ARALIN 6 - MGA D WPS Office

You might also like

You are on page 1of 10

ARALIN 6: MGA DAPAT

TANDAAN NG ISANG
MANANALIKSIK
Saan nakakukuha ng impormasyon?

1. Aklatan - Ang aklatan ay maituturing na na


koleksyon ng mga mapagkukunang impormasyon.
Kung sakaling magsasagawa ng malawakang
pananaliksik pinakamainam na magpunta sa aklatan.
Mayroong aklatan na may internet at kadalasang may
mga online subscription ng mga dyornals na pang
akademiko at nang iba't ibang babasahing peryodikal.
Mga Gabay sa Pagsasaliksik sa Aklatan
1. Itala ang mga paksang kailangang saliksikin.
2. Tignan ang talaan kung may tiyak na aklat na
pinapahanap ang iyong guro.
3. Tiyaking dala ang iyong library card.
4. Sa aklatan, maaring magtungo sa card catalog o
OPAC.
5. Sakaling hindi mahanap ang libro humingi ng tulong
sa librarian.
6. Gumawa ng talaan ng libro na gagamitin galong
aklatan.
7. Tiyaking maitala ang mga mahahalagang bagay na
nasa libro.
8. Tandaan Kung kailan dapat ito isauli.
2. Pakikipanayan - Dapat tiyakin ng mananaliksik na
isang taong maalam o dalubhasa sa paksang pag -
aaralan ang kakapanayamin ulang masigurong wasto
ang impormasyon makukuha.

Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Pakikipanayam


1. Humingi ng Pahintulot sa taong balak
kapanayamin.
a. Banggitin sa kinapapanayaman ang layunin ng
Pakikipanayam. Humingi rin ng pahintulot Kung
papayag ba siyang banggitin ang pangalan.
b. Kung menor de edad ang kapapanayamin,
humingi ng pahintulot sa mga magulang o sa
tagapag-alaga nito.
2. Kunin ang buong pangalan ng taong
kapapanayamin, kasalukuyang posisyon, at Kung
saang institusyon siya kabilang upang mailagay sa
teskto.
3. Ihanda ang mga gabay na tanong upang maging
maayos ang daloy ng panayam.
4. Itanong din sa kakapanayamin kung ibig niyang
gawin ang Pakikipanayam sa personal, pamamagitan
ng e-mail, o sa ibang pamamaraan.
5. Dumating sa tamang oras at tapusin sa tamang oras
ang Pakikipanayam.
6. Humingi ng pahintulot Kung kinakailangan na
kumuha ng larawan
7. Makinig nang mabuti sa kinapapanayaman.
8. Matapos ang Pakikipanayam, pasalamatan ang
kinapanayaman para sa kanyang ginugol na oras.

3. Museo - Matutunghayan sa museo ang mga relic o


ala-ala ng sinaunang pamumuhay tulad ng mga labi ng
tao at mga artifact. Matatagpuan din sa museo ang
mga dokumentong pangkasaysayan na maaring may
kaugnayan sa sinaunang batas o kasulatan ng mga
ninuno.
a. Pangunahing Sanggunihan - Kabilang sa mga
pangunahing Sanggunihan o primariya ang mga
tala at dokumento na orihinal na pinagmulan ng
impormasyon tungkol sa kasaysayan.
Bukod sa mga dokumento, maituturing din na
primariya ang mga relics tulad ng palayok, palamuti at
mga kagamitang matatagpuan kasama ng labi ng mga
sinaunang tao.
B. Sekundaryong Sanggunihan - tumutukoy naman ito
sa mga dokumentong naisulat matapos maganap ang
isang pangyayari. Maaring tungkol din ito sa isang tao
o makasaysayang paksa.
4. Arkibo - Matatagpuan dito ang mga materyal na
pangkasaysayan at pampublikong tala. Hindi maaring
ilabas ang mga dokumentong ito mula sa aklatan dahil
sa maselang kondisyon ng ilang materyal na marupok
na ang mga pahina dahil sa kalumaan.
5. Internet - Bukod sa pagpapadali ng komunikasyon
sa pamamagitan ng e-mail at iba pang social media,
Kung saan naipadadala ang mensahe sa elektronikong
pamamaraan, maituturing ang internet bilang
mabisang paraan upang makahanap ng impormasyon.
Bukod sa mabilis na makakalap ang impormasyon,
marami ring pagkukuhaan ng impormasyon mula sa
iba't ibang website.
a. Search Engine - Ang search engine ay isang
aplikasyon sa kompyuter na nangangalap ng
mga dokumentong matatagpuan sa iba't ibang
website gamit ang Internet sa pamamagitan ng
pagta-type ng keyword sa search field nito.
b. Hashtag - Kung magsasaliksik Naman sa social
media gaya ng twitter o Instagram, Mainam na ito
at gamitin upang mahanap ang mga paksang
trending o kasalukuyan at madalas na pinag -
uusapan ng mga netizen.
Samantala, may mga mananaliksik na Alam na ang
tiyak na website at ito ang tinatawag na URL o uniform
resource locator na tumutukoy sa address ng isang
website.
c. Online Journal
• Educational resources Information Center –
pananaliksik na may kinalaman sa edukasyon o
pagtuturo.
•Journal Storage (JSTOR) – pananaliksik mula sa
disiplina ang matatagpuan dito ngunit mas
madami ang tungkol sa humanidades at agham
panlipunan.
•HINARI – Pananaliksik na may kinalaman sa
edukasyon, pagtuturo, at sikolohiya.
• PsycNET – dyornal na isinulat ng mga American
Psychological Association (APA).
•Google scholar – mga akdang pang akademiko.
6. Tesis at Disertasyon -

You might also like