaliksik.
Sa pagdayo sa isang aklatan, mahalaga na alamin kung papaano inuuri ang mga aklat
upang mapabilis ang proseso ng paghahanap. May dalawang uri ng sistema sa
klasipikasyon ng mga aklat: Sistemang Dewey Decimal at Library Congress. Ang
Sistemang Dewey Decimal ay gumagamit ng mga numerong arabigo mula sa sampung
pangunahing karunungan na hinahati sa klasipikasyon ng aklat gamit ang decimal
points, ito rin ay karaniwang ginagamit sa mga pampublikong aklatan. Samantala, ang
Library Congress naman ay nakapokus sa paggamit ng mga titik at numero at
kadalasang ginagamit sa mga aklatan ng paaralan dahil mayroon itong labing isang
bilang ng pangunahing kategorya. Nagkakaroon ng panibagong titik para sa sub-
classification ng Library Congress, ito ay nahahati naman sa sub-class sa pamamaraan
ng pagnumero mula 1 hanggang 9999 na maaaring lagyan ng decimal. 

Ang Takdang numero ay isa tatlong maaring gamitin sa paraan ng pananaliksik, ito ay
makikita mula sa gulogod ng isang aklat. Samantala, upang mapablis pa ang
paghahanap ng aklat sa estante, maaaring: Basahin muna ang numerong nakatakda sa
paraang palinya, unawain ang unang linya sa paalpabetikong paraan, basahin ang
ikalawang linya bilang isang buong numero, basahin ang titik sa alpabetong paran at
ang panghuli ay ang pagbasa sa ikaapat na linya gamit naman ang kronolohikong
paraan. Pangalawa ay ang Kard Katalog. Kard Katalog naman ay makikita ang mga
impormasyon hinggil sa aklat, gaya ng paksa, awtor, pamagat, petsa at iba pa. 
Ang Kard Katalog ay may tatlong uri na siyang inuuri sa awtor at pamagat ng isang
aklat, sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng tatlong pagpipilian ang mga
mananaliksik sa paghahanap ng aklat. Una ay ang Kard awtor na makikita agad sa
unang linya sa libro, gayun rin ang Kard ng Pamagat at Kard ng Paksa na sa unang
linya rin makikita, Ang pangatlong pamamaraan sa pagsasaliksik ay ang Online Public
Access Catalog. Sa pagtipa ng mga keywords, dito ay mahahanap agad ang partikular
na aklat na nais mahana. Dito rin ay makikita ang ang impormasyong nakapalood sa
kard katalog at iba pang karagdagang impormasyon ukol sa isang aklat.

You might also like